Natakot ako dahil sa pagkuha ng demonyo kay Light. Ano nang gagawin namin? Paano namin malalaman kung nasaan si Light? Ibig sabihin ba nito, hindi namin napagtagumpayan ang isa sa mga pagsubok namin? Hindi ko talaga alam ang gagawin ko.
Sinisisi naman ni Summer ang kanyang sarili. Sabi niya kung sana hindi siya nagpatangatanga at hindi natamaan at nahilo, nakatulong pa sana siya kay Light. Kung sana nahawakan niya si Light at hinila ito upang hindi makuha ng anino at naisama ng demonyo. Umiiyak siya habang sinisisi ang sarili. Pinatahan naman namin siya at sinabing wala siyang kasalanan.
Kaya nga rin pala madaling nahilo si Summer kanina, wala pa kasi kaming kain. Naghanap sina Night at Zander ng makakain namin. Habang binantayan naman namin si Summer na nakatulog dahil sa kaiiyak.
Napag-usapan din namin ni Rigel kung nasaan kaya si Light. Nagtaka kami kung bakit at paano kami napunta sa ganitong sitwasyon. Pinaghihinalaan namin 'yung matanda na pumunta sa Moon's Haven. Bakit nga ba nakapunta siya doon sa ganoong oras? Ako naman, hindi nag-ingat at inkalang walang kakaiba sa matandang 'yun, mabilis na tinulungan siya sa malapit niyang pagkakatumba dahilan sa pagkakawala ng aking malay. Alam kong siya ang nagbibigay sa mga sulat sa amin, alam kong siya ang nagbibigay ng mga pagsubok na 'to sa amin, nararamdaman kong ito ay totoo.
Malapit ng magtatanghali at hindi pa kami nakakain ng almusal. Nakabalik naman sina Night na may dalang iba't-ibang prutas. Alam kong hindi ito sapat sa amin. Lalo na't kailangan namin ng lakas upang harapin ang mga pagsubok.
Naramdaman ko ang masarap na simoy ng hangin. Dahil dito, may narinig akong parang nag-aagos na ilog. Tumayo ako at nagpasama kay Night. Magaling akong umuunawa ng mga direksyon kaya sumusunod lang si Night sa akin hanggang sa nakarating kami sa isang ilog. Isang napakalinis na ilog at may maraming isda. Kung nandito si Light, ipinalutaw lang niya ang mga isda at mahuhuli na rin namin ang mga 'to.
Tumingin-tingin ako sa paligid at nakakita sa bandang dulo ng dalawang pamingwit. Pinuntahan namin ito at saka nagtaka kung sino ang may-ari nito. Siguro hindi naman masama kung hihiramin lang namin ng ilang saglit.
"Hihiramin lang po namin itong pamingwit saglit ha?" sigaw ni Night.
Napatawa naman ako dahil dito. May nahulog naman na sulat. Pinulot ko at binasa ito, "Syempre."
Napailing naman ako ngunit natawa rin.
"Syempre raw kaya simulan na natin ang mamingwit," natatawang sabi ni Night.
"Asan naman natin ilalagay ang mga kuha natin?" tanong ko.
"Pwede siguro diyan," sabi ni Night sabay turo sa isang balde. Napatango naman ako dahil siguradong hindi ko ito nakita kanina.
Sinimulan na namin ang pamimingwit at dahil maraming isda sa ilog, madali lang kaming nakakuha ng mga isda. Nang napuno na ang balde ng mga preskong isda, sumigaw si Night ng 'Salamat'. May nahulog na namang sulat, nakalagay ang 'Walang anuman.'
Napatawa na naman kami dahil dito. Tuwing sasagot ang matanda ay inihuhulog niya at inilagay sa isang sulat.
Habang naglalakad kami pabalik patungo kina Rigel, sinabihan ko si Night sa hula ko na ang dahilan ng lahat ng ito ay ang matandang naligaw sa Moon's Haven. Sinabi ko sa kanya na nararamdaman kong ang matanda talaga ang nagkokontrol sa mundong 'to. Napaisip naman si Night at saka tumango.
"Pwede nga. Ba't siya maliligaw sa ganoong oras? Di'ba dapat natutulog siya sa mga oras na 'yon? Bigla siyang sumulpot at sa paghawak mo, nawalan ka ng malay at bigla siyang naglaho," sabi ni Night.
Napatango-tango naman ako sa mga sinasabi ni Night at sumang-ayon, "'Yun nga."
Nang nakabalik na kami, inihaw namin ang mga isda. At saka kumain ng pananghalian namin. Si Summer ay tahimik na kumakain. Nanibago naman kami sapagkat madaldal si Summer ngunit ngayon, napakatahimik niya.
Nang matapos na kaming kumain, may sumugod agad sa amin. Isang malaking ibon na may iisang mata lang. Ang kanyang buntot ay parang sa daga. Meron siyang matatalim na ngipin.
Sa kanyang mata lumalabas ang laser. Ang matatamaan ng laser ay mawawasak.
Mabuti nga't madali kaming napatayo at nakaiwas.
Ang malungkot na Summer ay nanggigil sa isa sa kanyang mga susi. Tumawag siya ng dalawang Celestial Spirits ng sabay. Tinawag niya si Sagittarius at Scorpio, isang Celestial Spirit na may katawang pangtao at buntot ng isang alakdan na may baril sa dulo na kayang pumutok ng buhangin.
Umatake si Scorpio kaya hirap na ibinubuka nito ang kanyang natatanging mata. Dahil dito, ipinana ni Sagittarius ang tatlong palaso na sabay sa halimaw. Naglaho naman ito. Kaya napamangha kami kay Summer dahil nakaya niya ng siya lang ang halimaw na 'yun.
Natuwa kami kay Summer kaya pinalakpakan namin siya at sinabihan siya na ang galing-galing niya, ngunit hindi pa rin ito bumalik sa kanyang sarili at malungkot pa rin.
BINABASA MO ANG
Moon Vermillion
FantasySi Moon ay isang kakaibang mage sapagkat siya'y walang kapangyarihan na dapat ay mayroon. Siya'y nasa mundo ng mga mage na dapat ay may kapangyarihan. Kaya naman dahil dito, may mga bagay na kung saan ay delikado para sa kanya. Pero kahit naman gani...