Nagising ako at sumisikat na ang araw. Alam kong alas sais na ng umaga. Ginising ko sina Light sapagkat baka hinahanap na kami nina mama.
"Hanapin na natin sina Night at Summer at para makauwi na rin tayo. Baka hinahanap na tayo ng mga magulang natin," sabi ko sa kanila.
Sumang-ayon naman sila kaya nagsimula na kaming hanapin sila.
May nakita kaming isang puting lobo na nakasabit sa isang sanga ng puno. Napansin naming may isang maliit na sulat na nakakabit sa dulo ng lobo.
Lumitaw si Light at kinuha ang lobo. Binasa namin ang sulat. Ang nakalagay ay 'Huwag kayong mag-alala Moon Vermillion. Nasa mabuting kalagayan kayo.'
Lumaki ang mga mata ko dahil pangalan ko ang nasa sulat. Ano bang ibig sabihin nito?
Naramdaman naming yumugyog ang lupa. Parang lumilindol. Lumalakas ang pagyugyog ng lupa. Hanggang sa nakita naming tumatakbo sina Summer at Night patungo sa amin at sinabihan kaming tumakbo. Ngunit pinalitaw lang kami lahat ni Light. At nakita namin ang isang napakalaking kakaibang anyong hayop. Mukha siyang dyirap na may rektanggulong ulo at matabang katawan. Kulay berde ito at may mga tuldok na kulay pink.
Nakatingin sa amin ang hayop at gusto kaming abutin. Sinunog ito ni Zander at agad naman itong nasaktan at tumakbo palayo sa amin. Ibinaba na kami ni Light kaya tinanong namin kung anong nangyari sa kanila ni Summer.
"Natutulog kami ng naramdaman naming yumuyugyog ang lupa kaya nagising kami at nakita ang hayop na 'yon na gusto kaming kainin kaya tumakbo kami," sagot ni Summer na humihingal pa rin.
Napansin ni Night ang hawak ni Light na papel kaya kinuha niya ito.
"Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Night.
Wala kaming alam kaya ang sagot lang namin ay kibit balikat.
May isa na namang papel na may sulat ang nahulog sa amin at malapit sa akin. Pinulot ko ito at saka binasa ang sulat, ang nakalagay ay 'Magandang umaga sa inyo. Narito kayo ngayon sa mundo ko. 'Wag kayong mag-alala. Habang tumatakbo ang oras ninyo rito, ang oras ninyo sa labas ng mundong 'to ay nakahinto. May mga pagsubok kayong haharapin kaya sana ay magtagumpay kayo at sa tamang panahon, makikilala niyo ako.'
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.
"Ok. Anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Summer.
"Maghintay sa unang pagsubok natin," sabi ni Light.
"Mapagkatitiwalaan ba 'yung sulat?" tanong ni Rigel.
"Sa ngayon," sabi ko.
Tumango naman ang lahat kaya umupo kami sa damuhan at nagpahinga sapagkat maliit pa ang oras ng tulog namin.
Naramdaman kong sumakit na naman ang ulo ko kaya madali akong humiga at ipinikit ang aking mata. Dahil katabi ko si Zander, alam niyang sumakit na naman ang ulo ko kaya kinuha niya ang ulo ko at ipinatong sa kanyang kandungan at saka hinilot ang aking ulo.
"Anong nangyari sa'yo Moon?" abalang tanong ni Light sa akin.
"Masakit ang ulo ko," sagot ko.
Hinawakan niya ang ulo ko at saka pinagaling ito. Nakatulog ako dahil dito.
Hindi ko alam kung saan ako ngayon subalit alam kong hindi ito pangkasalukuyang mga imahe ng paligid. Gumala ako hanggang sa may nakita akong babaeng umiiyak at naghihintay sa kanyang bintana. Dahil nakakaawa ito, pumunta ako sa kanya at tinanong kung ok lang ba siya, ngunit hindi niya ako pinansin at patuloy na umiiyak at sinabing "Bobby ko, asan ka na? Bumalik ka na sa akin."
