Pagdating namin sa bahay, sinabi ni Light kay mama ang nangyari kanina. Nag-alala naman si mama ngunit sinigurado sa kanya ni Light na poprotektahan niya ako. Nagpresnta rin ang mga kaibigan ko na poprotektahan din nila ako. Kaya ako ay nagpasalamat na naman sa kanila.
Pagkatapos ng pag-uusap namin tungkol sa nangyari kanina, pumunta kami sa Moon's Haven. Inilapag namin agad 'yong kumot sa damo at doon umupo sina Rigel at Summer habang kami nina Light at Night ay umakyat sa isang puno. Ang punong inakyatan namin ay isa sa mga paborito kong puno. Tinawag namin ni Rigel itong Sakura Sikamore. Ito'y halong Cherry blossoms at Sikamore. Ang dahon nito ay sa sikamore ngunit ang mga bulaklak nito ay sa cherry blossoms.
"Nakalimutan kong dalhin ang gitara," nanghihinayang na sabi ni Light.
"Ako na ang bahala," pahayag ni Summer at saka kinuha niya ang susi ni Virgo, isang Celestial Spirit na nakasuot ng parang katulong ngunit marunong magkarate at kayang maghukay sa lupa ng napakabilis.
"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, mahal na prinsesa?" magalang na tanong ni Virgo kay Summer. Binati namin lahat si Virgo. Ngumiti naman ito sa amin at bumati rin.
"Virgo, pwede mo bang kunin ang gitara ni Light sa Music room?" pakiusap ni Summer.
"Opo, mahal na prinsesa," sagot niya at saka pumunta sa loob ng bahay upang kunin ang gitara ni Light.
"Akala ko, ikaw ang kukuha," natatawang sambit ni Night kay Summer.
"Napapagod po kasi ako, paumanhin po," sagot niya kay Night habang nakatingala at nakatingin sa kanya. Natawa naman kami dahil dito.
Ilang sandali lang ay bumalik na si Virgo na may dalang gitara at saka plato na may pagkain.
"Pinabigay po ni madame Lynra para po may makain kayo," sabi niya at saka inilapag ang plato sa kumot. Lumitaw naman ang gitara patungo kay Light. Nagpasalamat naman kami kay Virgo at humingi ng paumanhin sapagkat tinamad kaming kunin ang gitara.
"Walang anuman po iyon, para sa mahal na prinsesa," sagot niya at saka lumaho at bumalik na sa Celestial Spirit World.
Gusto ni Night na siya muna ang tumugtog ngunit hindi binigay ni Light sa kanya ang gitara. Nagsimula na si Light sa pagtugtog sa kanyang gitara at inumpisahan ang kanta.
Hindi mo maintindihan kung ba't ikaw ang napapagtripan
Ng halik ng kamalasan
Ginapang mong marahan
Para lamang makidlatan
Sa kataas-taasan,
Ngunit kaibigan, huwag kang magpapasindak
Sumabay naman kaming lahat at napuno ng magandang tugtugin ang Moon's Haven. Napuno ito ng tugtugin na kung saan ito'y kanta ng isang sikat na banda dito sa Byun, ang Rivermaya. Ang tinugtog ni Light ay 'Umaaraw, Umuulan'.
Ang ganda rin ng tanawin sapagkat malapit nang lumubog ang araw. Meron ding sariwang hangin na aming nadadama.
Kapag nandito ka sa Moon's Haven, makakadama ka talaga ng napakasariwang hangin. Dito'y maraming halamang kahoy na iba't ibang klase. Merong halamang kahoy kung saan ito'y namumulaklak ng mabangong amoy. Kung oras ng pamumunga ng bunga nito, makakain ka ng kahit anong klaseng bunga.
Umaaraw, umuulan
Umaaraw, umuulan
Ang buhay ay sadyang ganyan
Umaaraw, umuulan
Patuloy pa rin ang aming kantahan ngunit si Night at si Summer ay minsang hihinto upang kumain ng pagkain. Ang inihanda ni mama ay apple pie. Masarap magluto si mama kaya isa rin ito kung bakit sila tumatambay dito sa amin.
