Habang naglalakad papauwi, nag-aabala pa rin ako tungkol sa babala. Sabi ni Baekhyun, maglalabing-walo ang nakatakdang pumigil sa pagwala ng liwanag. Kami ng mga kaklase ko ay mga labing-pitong gulang na kaya naisipan kong baka isa sa mga kaklase ko. O baka hindi rin, malaki ang mundong Gorland baka hindi dito sa Byun kundi sa ibang parte ng mundo.
Pero kahit na, nakakatakot pa rin. Ang mawalan ng liwanag? Mukhang hindi 'yun maganda. Hindi rin natin alam kung sino o ano ang magiging kalaban.
Inakbayan ako ni Light at nagtanong, "Anong iniisip mo?"
Tahimik lang ako kaya may dinugtong siya sa kanyang tanong, "Tungkol kanina? 'Yong babala? Natatakot ka?" sunod-sunod niyang tanong.
Tumingin ako sa kanya ngunit tahimik pa rin.
"'Wag kang mag-alala, nandito naman ako palagi para protektahan ka. 'Wag kang matakot, magaling kayo 'tong kambal mo," pagpagaan niya ng loob ko.
Ngumiti naman ako sa kanya at saka siya niyakap, "Salamat Light."
Nakadating kami ng bahay na magaan na ang aking loob. Salamat kay Light. Ang ganda talaga ng pakiramdam ng mayroon kang kakambal na alam ang nararamdaman mo at kayang pagaanin ang loob mo.
Pumunta ako sa Moon's Paradise at saka tiningnan ang mga halaman kong inaalagaan. Para rin kahit papaano, mabawasan o pwede ring mawala ang kaba ko.
Hindi ko alam kung bakit ko ba talaga ito nararamdaman, ang sobrang pag-aabala at kaba.
Nadatnan ko sina Flake at Fall na nandoon sa Moon's Haven at naglalaro. Paminsan-minsan kapag walang magawa si Fall, siya ang nagdidilig sa mga halaman ko.
Nang makita nila ako, tumakbo agad sila patungo sa akin. Niyakap nila ako at masigla akong binati. Binati ko rin sila at bumalik na sila sa kanilang paglalaro.
Nakatingin lang ako sa mga bulaklak ng mga halaman ng may lumiwanag at doon may lumabas na napakagandang halaman na may bulaklak na kulay puti at napakaraming petals. May maliit na papel ang nakaipit. Kinuha ko ito at binasa. "May naramdaman akong kakaiba sa'yo Moon Vermillion. –Baekhyun" ang nakasulat.
Lumaki ang aking mga mata dahil sa nabasa ko. Bumalik ang pag-aabala at kaba ko dahil dito.
Lumiliwanag pa rin 'yong halaman na bigay ng Diyos ng Liwanag. Namangha ako nito ngunit binigyan din ako nito ng pakiramdam na hindi maipaliwanag.
Napansin nina Flake at Fall ang kumikinang na halaman kaya tumabi sila sa akin.
"Wow! Ang ganda ng halaman na 'yan ate," aliw na sabi ni Fall sabay turo sa halamang bigay ni Baekhyun.
Ngumiti lang ako sa kanila at tumango.
Madilim na ang paligid kaya pumasok na sina Flake at Fall sa loob ng bahay habang ako naman ay inilapag ang kumot sa gitna ng Moon's Haven kung saan kitang-kita ang mga bituin sa langit. Humiga ako at nag-isip sa mga nangyari nitong mga nakaraan.
May oras na palagi akong inaapi noong elementarya pa kami dahil sa wala akong kapangyarihan. Mabuti nga at palaging nandiyaan ang aking kambal at mga kaibigan ko.
Naisip ko rin 'yong mga lalaking nakaitim na gusto akong kunin. 'Yung babala ni Baekhyun at ang kanyang maliit na sulat sa akin. Ano ba ang mga kahulugan nito?
Naabala na naman ako dahil dito. Ano ba ang dapat kong gawin? Babalewalain ko lang din ba ang mga to? Noong una, hindi ako nababahala kung wala akong kapangyarihan ngayon, iniisip ko kasi na gaya ng sabi ni mama, baka nahuli lang ang paglabas ng kapangyarihan ko. Ngunit pagkatapos ng mga pangyayari, naisip kong kakaibang-kakaiba nga ako. Labing-pitong gulang na ako ngunit hindi ko pa rin natamo ang kaligayahan ng isang mage sa pagkakaroon ng kapangyarihan. Ako lang ba ang ganito? O baka meron pa sa ibang parte ng mundo na kagaya ko?
Kapangyarihan ko, asan ka na?
BINABASA MO ANG
Moon Vermillion
FantasySi Moon ay isang kakaibang mage sapagkat siya'y walang kapangyarihan na dapat ay mayroon. Siya'y nasa mundo ng mga mage na dapat ay may kapangyarihan. Kaya naman dahil dito, may mga bagay na kung saan ay delikado para sa kanya. Pero kahit naman gani...