Ikinaway ko ang aking kamay sa harap ng babae ngunit hindi niya ito napapansin. Kakalabitin ko sana siya ng lumagos ang aking kamay sa kanyang balikat. Ibig sabihin, hindi ako nakikita ng mga tao rito, para akong multo na gumagala sa mundo nila.
Napansin kong pamilyar ang lugar. Nakita ko ito noong sumakit ang ulo ko. 'Yung lalaki na nagngangalang Xander ay tumakbo tungo sa daang ito. Sinundan ko ang daan hanggang sa nakapunta ako sa lugar kung saan nandoon ang malaking makina na nagpalabas ng sinag at kinain ang liwanag. Si Xander ang nakapagpahinto nito ngunit namatay din. Natapos na ang away at bumalik na ang liwanag.
Naramdaman kong may tumabi sa akin. Pagtingin ko, si Xander iyon.
"Anong ginagawa ng taong hindi tagarito sa panahong 'to?" tanong ni Xander.
Tumingin-tingin ako sa paligid at siniguradong ako ang kinakausap ni Xander.
"Ako po ba ang tinutukoy ninyo?" tanong ko.
"Ikaw nga iha. Wala naman sigurong iba pa ang naririto na hindi tagarito sa panahong 'to maliban sa'yo."
"Paano pong nakikita niyo ako? Ngunit ang iba, hindi?"
"Ako si Alexander..."
Sinasabi niya ngunit lumalayo siya at parang hinihila ako. Hinihila patungo sa kasalukuyan.
Napansin kong lumilitaw ako. Pagmulat ko sa aking mga mata, tumingin ako sa ilalim at nakitang may labanang nangyayari. May dalawang mala-demonyo na parang kalahating-higante ang nakalaban nina Light. Alam kong si Light ang dahilan kung bakit ako lumilitaw.
Ang isang demonyo ay ikinampay ang kanyang malaking braso at doon tumalsik sina Light at Summer. Malapit na nga akong mahulog ngunit lumitaw rin agad.
Ang isang demonyo naman na kinalaban nina Rigel, Night at Zander ay gumawa ng bitag sa kung saan man sina Rigel. Ngunit ikinontrol naman ni Rigel ang isang puno na ilahad ang isang sanga nito upang maangat sila. Itinaas nito ang kanyang kamay at may bumagsak na kidlat kina Rigel. Natamaan sina ngunit muling nakabangon. May lumabas na halaman sa ilalim ng demonyo at saka ito umikot sa paa ng demonyo hanggang sa ito'y natumba. Sabay namang isinunog nina Night at Zander ang demonyo kaya ito'y naging abo at nawala.
Ang demonyong nakalaban naman nina Light ay inugoy ang kanyang mga braso at bumuo ng mga hugis gasuklay patungo nina Light. Nailagan ito ni Light ngunit natamaan si Summer. Natumba si Summer ngunit tumayo rin agad. Nahihilo si Summer kaya tinulungan siya ni Light na makatayo ng matuwid. Nang makatayo na si Summer, binitawan na siya ni Light at saka umatake si Light. Tumalon si Light at saka inangat ang kanyang mga paa at nagbitiw ng malaking hangin sa oras na ikinampay ni Light ang kanyang mga paa pababa. Napaatras ang demonyo ngunit nakatayo pa rin ito. Umatake muli si Light, bumuo siya ng malaki at napakalakas na buhawi. Sinabayan naman ito ni Summer ng kanyang Celestial Spirit, na si Sagittarius, na pinana ang demonyo. Nang natamaan ito, may aninong lumabas mula sa natamaan at kinuha si Light, at saka naglaho ang demonyo kasama si Light. Nahulog naman ako dahil dito, mabuti naman at natapos na ang labanan nina Rigel at nasalo ako ng halaman niya.
BINABASA MO ANG
Moon Vermillion
FantasySi Moon ay isang kakaibang mage sapagkat siya'y walang kapangyarihan na dapat ay mayroon. Siya'y nasa mundo ng mga mage na dapat ay may kapangyarihan. Kaya naman dahil dito, may mga bagay na kung saan ay delikado para sa kanya. Pero kahit naman gani...