Kabanata 10 : Bigay ni Zander

4 0 0
                                    

Madaling natapos ang klase namin sa umaga ngayon. At dahil Miyerkules ngayon, walang pasok mamayang hapon.

Naglalakad kami ngayon patungo sa guild dahil napag-isipan naming dun tumambay. At dahil papatakan namin si Zander upang maging parte na siya ng Alpha Beta.

Habang naglalakad kami, umakbay si Night sa akin, "May nasagip ang mga mata ko kahapon sa Moon's Paradise. Isang napakagandang halamang bulaklak na lumiliwanag," sabi niya.

"Pumunta ka sa bahay kahapon?" tanong ni Light sa kaniya.

"Ahh..." hindi niya alam kung ano ang isasagot.

"Humiram siya ng libro sa akin kahapon habang natutulog ka," sabi ko kay Light. Lumingon naman ako kay Night at kinindatan siya. Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko. Pinalo ko naman siya dahil dito.

Nakaakbay pa rin si Night sa akin hanggang sa nakadating kami sa guild. Tinanggal ko naman ito nung pumasok na kami sa loob.

Hinanap namin si Master Voram Dreyar, lolo ni Thunder. Nakita namin siya na papasok na sana sa parteng hindi pwede sa amin.

"Master!" sigaw ni Summer. Napalingon naman si Master. Paglapit namin kay Master, pinakilala namin si Zander sa kanya at sinabing gusto niyang maging parte sa guild kaya magpapatatak siya sa emblem ng guild.

"Ah ganun ba? Oh sige saan mo ba gustong ilagay ang emblem?" tanong ni Master kay Zander.

Hinawakan niya naman ang kanyang batok.

Tumitig lang si Master kay Zander. Pagkatapos ng ilang segundo, tumango si Master at sinabing tapos na.

"Welcome sa Alpha Beta Zander," sabi ni Master sabay nakipagkamay kay Zander.

"Salamat po," magalang na sagot ni Zander.

Tumalikod na si Master at pumasok na.

Niyakap namin siya isa-isa sabay sabing 'Welcome to the family'.

Inilibot namin si Zander sa buong guild.

Pagkatapos, kumain kami ng pagkain.

Habang kumakain kami, napatanong si Summer sa akin, "Napansin ko rin 'yung bulaklak na lumiliwanag. Tinanong ko si Rigel kung siya ba ang nagbigay sa'yo, sabi niya namang hindi. Saan galing 'yon?"

"Napansin ko rin 'yun. Akala ko din si Rigel ang nagbigay," sabi din ni Light.

"Sinong hindi makakapansin nun, lumiliwanag kaya nakukuha niya talaga ang atensyon mo, isa pa napakaganda talaga nun," sabi ni Summer.

"Ahh... bigay 'yon ni Zander, hindi ba Zander?" tumingin ako sa kanya at sinipa ang kanyang paa sapagkat magkaharap kami ng upuan. Tumingin siya sa akin at tumango. Nginitian ko naman siya.

"Talaga?" gulat na tanong ni Summer, "Kailan? Bakit?" dugtong niya.

Napatingin lahat sa amin ni Zander. Nakatingin lang din ako sa kanya na parang humihingi ng tulong.

"Nakita ko 'yun dun sa Tuan. Mahilig din kasi si mama ng mga halaman, kaya ko 'yun binili para sa kanya. Ngunit may allergy pala si mama ng mga ganong halaman kaya dinala ko na lang dito sa Byun at naisip kong mas magiging mabuti ang lagay nung halaman kapag ibinigay ko kay Moon," paliwanag niya.

Napanganga kami kasi 'yun na ang pinakamataas na nasabi niya ng sunod-sunod.

"Ahh. Ok," ang tanging nasabi nila. Tumawa naman ako kaya natawa din ang mga kasama ko maliban kay Zander. Napansin kong nakatingin si Zander sa akin habang nakangiti kaya ngumiti rin ako sa kanya.

Sandali, ngumiti siya. Nagulat ako. Agad kong sinabi sa kanila, "Ngumiti siya, ngumiti siya," sabay turo ko kay Zander. Paglingon nila kay Zander, balik poker face na siya.

"Wala naman ah," sabi ni Summer.

