Kumakain kami ng pananghalian namin ngayon.
"Ma, pa, nakalimutan kong sabihin sa inyo na si Alexander Belserion ay buhay pa, ngunit nawalan ng pisikal na katawan at napunta sa isang munting mundo," sabi ko sa kanila. "Siya mismo ang nagsabi nito sa amin," pagpatuloy ko.
Tumango naman sila. Sinabi ko rin sa kanila na isa akong Tritequatho. Ipinaliwanag ko sa kanila kung ano ito. Hindi sila makapaniwala sa una, ngunit naniwala rin maya-maya.
Pagkatapos naming kumain, pinakita ko sa kanila ang mga kakayahan ko. Namangha naman sila at natuwa sa akin.
Pagsapit ng alas tres, yumanig ang lupa. Naalerto naman kami lahat.
"Sa Dasos si Verbeas mabubuo, kailangan mong pumunta doon ngayon din," rinig kong sabi ni Alexander sa isipan ko.
Nagteleport naman ako sa Dasos, isang gubat dito sa Byun. Pagdating ko, nakita kong bumubuo na nga si Verbeas. Ilang Segundo lang ay nabuo na siya at agad na umatake sa akin. Isang buga ng apoy ang kanyang ginawa. Nagteleport agad ako sa kanyang likod at saka siya sinipa ngunit nakailag siya. Iniliyab ko ang aking buong katawan at saka sumugod kay Verbeas. Hineadbutt ko siya kaya napaatras siya. Isang napakalaking parte ng lupa ang aking pinalipad tungo sa kanya. Natambakan siya nito ngunit pagkatapos ng ilang saglit, nakalabas rin siya. Isang napakalaking buhawi naman ang kanyang pinapunta sa akin ngunit pinabalik ko lang 'to sa kanya. Hiniwa niya ang buhawi gamit ang latigong tubig niya. Pinilantik niya sa akin ang latigo ngunit lumipad ako kaya hindi ako natamaan. Nagteleport ako papunta sa likod niya saka siya sinipa habang umaapoy ang mga paa ko. Natumba siya dahil dito. Malaking bato naman ang aking ibinato sa kanya. Tumalsik siya ng ilang kilometro dahil dito. Nagteleport na naman ako malapit sa kanya at saka siya binugahan ng hangin ng may kasamang maliliit at matatalim na bato, tubig at apoy. Nawalan siya ng malay dahil dito. Malapit din akong nahilo sapagkat sobra na ang nagamit kong kapangyarihan.
Inisip kong sunugin siya ng itim na apoy. Lumiyab naman siya ng itim na apoy. Pagkatapos ng ilang saglit, walang bakas ni Verbeas ang natira.
"Wala akong masabi, Ms. Vermillion," manghang sabi ni Alexander.
"Nanood ka?" tanong ko.
"Syempre."
Umiling ako ngunit ngumiti rin.
"Tapos na ba?" tanong ko.
"Tapos na ang laban niyo ni Verbeas. Ngunit, may kailangan ka pang sirain, ang 'Chaos and Peace'."
"Ano 'yan?"
"Ang makinang ginawa ni Verbeas noon."
"Asan ko mahahanap 'yun?"
"Nang ginawa ko ang spell, napahinto ko ito ngunit napunta rin ito sa 'Hidden Realm'."
"Paano ako makakapunta sa Hidden Realm?"
"Paniniwala. Kailangan kang maniwala na mayroon talagang Hidden Realm. Ipikit mo lang ang mga mata mo at sabihin ang salitang 'pistevo'."
Ipinikit ko ang aking mga mata, "Pistevo."
Ang kawalan na aking nakikita ay naging isang lugar na ngayon. Isang napakagulong lugar. Maraming mga bagay ang naririto. Ang mga bagay na kinalimutan na.
Hinanap ko kung nasaan ang malaking makina. Madali lang itong mahanap sapagkat malaki ito. Pagkatpos ng ilang minuto, nakita ko rin ito. Ginawa ko kung ano man ginawa ko kay Verbeas. Inisip ko lang ang sunugin ito ng itim na apoy. Pagkatapos ng ilang saglit, walang bakas nito ang natira.
"Alexander, ano nang gagawin ko ngayon?" tanong ko.
"May isa ka pang kailangang gawin. Kailangan mong hanapin ang isang bolang kristal, ang Katara, at saka basagin ito. 'Yan ang sumpa ng Gorland at Whealand," sagot ni Alexander.
"Kailangan kong basagin ito upang mawala ang sumpa ng Gorland at Whealand?"
"Yes Ms. Vermillion."
Ok. Kailangan kong humanap ng isang bolang Kristal. Paano ko nga ba 'to mahahanap?
"Mararamdaman mo 'yan sapagkat nakatakda kang gawin 'yun. Tungkulin mo ang mahanap ang Katara at basagin ito. 'Wag kang mag-alala, malalaman mong kung 'yun na ba 'yun," sabi ni Alexander.
Tumango naman ako at mukhang mas gumaan ang loob. Naglakbay lang ako sa Hidden Realm at hinahanap ang bolang kristal o Katara hanggang sa lumalakas ang tibok ng puso ko at nararamdamang malapit na ang Katara.
BINABASA MO ANG
Moon Vermillion
FantasySi Moon ay isang kakaibang mage sapagkat siya'y walang kapangyarihan na dapat ay mayroon. Siya'y nasa mundo ng mga mage na dapat ay may kapangyarihan. Kaya naman dahil dito, may mga bagay na kung saan ay delikado para sa kanya. Pero kahit naman gani...