Agad kaming tumakbo patungo kay Light at niyakap ito. Humingi naman ng tawad si Summer sa kanya. Sinabi naman ni Light na wala siyang kasalanan dun. Tinanong namin siya kung ok lang ba siya, sumagot naman siyang ok lang siya at siya'y natulog lang kung saa'y hindi niya alam at nag-usap lang din sila ni Alexander kung gaano kamapangyarihan ang isang Air mage. Natuwa naman kami at walang masamang nangyari kay Light. Balik sarili na si Summer dahil dito.
"Nakalimutan niyo na bang nandito pa ako?" tanong ni Alexander.
Napatawa kami at hinarap siya at humingi ng paumanhin.
"Hindi mo pa rin nasasagot kung bakit mo kami dinala sa mundo mo," sabi ni Summer na mukhang kanina pa hinihintay ang sagot ng kanyang tanong.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Alexander, "Kinalulungkot kong sabihin sa inyo na gusto ko kayong patayin," seryuso nitong sabi kaya natakot naman kami ngunit biglang nawala naman din ang takot ko at sinabihan siyang, "Talaga?" tanong ko habang naiinip. Bakit niya kaming gustong patayin? Anong silbi sa mga pinapakita niya sa akin? Sa mga ikinuwento niya sa akin? Wala lang? Trip lang? Napairap naman ako.
Natawa naman si Alexander kaya napairap at napailing rin ang mga kasama ko. Napakapilyo naman nitong si Alexander.
"Ok ok, ito seryuso na," sabi niya habang natatawa pa rin. Ngunit pagkatapos ng ilang saglit ay sumeryuso rin.
"Dahil sa pagkamatay ng mga magulang ni Verbeas Acnologia, gumawa siya ng mga ekspereminto upang makuha ang lahat ng kapangyarihan sa mundo. Dahil dito, nalaman niyang may iisa pang mundo maliban sa mundo natin. Kambal raw ito ng ating mundo na Gorland. Tinawag daw itong Whealand. Sa mundong Whealand, walang kapangyarihan ang lahat ng tao roon. At ikinalulungkot kong sasabihin sa inyo na si Moon Vermillion ay hindi nanggaling sa Gorland kundi sa kambal nitong mundo, ang Whealand," seryusong sabi ni Alexander.
Napalunok naman ako habang pinoproseso ng utak ko ang sinabi ni Alexander. "Seryuso ka ba?"
Tumango naman si Alexander kaya totoo nga. Totoong hindi ako tagarito sa mundong Gorland kaya pala kakaiba ako. Galing ako sa mundong Whealand, kung saan ang mga tao roon ay walang kapangyarihan. Hindi ako makapaniwala, "Ibig sabihin, hindi ko kambal si Light? Hindi ko totoong magulang ang mga magulang ko? Bakit? Paano? A-a...," nag-iisteriko kong sabi.
"Dahil ito sa makinang ginawa ni Verbeas, 'yung sinag na lumabas mula nito ay tinamaan ang Whealand. Binigyan nito ang Whealand ng isang tungkulin na magbigay ng isang sanggol galing sa Whealand patungo sa Gorland upang maihinto ang sumpa kung saan pag may mamamatay sa Whealand, may mamamatay din sa Gorland. O kaya'y pag may mamamatay sa Gorland, may mamamatay din sa Whealand. Ngunit hindi ibig sabihin na galing ka sa Whealand, hindi ka na magkakaroon ng kapangyarihan. Ang taong galing sa Whealand ay pwedeng mas maging makapangyarihan pa sa lahat ng tao rito sa Gorland. May kakayahan silang makuha ang lahat ng kapangyarihan. Naging epekto ito sa makinang ginawa ni Verbeas," paliwanag ni Alexander.
Nakanganga lang kaming nakikinig sa kaniya kaya ipinagpatuloy niya ang kanyang sinasabi sa amin.
"Nang ginawa ko 'yung spell, naging immortal ako ngunit nawalan ng pisikal na katawan at napunta sa mundong 'to, nakakalabas naman ako ngunit para akong multo, hindi niyo nakikita at nahahawakan. Nang natalo ko si Verbeas, sumabog ito ng higit isang bilyong maliliit na mga butil. Akala naming namatay na ito, ngunit paglipas ng isang taon, nalaman kong buhay pa ito at dahan-dahang binubuo ang kanyang sarili. Nalaman ko rin 'yung tungkol sa 'Prime Whealander' na siyang makakapagpapapigil ni Verbeas at ng sumpa ng kambal na mundo, ang Gorland at Whealand. Upang mahanap ang Prime Whealander, kailangan kong mahawakan sila upang maramdaman kong tagarito ba sa mundo namin o kaya'y galing sa Whealand. Hanggang sa lumipas ang labing-isang taon, nakapasok 'yung matanda dito sa munting mundo ko. Ginamit ko ang kanyang katawaan upang hanapin ang Prime Whealander. Hindi ko alam na umabot ng ilang taon, dekada o kaya'y siglo ang paghahanap sa Prime Whealander. Mabuti naman at noong nandoon kayo sa tabing-dagat, kahit na hindi pa man kita nahawakan, naramdaman kong ikaw nga ang Prime Whealander. Nasigurado ko namang ikaw nga ng tinulungan mo akong makatayo. Pinagmasdan kita noon, nalaman ko ring wala kang kapangyarihan kaya natitiyak akong ikaw na nga ang hinahanap ko. Ikaw ang Prime Whealander Moon Vermillion."
Tumango-tango lang ako at nahihirapang pinoproseso ng utak ko ang lahat ng sinasabi ni Alexander.
Napailing ako at saka parang naiintindihan na rin ang lahat ng sinabi ni Alexander, "Ako ang Prime Whealander, ako ang makakapagpapagil kay Verbeas at ng sumpa sa Gorland at Whealand, ako ay galing sa mundong Whealand, ako ay ...," napailing ako muli, "At ano pa?"
"Hindi tayo magkakambal Moon?" nalulungkot na sabi sa akin ni Light.
Nalungkot rin ako kaya niyakap ko siya, "'Wag kang mag-alala Light, hindi ko kayo iiwan. Nandito pa rin ako palagi. Kambal mo pa rin ako, ok?"
Tumango naman si Light at niyakap rin ako ng napakahigpit.
"Hindi kayo kambal, higit pa kayo sa kambal. Iisa kayo," sabi ni Alexander.
"Ano pong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Dahil kambal ang Gorland at Whealand, ang mga tao sa bawat mundo ay may kaparehong pagkatao na tinawag na 'Counterpart'. Pag may isinilang sa mundong Gorland, meron din sa Whealand. Pag may isinilang rin sa Whealand, meron din sa Gorland. Parehong oras, araw at mga magulang. Ang magkaiba lang ay kung babae sa Gorland o sa Whealand, lalaki naman sa kabilang mundo. Counterpart ni Moon si Light sa mundong Gorland. Counterpart ni Light si Moon sa mundong Whealand. Kaya kayo ay iisa."
Tumango naman kami at napangiti ngunit napatanong ako, "Anong nangyari sa mga magulang ko sa Whealand?"
"Ang pagkakaalam ko, naniwala silang patay ka na nang ika'y isinilang. Hindi nila alam na buhay ka pa at napunta lang sa ibang mundo."
Tumango ako at nakaramdam ng lungkot at awa sa mga magulang ko sa Whealand. Nawalan sila ng anak. Ngunit alam kong lahat ng nangyari at mangyayari ay may rason at layunin.
BINABASA MO ANG
Moon Vermillion
FantasySi Moon ay isang kakaibang mage sapagkat siya'y walang kapangyarihan na dapat ay mayroon. Siya'y nasa mundo ng mga mage na dapat ay may kapangyarihan. Kaya naman dahil dito, may mga bagay na kung saan ay delikado para sa kanya. Pero kahit naman gani...