Nandito kami ngayon sa gym upang malaman ang tamang gagawin sa mga kapangyarihan namin, ibig kong sabihin, nila pala. Nakaupo lang ako sa bleachers at tumitingin sa kanila habang masayang gumagamit sa mga kapangyarihan nila. Ang propesor namin ay si propesor Shadow, isang Clone mage. Hindi siya clone, totoong tao siya, kaya lang pwede rin siyang gumawa ng sarili niyang clone o di kaya'y clone mo. At kaya niyang makontrol ang mga clones na ginawa.
Gumawa siya ng mga clones ng bawat isa sa mga kaklase ko at pinaglalaban sa mga kaklase ko. Ang kalaban ni Light ay ang clone ni Thunder. Si Thunder Dreyar ay isang Lightning mage. May malaking katawan at blonde ang buhok nito. Mabait ngunit maangas din. Ang nakalaban naman ni Rigel ay ang clone ni Summer habang ang nakalaban naman ni Summer ay clone ni Mystique. Si Mystique Strauss ay isang Transform mage. Kaya niyang magtransform ng kahit ano. Ang espesyalidad niya ay ang mag transform ng mga klase-klaseng demonyo. Matakutin pa naman si Summer. Kaya ng nalaman niyang si Mysty ang kalaban niya, nagprotesta siya kay propesor. Ngunit hindi siya pinakinggan ni propesor Shadow. Natawa naman ang totoong Mystique.
"Mysty, kaawaan mo ako ha?" pakiusap ni Summer sa clone ni Mysty. Natawa kaming lahat dahil dito. Sinabihan ko naman siyang kayang kaya niya 'yan.
Ang nakalaban naman ni Night ay ang clone ni Light.
Nanood lang ako sa mga laban nila ng may tumabi sa akin. Paglingon ko sa kanya, nakatingin rin siya sa akin. Namukhaan ko naman siya. Siya 'yung nasa Moon's Haven kagabi na nagtrespass.
"Ikaw 'yung trespasser kagabi ah. Anong ginagawa mo dito? At tinitingin-tingin mo?" sabi ko sa kanya.
Umiwas naman siya ng tingin at tumingin sa mga kaklase ko. "Hindi ako trespasser," sagot niya.
Tumango lang ako ngunit nagtatakang nakatingin pa rin sa kanya.
Tumingin siya ulit sa akin, "Transferee ako. Galing ako sa Tuan."
"Ahh ok," tumatangong sabi ko. "Ako si Moon Vermillion," pakilala ko sabay alok sa kamay ko.
Kinamayan niya ako at tumingin ulit sa mga kaklase ko.
"Ikaw si Zander, right? Zander..." tanong ko habang naghihintay na sabihin niya ang kanyang apelyido.
"Dragneel," sagot niya.
"Kaano-ano mo si Night?" tanong ko sa kanya.
"Pinsan," maikling sagot niya.
Tumango ako at nagtanong, "Bakit ka nga pala nandoon sa amin kagabi?"
Nagkibit-balikat lang siya. Mukhang hindi 'to mahilig magsalita kaya pinabayaan ko na lang.
Humuhusay ang aking kambal kaya natutuwa ako. Nakangiti akong nakatingin kay Light. Nagpalabas ng isang ipuipo ng hangin mula sa kanyang mga bisig sa pag-atake si Light. Natamaan naman si Thunder-clone ngunit hindi pa rin ito natumba. Gumanti si Thunder-clone, ang isa sa kanyang mga kamao ay pinalibutan niya sa kidlat at tumakbo patungo kay Light at susuntukin sana si Light ngunit lumipad si Light at sinipa si Thunder-clone sa likuran niya. Dahil sa lakas ng pagkasipa niya, natumba si Thunder-clone ngunit ilang segundo lang ay tumayo rin ito. Bago pa siya makaganti, magkakasunod na bumubuo ng isang malaki at napakalakas na buhawi si Light patungo kay Thunder-clone. Naglaho ito kaya panalo si Light. Tumingin siya sa akin na parang nagsasabi 'ang galing-galing ko no?', ngumisi naman ako at pumalakpak. Ng napansin niyang may katabi ako, nag iba ang ekspresyon ng kanyang mukha at naglakad patungo sa kinaroroonan ko.
"Sino ka?" kalamadong tanong niya kay Zander.
"Zander," walang ganang sagot ni Zander kay Light.
Palaging walang ganang magsalita 'to si Zander.
"Zander!" narinig naming sigaw ni Night na mukhang katatapos lang ding natalo ang clone ni Light.
BINABASA MO ANG
Moon Vermillion
FantasySi Moon ay isang kakaibang mage sapagkat siya'y walang kapangyarihan na dapat ay mayroon. Siya'y nasa mundo ng mga mage na dapat ay may kapangyarihan. Kaya naman dahil dito, may mga bagay na kung saan ay delikado para sa kanya. Pero kahit naman gani...