Nararamdaman kong malapit na ang Katara. Lumalakas ng lumalakas ang tibok ng aking puso. Naglalakad lang ako sa magulong mundo na 'to. Nang may mapansin akong lumiliwanag na bolang kristal, alam kong 'yun na ang Katara. Nakalagay ito sa mataas na tore na gawa ng mga sirang bagay. Ginamit ko ang aking telekinesis upang kunin ito. Nang mapunta na ito sa kamay ko, nararamdaman kong umiinit at lumalamig ito. Itinaas ko ito at saka binasag.
Bigla naman akong napunta sa lugar kung saan hindi ako pamilyar.
"Alexander?" tanong ko sa aking isipan. Ngunit walang sumagot.
Napansin kong nasa sementeryo ako at nakatayo malapit sa isang lapida. Nakalagay ang pangalan ko doon. Naisip kong baka nasa Whealand ako. At hindi ako nagkamali nang may pamilyang lumalakad patungo kung saan man ako na magkapareho sa pamilya ko sa Gorland.
"Magandang hapon sa'yo, kilala mo ba si Moon Vermillion?" tanong ng nakatatandang babae.
Umiling ako, "Ako po si Moon Vermillion," sabi ko sabay patak ng luha ko.
"Hindi maaari 'yon sapagkat patay na ang aming anak na si Moon," sabi ng ama ko.
Kahit na hindi sila naniniwala, niyakap ko pa rin sila at sinabihan silang mahal na mahal ko sila.
"Mahal na mahal ka rin namin Moon," sabay na sabi ni mama at papa. Alam kong naguguluhan sila ngunit ramdam ko na nararamdaman din nila na ako nga ang anak nila.
Nang bumitiw sila sa akin, dahan-dahan akong naglalaho at napupunta pabalik sa Gorland.
Masaya ako dahil nakita ko rin ang mga magulang ko sa Whealand na nakangiti.
"Moon, ok ka lang? Ba't ka umiiyak?" dinig kong tanong ni Alexander sa isipan ko.
"Napunta ako sa Whealnd ng ilang sandali at nakita ko ang aking mga magulang,"
"Mabuti 'yun kaya tahan na. Alam kong sa paghiwalay ninyo nakangiti ang mga magulang mo," pagpapagaan ni Alexander sa loob ko.
Tumango naman ako at pinunasan ang aking mga luha. Inayos ko ang sarili ko bago ako nagteleport pabalik sa bahay.
Pumunta ako sa sala at biglang niyakap ang mga magulang ko, "Mahal ko po kayo."
Natawa naman sila dahil sa bigla kong sinabi sa kanila, "Mahal ka rin namin Moon," sabay nilang sabi.
Pumunta na ako sa kwarto ko at kinausap si Alexander sa isipan ko.
"Alexander?" hanap ko sa kanya.
"Yes Ms. Vermillion?" sagot niya.
"Ano nga palang nangyari sa counterpart mo?"
"Kinalulungkot ko ngunit namatay siya dahil sa ginawa kong spell."
"Dahil 'yun sa sumpa, hindi ba?"
"Yes, dahil 'yun sa sumpa. Ngunit ngayon, salamat sa iyo at wala na ang sumpa."
"Kung may isisilang rito sa Gorland, may isisilang din ba sa Whealand?"
"Wala na sapagkat ang Katara na binasag mo, ang sumpa at ang pagiging konektado ng dalawang mundo ang naroon."
"Masama ba ang nagawa ko?"
"Syempre hindi, 'yun din naman ang kagustuhan ng mga mundo."
"Sigurado ka?"
"Oo."
Napatango naman ako at lumuwag ang aking damdamin. Nagpasalamat ako sa kanya at lumabas ng kwarto at nagtungo sa kwarto ni Light saka kumatok sa kanyang pintuan.
Pagkatapos ng ilang saglit, binuksan ito ni Light.
"Kamusta? Ba't parang pagod na pagod ka?" tanong niya.
Pumasok ako at saka kinuwento sa kanya kung ano ang dahilan kung bakit ako napagod.
"Natalo mo si Verbeas?" manghang sabi niya.
Tumango ako at natatawa sa reaksyon niya.
"Nagawa mo ang tungkulin mo kaya tuwang-tuwa ako para sa'yo," sabi niya saka ako niyakap.
Sinabi ko rin sa kanya na napunta ako sa Whealand at nakita ang mga magulang ko doon. Naluluha na naman ako ngunit pinigilan ko sapagkat alam kong ok lang sila. Ok na rin sa 'kin ang makita sila at nakangiti sa huli naming pagkikita.
Sinabihan ko si Light na pupunta na ako sa aking kwarto upang magpahinga.
Dahil tinatamad na akong maglakad, nagteleport nalang ako. Humiga ako agad sa kama ko.
"Alexander? Anong mangyayari na sa'yo?" tanong ko kay Alexander sa isipan ko.
"Alam kong alam mo na wala talagang immortal sapagkat lahat ng bagay ay may katapusan. Dadating ang tamang panahon kung kailan ako ay mawawala na ng tuluyan dito sa mundo ng mga tao," sagot niya.
Tumango ako, nagbuntong hininga at saka ipinikit ang aking mga mata.
"Tandaan mo Moon Vermillion, ang pagkakaroon ng dakilang kapangyarihan ay may kasabay na mahusay na responsibilidad," dinig kong sabi ni Alexander habang naramdaman kong dahan-dahan akong napunta sa aking Dreamworld.
BINABASA MO ANG
Moon Vermillion
FantasySi Moon ay isang kakaibang mage sapagkat siya'y walang kapangyarihan na dapat ay mayroon. Siya'y nasa mundo ng mga mage na dapat ay may kapangyarihan. Kaya naman dahil dito, may mga bagay na kung saan ay delikado para sa kanya. Pero kahit naman gani...