Nakangiti akong umiiling kay Zander, "Tch."

"Tch," ganti niya rin habang nakangisi.

Pagkatapos naming kumain, naglaro kami sa arkada. Naglaro kami ng basketball. May limang makina ang basketball at saktong walang naglalaro. Pumwesto kami isa-isa maliban kay Summer. Sinabihan namin si Light na walang dayaan. Ang lahat ng makinang ito ay siya ang nagset ng highscore. Pinalitaw niya ang lahat ng bola at saka sunod-sunod itong shinoot. Kaya napakalaking score ang nakuha niya.

Nagsimula na ang time kaya nagsimula na din kaming magshoot. Kung tutuusin, magaling talaga akong magbasketball. Kaya sunod-sunod lang akong nagshoshoot at sunod-sunod rin itong nashoshoot.

Natapos ang time at ang panalo ay ako. May tatlong puntos akong lamang kay Zander. Habang sinundan ni Light na nalamangan ng dalawang puntos ni Zander. Nalamangan naman ni Light si Night ng tatlong puntos din. Si Rigel naman ang nahuli. Ngunit isang puntos lang ang lamang ni Night sa kanya.

Hindi talaga nila ako natatalo. Natatalo lang ako kapag gagamitan ni Light ng kapangyarihan ang laro.

Naglaro pa kami ng naglaro hanggang sa gumabi na. Nang pinagmasdan ko si Zander, kahit na nakapoker face siya, alam kong natutuwa pa rin siya. Nakikita ko rin siyang nakangisi minsan ngunit ilang saglit lang din ay balik poker face agad.

Nang napagod na kami sa kalalaro, nag-order na kami ng pagkain at dito na kumain ng hapunan sa guild. Gaya kanina, magkaharap kami ni Zander habang katabi ko si Light sa kaliwa ko, na katabi naman si Rigel. Ang katabi naman ni Zander ay si Night, na katabi ay si Summer.

Habang kumakain, si Summer na naman ang unang nagsalita at nagtanong kay Zander, "Zander, bakit hindi ka ngumingiti? Ni isang ngiti galing sa'yo, wala kaming nakita."

"Nakita ko kaya 'yung pagngiti niya kanina," pagmayabang ko.

"Totoo? Baka nilaruan ka lang ng mga mata mo," sabi ni Summer na hindi pa rin naniniwala.

"Tch, totoo kaya 'yun," sabi ko habang nakapout.

Tumingin ako kay Zander at nakita kong ngumiti na naman siya kaya napanganga ako at agad na tinuro siya.

"Sa wakas! Nakita na rin namin ang ngiti mo Zander," tuwang sabi ni Summer. Agad naman din itong bumalik sa poker face.

"Bro, ba't hindi ka na ngumingiti? Pareho naman tayo nung mga bata pa tayo. Masayahin, palaging tumatawa at ngumingiti," tanong sa kanya ni Night.

"Sabi niya, pareho raw kayong may tupak sa ulo," dugtong ko.

"Kahit nga napakatahimik ni Rigel, ngumingiti at tumatawa pa rin naman 'yan," dugtong din ni Summer.

At ang sagot ni Zander ay ang magaling niyang kibit balikat.

"Tch," nasabi ko naman. Mukhang nahawaan ako nitong 'Tch' ni Zander.

Ngumiti na naman siya dahil dito.

"Pansin ko lang, ba't pag nakatingin ka kay Moon ngumingiti ka? Sa simpleng 'Tch' ni Moon, ngumiti ka na naman. May gusto ka ba kay Moon?" usisa ni Summer.

Tumingin lang ako kay Zander at hinihintay ang sagot niya ngunit, hulaan ko, sagot niya kibit balikat na naman. At saka, ilang araw pa lang kaming magkakakilala si Zander kaya imposible 'yan.

Nakatingin lang din sa akin si Zander kaya nagkatitigan kami. Ilang saglit na ang nakalipas at hindi pa rin siya sumagot kaya napa-'Tch' na naman ako. Ngumiti na naman siya ngunit nagkibit balikat na at saka iniwas na ang tingin niya sa akin.

Sabi ko na nga ba't kibit balikat lang ang sagot nito.

Moon VermillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon