Kabanata 15 : Bobby Alexander the Great

3 0 0
                                    

Sumakit na naman ang ulo ko kaya ipinikit ko na naman ang mga mata ko.

Nakabalik ako sa lugar kung saan ako kanina. Hinanap ko 'yong lalaking nakikita ako. Sa naalala ko, Alexander ang pangalan niya.

Pagkatapos ng ilang saglit, nakita ko siya sa kung saan nandoon ang malaking makina. Ngunit sa paglapit ko sa kanya, nag-iba ang paligid at napunta kami sa isang lugar na mas nakakalipas pa. Nakita namin ang isang bata na umiiyak dahil inaapi siya ng mga kaklase nito. May tumulong naman sa kanya, sa nalalaman ko, ang batang tumulong ay si Alexander.

"Magandang araw Moon, muli tayong nagkita," sabi ni Alexander ng siya'y tumalikod at nakita ako.

"Magandang araw din po sa inyo," magalang kong bati sa kaniya.

"Tigilan niyo nga 'yan. Masama ang ginagawa ninyo, susunugin ko kayo kung hindi kayo hihingi ng tawad kay Verbeas ngayon," rinig kong sabi ng batang Alexander.

Napangiti naman si Alexander sa nakikita niya.

Humingi naman ng tawad ang mga batang inaaway ang batang Verbeas. Nagpasalamat din si Verbeas kay Alexander.

"Walang anuman," sagot naman ni Alexander.

Biglang nawala ang mga bata at napalitan ng ilog. Nasa tabing-ilog kami ngayon.

"Matalik na magkakaibigan kami ni Verbeas noon, at pati ng kapatid niya na naging siyang kapares ng puso ko," pagsisimulang pagkukwento ni Alxander.

Nakikinig lang ako sa kaniya.

"Inaapi si Verbeas dahil nahuli rin ang kanyang kapangyarihan. Akala ng ibang mga kaklase namin na kaya nilang talunin si Verbeas sapagkat wala pa itong kapangyarihan. Hanggang sa nakamit niya rin ang kanyang kapangyarihan ng kami ay nag haiskul. Naging matuwain na bata si Verbeas simula noon. Walang umaaway sa kanya at natatakot na sila nito lalo na't naging isa rin sa mga Seven Mage Saints ang ama ni Verbeas, si Zarked Acnologia. Matalik na magkakaibigan rin ang mga ama namin. Naging isa rin ang aking ama sa Seven Mage Saints kaya tinawag kaming 'Aspiring Byun Mage Saints' o di kaya'y ABMS para maikli. Kaming tatlo ay parang mga hari at reyna dahil natatakot ang lahat sa amin. Kahit na hindi kami humihingi ng tulong nila, tinutulungan pa din kami ng mga kaklase namin. Ganoon katakot ang mga kaklase namin sa amin o di kaya'y sa aming ama.

Hanggang sa kami ay nagkolehiyo, dalawang taon na rin kami ni Mariafe na magkasintahan, namatay ang mga magulang nila. Pinatay sila ng pangalawang Seven Mage Saint dahil sa gustong makuha ang unang ranggo ng Seven Mage Saints. Gumawa ng mga eksperimento si Verbeas upang buhayin ang kanyang mga magulang ngunit alam naming hindi namin magagawa ang pagbuhay muli ng isang tao. Kaya ang ginawa niyang mga ekspereminto ay ang kumuha ng kapangyarihan upang mapasakanya ang lahat ng kapangyarihan sa buong mundo."

Tumingin si Alexander sa akin saglit at ipinatuloy muli ang kanyang pagkukwento.

"Alam mo bang nalaman niyang may isa pang mundo maliban sa atin?" tanong niya sa akin.

Syempre, di ko 'yun alam kaya umiling ako.

Magsasalita na muli sana siya nang muling hinihila na naman ako ng kasalukuyan.