Madilim na ang paligid ngunit hindi pa rin kami umalis. Maganda rin naman ang panahon ngayon kaya maliwanag at napupuno ng mga bituin ang langit.
Nang natapos na ang tugtugin ni Light, bumaba na kami sa puno. Lumipat kami sa parte kung saan kitang-kita namin ang langit. Inubos namin ang apple pie at saka ko kinuha ang gitara at saka ako na ang tumugtog ng gitara. Nakipag agawan pa si Night at sinabing siya pa ang tutugtog. Ngunit hindi ko ito binigay sa kanya at sinabing ako muna. Wala siyang nagawa kaya ako ang tutugtog.
Sumandal si Light sa aking likod, kaya sumandal din ako sa kanya. Sinimulan ko ang pagtugtog at pagkanta, sumunod din sila.
Salamat, tayo'y nagsama muli
Salamat at may gabing nakalaan sa kaunting kasiyahan
Salamat at tayo'y nagsama muli
Salamat at sa pagpawi ng uhaw ay may darating na araw
Tinugtog ko ang 'Salamat' sa bandang 'The Dawn' sapagkat gusto kong malaman nila kung gaano ako kasaya na naging kaibigan ko sila at ang magkaroon ng kambal na gaya ni Light. Sapat na ang kahit na wala mang kapangyarihan, ngunit may mga kaibigan din namang nandiyaan palagi sa tabi mo.
Napakarami na ng aming pinagsamahan at mga magagandang alaala. Maging kahit saan man. Isa na dito sa Moon's Haven. Nung mga bata pa kami, naghahabulan kami rito o kaya'y nag tagu-taguan. Maraming iba't-ibang laro na kaming nalaro rito. Mga kababata ko si Rigel at si Night. Si Summer, naging kaibigan namin noong bakasyon pagkatapos ng graduation namin.
Naglalaro kami noon sa Moon's Haven ng tagu-taguan. Ako ang taya nun. Hahanapin ko na sana sila ng lumabas si Night na may kasamang babae, at 'yon ay si Summer. Sabi niyang naligaw daw si Summer. Kinaibigan naman namin siya at saka pinasali sa laro namin.
Kay tamis ng ating samahan
Sa lungkot at kasiyahan
Tunay na kaibigan, kasamang maaasahan
Salamat at tayo'y may pinagsamahan
Salamat, tunay kong kaibigan
Natapos ko na ang tugtugin ko. Napangiti naman sila dahil sa tinugtog ko. Pagbigay ko ng gitara kay Night, natuwa siya dahil sa wakas siya na. Humiga ako kaya sumunod naman sila maliban kay Night.
Nang nagsimula na si Night, napangiti kami sapagkat bagay na bagay ang kanta sa senaryo ngayon.
Ituring ang iyong sariling tagahawi ng ulap
Sa kalangitang kulimlim
Kamapanang yayanig sa bawat nilalang
Magigising ang lupang kulang sa dilig
Ikaw ang magsasabing "Kaya mo 'to!"
Tulad ng isang tanglaw sa gitna ng bagyo
Nakangiti kaming kinakanta ang kantang "Liwanag sa Dilim", galing din sa bandang Rivermaya, habang nakatingin sa mga bituin sa langit. Maliwanag ang buwan at ang ng mga bituin na nakapaligid sa buong langit.
Isigaw mo sa hangin
Tumindig at magsilbing
Liwanag
Liwanag sa dilim
Harapin mong magiting ang bagong awitin
Ikaw ang liwanag sa dilim
Liwanag sa dilim
Liwanag sa dilim
BINABASA MO ANG
Moon Vermillion
FantasySi Moon ay isang kakaibang mage sapagkat siya'y walang kapangyarihan na dapat ay mayroon. Siya'y nasa mundo ng mga mage na dapat ay may kapangyarihan. Kaya naman dahil dito, may mga bagay na kung saan ay delikado para sa kanya. Pero kahit naman gani...