Sabado ngayon kaya tinatamad akong bumangon. Tumingin ako sa orasan, 6:11 a.m. pa. Sa lahat ng araw, nasanay na akong gumising ng alas sais ng umaga. Ngunit ngayon, dahil walang pasok plano kong matulog muli nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Moon, gising ka na?" tanong ni Light.
"Oo," antok na sagot ko.
"Pwedeng pumasok?" tanong niya.
"Hindi," biro kong sabi. Tumayo ako at tumungo sa pintuan. Inayos ko muna yung mukha at buhok ko bago binuksan ang pintuan.
"Happy Birthday Moon!" salubong agad ni Light sabay yakap.
Nagulat ako ngunit ngumiti rin at binati rin siya, "Happy Birthday Light," sabay ganti ng napakahigpit na yakap sa kanya.
Bumitiw na siya at muling bumalik sa kwarto niya at maligo na siguro. Pumunta na rin ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong naligo at nakapagbihis, lumabas na ako sa kwarto. Ngunit paglabas na paglabas ko palang sa pintuan, may pumiring agad sa aking mga mata. At ginabayan akong bumaba.
Pagdating namin sa kung saan man ako dinala, napansin kong sa kusina, ay tinanggal na ang piring.
"Happy Birthday!" sabay-sabay nilang sigaw, ang pamilya ko at saka sina Rigel, Summer, Night, at Zander. Nasa tabi ko naman si Light.
May cake at saka mga balloons. May pagkain ding nakahain.
Nagpasalamat naman kami sa kanila at niyakap sila isa-isa.
At dahil labing-walo na kami, isang pormal na party raw ang gaganapin mamayang gabi. Sabi pa nga ni mama na may nakahanda na raw siyang damit na susuotin ko para mamaya.
Pagtapos naming kumain, umuwi na sina Summer. Sinabi nilang maghahanda raw sila para mamaya.
Umalis din si mama at papa, sinabing may aasikasuhin raw sila kaya kami ni Light ang magbabantay kina Flake at Fall.
Nakikipaglaro at nakikipagkulitan lang kami ni Light kina Flake at Fall. Sumayaw nga sila at kumanta para sa amin. Sinabi nilang pinaghandaan nila ito kaya malakas kaming pumalakpak sa kanila. Nagtaguan, naghabulan kaming apat. Naglaro rin kami ng Capture the Flag. Magkakampi kami ni Flake habang si Light naman at si Fall. Bawal lumabas ng bahay at bawal itago ang watawat sa mga kwarto namin. Bawal din gumamit ng kapangyarihan. Tinago namin ni Flake ang watawat namin sa likod ng kurtina sapagkat magkapareho ito ng kulay, sinigurado naming hindi ito mapapansin nila.
Nagsimula na ang paghahanap ng watawat kaya inikot namin ang buong bahay. Nakita namin ito sa ilalim ng malaking paso na may halaman. Nanalo kami dahil dito. Tuwang-tuwa naman si Flake habang sinisisi ni Fall si Light. Malapit ng magtatanghali kaya naghanda na si Light para sa kakainin namin habang binihisan ko sina Flake at Fall ng kanilang T-shirt sapagkat basa ang kanilang likod.
Pagkatapos naming kumain ng pananghalian, inaantok sila ni Flake at Fall kaya natulog sila.
Nagpahinga rin kami ni Light. Nakaupo lang kami ngayon sa sala habang nanood ng TV. Sumandal ako sa balikat ni Light dahil parang inaantok na rin ako. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.
Pagmulat ko sa aking mga mata, napansin kong nasa aking kwarto na ako. Pagtingin ko sa orasan, alas tres na at malapit ng mag-aalas quarto ng hapon. Lumabas ako ng kwarto ko at tumungo sa kwarto ni Light. Kumatok ako ngunit walang sagot galing sa loob kaya siguro tulog din si Light. Pumunta rin ako sa kwarto ng magkambal at nakitang tulog pa rin sila. Narinig kong may tao sa labas kaya bumaba ako at nagtungo sa gate.
Nakita kung si Summer ito kaya binuksan ko naman agad.
"Hindi ka pa ba maghahanda?" bungad niya sa akin agad.
BINABASA MO ANG
Moon Vermillion
FantastikSi Moon ay isang kakaibang mage sapagkat siya'y walang kapangyarihan na dapat ay mayroon. Siya'y nasa mundo ng mga mage na dapat ay may kapangyarihan. Kaya naman dahil dito, may mga bagay na kung saan ay delikado para sa kanya. Pero kahit naman gani...