Nagpaalam na kami kay Alexander sapagkat babalik na kami sa mundo namin.
Pagbalik namin, bumalik kami sa Moon's Haven. Tumutunog ang kampana. Hating-gabi na. Pumasok na kami sa bahay upang matulog na.
Kina-umagahan, dito na sila nag-almusal bago umuwi sa kanilang mga bahay.
"Ingat kayo pauwi," paalam ko sa kanila.
"Ingat din kayo," sabi ni Night sabay kaway. Kumaway din 'yung iba habang papalabas na ng bahay namin. Kapitbahay lang namin si Rigel, malayo-layo ang bahay ni Summer sa amin ngunit malalakad lang din. Si Zander naman, kina Night siya nakatira ngayon. Malapit lang ang bahay nina Night sa amin.
Nandito si Light sa kwarto ko dahil pinag-usapan namin kung sasabihin ba namin ang katotohanan tungkol sa akin kina mama.
"Mas ok naman sigurong masaktan ka sa katotohanan sa halip na mabuhay sa kasinungalingan di'ba?" tanong ko kay Light.
Tumango naman si Light, "Tama, may punto ka."
"Sasabihin na natin ngayon," desidido kong sabi.
Tumango si Light at nauna nang tumayo at nagtungo sa pintuan. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya. Sakto at Linggo ngayon, nandito lang sina mama at papa sa bahay.
Nadatnan namin si papa na nagbabasa ng diyaryo sa sala habang nanonood si mama ng TV.
Umupo kami ni Light sa isang sopa, "Ma, pa," simula ko, "Meron kayong kailangan malaman."
Tumingin naman sina mama sa amin, "Ano 'yon Moon?" nakangiting tanong ni mama.
"Alam niyo bang may isa pang mundo maliban sa Gorland?" tanong ko.
Napatingin naman sina mama at papa sa isa't-isa, pagkatapos umiling.
"Ang Gorland po ay may kakambal na mundo, ito po ang Whealand," sabi ko.
Tumango-tango naman si mama.
"Anong gusto mong ipapahiwatig anak?" tanong ni papa.
"Galing po ako sa Whealand ma, pa."
"Anong pinagsasabi mo anak?" naguguluhang tanong ni mama.
"Totoo po ang sinasabi ni Moon ma, pa," sabi ni Light.
"Kambal at konektado po kasi ang Gorland at ang Whealand, kung may isinilang sa Gorland o di kaya'y sa Whealand, meron din sa kabilang mundo. Ang mga tao sa bawat mundo ay may kaparehong pagkatao na tinawag na 'Counterpart'. Counterpart ko po si Light dito sa Gorland, habang ako naman ang counterpart ni Light sa Whealand," paliwanag ko.
"Hindi kami ang tunay mong mga magulang?" tanong ni mama na parang naiiyak.
Tumayo ako at niyakap siya, "Mga magulang ko pa rin ho kayo, anak niyo pa rin ho ako ma," naiiyak na sabi ko rin habang tinatapik ang likod ni mama.
Tumango-tango naman si mama, "Tama, tama. Balewala na kung sa ibang mundo ka nanggaling. Ako pa rin ang mama mo, ikaw pa rin ang mahal kong anak na si Moon."
Napangiti naman ako dahil nito.
Bumitiw na ako kay mama at tiningnan si papa. Nakangiting nakatingin lang siya sa amin ni mama. Ibinukas niya ang kanyang mga bisig na parang handa akong tanggapin. Pumunta naman ako sa kanya at niyakap siya.
"Mahal na mahal ka namin Moon, kahit saang mundo ka pa nanggaling," sabi ni papa.
Napaiyak ngunit napangiti rin ako dahil sa sinabi ni papa, "Mahal ko rin po kayo pa."
Sumali sina mama at Light sa yakapan namin.
"Mahal ko po kayong lahat," sabi ko sa kanila.
"Group hug!" sabay na sigaw nina Flake at Fall, sabay takbo sa amin at sumali rin sa yakapan.
Si mama naman ang nagpaliwanag kina Flake at Fall.
"Ate ka pa rin ho namin, ate Moon!" sabay na sabi ng kambal at saka ako niyakap.
Napangiti naman ako at nagpasalamat na may pamilya akong ganito. Ngunit napaisip rin ako, ganito rin kaya ang pamilya ko sa Whealand? Ganito rin siguro.
"Ano nga pala nangyari sa mga counterpart namin?" tanong ni mama.
"Naniwala silang namatay ako sa pagsilang na pagsilang ko pa lang," sagot ko.
Pinaliwanag ko rin sa kanila kung bakit ako nandito, ang tungkulin na aking kailangang gawin. Pinaliwanag ko rin na dahil sa makina ni Verbeas, napunta ako rito.
Ngayon, nandito lang ako sa kwarto ko at nakatingin sa kawalan.
"Magandang araw sa'yo Moon," narinig ko sa isip ko.
"Alexander? Ikaw po ba 'yan?" tanong ko sa isip ko.
"Oo, ako nga. Teka, naririnig mo ako?"
"Opo."
"Tumayo ka," utos ni Alexander.
Tumayo rin ako, "Anong gagawin ko?" tanong ko pa rin sa isip ko.
"Alam mo ba kung anong kapangyarihan ang nagagawa mo ngayon?" tanong niya.
Napaisip naman ako, "Telepathy?"
"Tumpak! Magaling Ms. Vermillion."
Napailing naman ako at nagpasalamat.
"Subukan mong ipalitaw ang mga libro mo gamit ang isip mo," utos niya.
Iniisip kong ipalitaw ang mga libro at lumitaw naman ang mga 'to. Nabigla ako ngunit namangha rin. Ibinalik ko ito at inisip kong buksan ang pintuan, bumukas din naman 'to. Isanara ko rin 'to gamit pa rin ang isipan ko.
"Ibig sabihin ba nito, may telepathy at telekinesis ako?" tanong ko kay Alexander.
"Oo. Tingnan natin ko kung meron pang isa. Isipin mong gusto mong mapunta sa kwarto ng kambal mo," sabi niya.
Ginawa ko naman ang pinagawa sa akin. Pagkatapos ng ilang saglit, napunta ako sa kwarto ng kambal ko. Nadatnan ko siyang nagbabasa ng libro. Nang napansin niya ako, nagulat siya.
"Hindi ko narinig ang pagpasok mo sa pintuan," sabi ni Light.
"Hindi naman kasi ako sa pintuan mo pumasok," nakangisi kong sabi.
Iniisip ko namang pumunta sa labas ng pintuan ni Light kaya pagkatapos ng ilang saglit, napunta nga ako sa labas ng pintuan ni Light. Binuksan ko ito at nakitang gulat na gulat si Light.
"Teleportation?" manghang tanong ni Light.
Tumango naman ako at saka kumaway. Nagteleport na ako balik sa kwarto ko.
"Isa kang Quatmaho at saka Tritele?" tanong ni Alexander.
Nagkibit balikat naman ako. "Anong Tritele?"
"Ang Tritele, nasayo ang tatlong kapangyarihan na nagsisimula ng tele. Ang telepathy, teleportation at telekinesis."
Napatango naman ako dahil dito.
"Hindi ako makapaniwala. Paano? Saan mo nakuha ang Tritele?" hindi makapaniwalang sambit ni Alexander.
Nag-isip naman ako ngunit wala akong nakitang dahilan.
"Ah! Alam ko na. Dahil 'to sa pagiging Prime Whealander mo. Tinatawag kang 'Tritequatho'. Ang pinaka-unaunahang Tritequatho. Ngunit hindi ko naisipang malaki talaga ang kakayahan ng isang Whealander," sabi ni Alexander.
BINABASA MO ANG
Moon Vermillion
FantasySi Moon ay isang kakaibang mage sapagkat siya'y walang kapangyarihan na dapat ay mayroon. Siya'y nasa mundo ng mga mage na dapat ay may kapangyarihan. Kaya naman dahil dito, may mga bagay na kung saan ay delikado para sa kanya. Pero kahit naman gani...