Minulat ko ang aking mga mata at nakitang nakatulog rin ang mga kasama ko. Gusto kong matulog muli sapagkat nakalimutan kong humingi ng tulong sa kanya kung paano namin makukuha muli si Light. Ngunit hindi na ako makatulog muli kaya napaisip nalang ako kung paano nga namin kukunin si Light.

Nakarinig ako ng ingay kaya naalerto ako, ngunit ang lumabas mula sa mga halaman ay isang napakacute na kuneho. Napangiti naman ako dahil sa kariktan nito. Sumunod ang isa pang kuneho, at isa pa, at isa pa, hanggang sa rumami ang kuneho na nakapaligid sa amin. Nagising naman ang mga kaibigan ko dahil dito. Tumalon sila patungo sa amin at nagpapalayaw sa amin. Naging ibon naman ito at lumipad kaya napatingin kami sa niliparan nito dahil sa gulat na naging ibon ang mga 'to bigla.

"Magandang hapon sa inyong lahat," rinig naming sabi.

Napasigaw naman si Summer sa gulat. Nagulat kami dahil sa biglang pagsulpot ng isang lalaki na may pamilyar na mukha sa akin.

"Alexander?" tanong ko habang napatayo.

"Kilala mo siya?" tanong ni Night sa akin.

Tumango naman ako.

"Pumapasok ako paminsan-minsan sa ulo ni Moon, at doon kami nagkakilala," nakangiting paliwanag ni Alexnader, "Payagan niyo akong magpakilala sa aking sarili. Ako si Alexander Belserion."

"Alexander Belserion? 'Yung tumigil sa kadiliman?" tanong ni Night na hindi makapaniwala.

Tumango naman si Alexander.

"Si Bobby Alexander the Great," nakangisi kong sabi.

"Saan mo nakita o narinig 'yan?" sabi ni Alexander na mukhang nahihiya.

"Sa bahay ni Mariafe," nakangiti kong sabi. Napansin ko 'yun nong umaalis si Alexander sa bahay ni Mariafe habang pinipigilan niya 'to. Nakasabit ito sa isang parte ng bahay ni Mariafe kasama ang mga larawan nilang masayang nagsasama.

Napailing naman siya dahil dito.

"Paano kami napunta dito? Hindi, bakit kami napunta dito?" tanong ni Summer.

"Ikaw ba 'yung matanda na naligaw sa Moon's Haven?" tanong din ni Night.

"Bakit buhay ka pa? Hindi ba namatay ka dahil sa isang spell na ginawa mo upang mapahinto ang makinang kumakain sa liwanag?" tanong naman ni Rigel.

"Hinay-hinay lang sa mga tanong," sabi niya sabay itinaas ang mga kamay na parang sumusuko. Nag-iba ang kanyang anyo at naging matanda, ang matandang naligaw.

"Sabi ko nga ba," sabay naming sabi ni Night. Napatingin kami sa isa't-isa at nakipag-apir.

Binalik niya ang kanyang anyo bilang isang binatilyong lalaki na nagkokolehiyo.

"Ang spell na ginamit ko ay hindi ako pinatay kundi ginawa akong immortal ngunit nawalan ng pisikal na katawan sa mundo niyo. At napunta ako sa mundong ito kung saan ako ang nagkokontrol," paliwanag ni Alexander.

"Paano ka nakapunta sa mundo namin bilang isang matanda?" tanong ko.

"Kakaibang matanda kasi 'yun. Nakapasok siya sa mundong 'to kahit na hindi ako ang nagdala sa kanya rito. Kapag hindi ako mismo ang nagdala sa'yo rito sa mundong 'to, hindi ka na makakalabas rito. At kung makakalabas ka man, mawawalan ka ng buhay. Kaya 'yun, nagtangka siyang lumabas kaya namatay siya."

"Paano nga pala namin makukuha si Light muli?" tanong ko.

"Makipag-apir lang kayo sa akin," sabi ni Alexander. Medyo pilyo nga pala 'to si Alexander.

Nakipag-apir naman kami kaya lumabas si Light na parang galing sa tulog.

Moon VermillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon