Kabanata 12 : Rigel

6 0 0
                                    

Pagmulat ko sa aking mga mata, napansin kong nasa gubat ako. Umupo ako at nakitang kasama ko si Zander na wala pang malay. Hindi ko nakita ang iba at tanging si Zander lang ang kasama ko. Agad naman akong pumunta sa tabi niya at niyugyog ang kanyang balikat upang gisingin siya. Minulat niya ang kanyang nga mata at agad na umupo.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Ang huli kong naalala ay ang nawalan ka ng malay at naglaho ang matandang lalaki kaya agad naman kaming tumakbo tungo sa'yo at sa paghawak namin sa'yo, nawalan din kami ng malay," sagot niya.

Tumango naman ako at tumayo, "Nasaan ba tayo?"

Tumayo rin si Zander at nagkibit balikat.

Madilim pa rin ang paligid. Tumingin ako sa relo ko ngunit wala nga pala akong suot na relo kaya nagtanong ako kay Zander kung anong oras na.

"12:11 a.m." sagot niya.

"Nang nawalan ako ng malay, nakarinig ako ng kampana at sumagi sa ulo ko na hating-gabi na 'yon. Ibig sabihin, ilang minuto lang tayong nawalan ng malay at napunta sa kung saang lugar man ito," sabi ko sabay tingin sa paligid.

"Anong gagawin natin?" tanong ko sa kasama ko.

"Hanapin natin 'yung iba," sagot ni Zander.

"Saan naman tayo tutungo?" tanong ko sabay hawak sa aking ulo. Naramdaman kong sumasakit ang aking ulo at parang nahihilo ako kaya napahawak ako sa malapit na puno.

Napansin naman ito ni Zander kaya agad na pumunta siya sa tabi ko at nagtanong kung ok lang ba ako.

Hindi ako makasagot at napaupo. Nang ipinikit ko ang aking mga mata. Nakita kong may isang batang lalaki kung saan ito'y Fire mage. Nakikipaglaro siya sa kanyang dalawang kaibigan, lalaki at babae, na parehong mga Air mage. Nag-iba naman ito at nakita kong nakatalikod ang kaninang batang lalaki pa na ngayo'y isang binatilyo na at malungkot.

"Xander!" sigaw ng isang babae na tumatakbo tungo sa lalaki.

Tumingin naman siya sa babae at ngayo'y nakangiti na. Nang makalapit sa kanya ang babae, agad niya itong niyakap at sinabing mahal na mahal niya ito.

"Mahal na mahal din kita Xander. Hindi kita iiwan. Alam kong hindi ang papa mo ang pumatay sa mga magulang ko," sabi ng babae sa kanya.

"Salamat sa tiwala Mariafe."

Muling nag-iba ito at nakita ko ang pagkawala na ng liwanag. Tumakbo ang lalaking nagngangalang Xander palabas ng pintuan ngunit pinigilan siya ni Mariafe.

"Bobby please, 'wag mo kong iwan," pagmamakaawa ni Mariafe kay Xander.

"Kailangan ko 'tong gawin Mariafe," sagot ni Xander.

"Sige, basta kailangan kang makabalik ok?" pagsang-ayon ni Mariafe kung ano man ang kailangang gawin ni Xander.

Tumango si Xander at tumakbo na palayo.

"Bobby! Alexander! Bumalik ka!" habol na sigaw ni Mariafe.

Nag-iba na naman ito at nakita kong magkaharap na si Xander sa isa pang lalaki.

"Verbeas! Tigilan mo na 'to," sabi ni Xander.

"Wala nang makapagpapigil nito Alexander," nakangising sagot ni Verbeas.

Lumabas ang isang sinag sa isang napakalaking makina. Ito ang kumain sa liwanag. Nakipag-away si Xander kay Verbeas hanggang sa natalo niya ito. At gumawa siya ng isang spell na kumitil sa kanyang buhay para mapahinto ang makina.

Moon VermillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon