Kababata 17 : Paghahanda

5 0 0
                                    

"At dahil ngayo'y alam mo na kung ano ang tunay na ikaw. Kailangan na nating maghanda. Kailangan kitang turuan sa mga pangunahin ng kapangyarihan. Dahil matalino ka, alam kong madali ka lang matuto," sabi sa akin ni Alexander.

"Ano bang kapangyarihan ko? Akala ko bang alam mong walang kapangyarihan ang mga Whealander," walang gana kong sabi sa kanya.

"Akala ko bang matalino ka at nakinig sa sinabi ko kanina. Sinabi ko kanina na hindi ibig sabihin na galing ka sa Whealand, hindi ka na magkakaroon ng kapangyarihan. Ang taong galing sa Whealand ay pwedeng mas maging makapangyarihan pa sa lahat ng tao rito sa Gorland. 'Yan, sinabi ko 'yan kanina," walang gana na ganti ni Alexander.

Napailing naman ako sabay itinaas ang mga kamay ko na parang sumusuko.

"Ok, kailangan niyong tratuhin ako bilang isang propesor niyo, naintindihan?"

Wala naman kaming ibang nagawa kundi tumango.

"Nang hinawakan mo ako at nawalan ng malay, ibinigay ko ang aking mga kapangyarihan sa'yo. Isa kang Quatmaho ngayon Moon Vermillion," sabi ni Alexander. "Kaya mong makuha ang lahat ng kapangyarihan sapagkat payag ang may-ari ng kapangyarihan," dugtong niya.

Nabigla ako dahil sa narinig ko, isa akong Quatmaho ngayon? Kaya pala kakaiba ang nararamdaman ko simula nung nawalan ako ng malay.

"Ang pagsasakit ng ulo mo ay epekto sa paglipat ng kapangyarihan ko sa'yo," sabi ni Alexander.

"Ang paglilipat ng kapangyarihan ay ...? May nakakaalam ba?" tanong ni Alexander habang damang-dama ang pagiging pekeng propesor.

Napailing naman ako at itinaas ang aking kamay.

"Yes Ms. Vermillion?"

"Metafora po propesor Belserion," magalang na sabi ko.

Natuwa naman si Alexander kaya pumalakpak ito, "Magaling Ms. Vermillion."

"Ang Metafora ay isa sa mga imposibleng proseso ng kapangyarihan sapagkat hindi maiilipat ang kapangyarihan. Parte sa pagkakatao ang kapangyarihan, pwede kang mamamatay kapag mawawala sa'yo ang kapangyarihan mo," patuloy ni Alexander.

Tumango lang kami na parang estudyante niya talaga.

"Kapag gawin mo ang Metafora sa isang Gorlander, hindi ka talaga mabubuhay. Ngunit kapag sa Whealander naman, possible ito. Ang mga Whealander kasi ay nabuhay ng walang kapangyarihan ngunit may kakayahan naman na makukuha ang kapangyarihan gamit ang Metafora. May kakayahan ang mga katawan nila na lampasan ang makakaya ng mga Gorlander. Kaya isang Whealander ang nakatakdang pigilin ang kaiisang kalaban ng mundong Gorland, si Verbeas."

Napatango lang kami habang nakikinig sa kanya.

"Sa mga oras na 'to matatapos na rin ang Metafora kaya masisimulan na natin ang training mo Ms. Vermillion," sabi ni Alexander sa akin.

Tumango naman ako at tama nga siya, nararamdaman kong natatapos na ang Metafora. Sinubukan kong ibinalot ang aking mga kamay ng apoy. Nagulat ako ng binalot nga ng apoy mga kamay ko. Namangha ako kaya sinuntok ko ang isang puno. Natumba naman ito agad.

Pumalakpak naman sila dahil dito. Napangiti naman ako at sinubukan din ang tubig. Gumawa ako ng parang latigo gamit ang tubig at saka inihati ang punong natumba gamit ang latigong tubig. Kinontrol ko naman ang lupa. Pinako ko ang kahoy na galing sa lupa, kaya nagkabutas-butas ang puno. Nagpalabas naman din ako ng maraming mga airspikes kaya nagkahati-hati ang puno ng ilang parte.

Nang tiningnan ko ang mga kasama ko, nakanganga sila lahat maliban kay Alexander na nakangiti. Pumalakpak na naman si Alexander kaya pumalakpak din sina Light.

"Mukhang handa ka na Moon," tumatangong sabi ni Alexander.

Napailing naman ako at hindi naniniwalang handa na ako.

"Sige, para malaman nating handa ka na nga, kayong lima," sabay turo kina Light, "Kalabanin niyo si Moon." Nagdadalawang-isip naman sila dahil alam kong ayaw nila akong masaktan.

"Makakatulong 'to kay Moon, pangako," sabi ni Alexander. Tumango naman ako hudyat na ok lang sa akin na umatake sila.

Nagpalabas si Light ng isang buhawi patungo sa akin ngunit sinampal ko ang hangin pabalik kay Light. Tinawag naman ni Summer si Sagittarius at si Virgo. Pinagpapana ako ni Sagittarius ng napakaraming palaso ngunit sinunog ko lang ang mga 'to. Naghukay naman si Virgo at saka inatake ako ng martial arts niya ngunit marunong din akong magmartial arts kaya nag-away kami hanggang sa may matalo sa amin. Habang nag-aaway kami ni Virgo, sabay na bumuga ng kalayo sina Night at Zander sa akin, gumawa ako ng malaking hadlang gamit ang lupa. Itinaas ko naman ang aking kamay kaya may lupang umahon at ipinatalsik si Virgo. Ang natamaan ng apoy ay ang mga lupang ginawa kong hadlang. May mga halamang lumabas naman sa lupang malapit sa mga paa ko. Pinalibutan nito ang mga paa ko, dahilan upang hindi ako makagalaw ngunit ginawa kong tubig ang buong katawan ko kaya nakawala ako. Sumugod ako gamit ang katawan kong tubig sa kanila at saka sila sinipa ng nakalapit na ako sa kanila. Natumba sila lahat dahil nito, ngunit tumayo rin agad. Binugahan ko naman sila ng napakalakas na hangin na may halong mga maliliit na mga bato, tubig, at apoy. Hindi nila ito nailagan kayo natamaan sila at natumba ulit. Ngunit hindi na sila muling nakatayo.

Madali naman akong pumunta sa kanila at hihingi sana ng paumanhin at pagagalingin sana sila nang biglang naglaho ang kanilang mga katawan.

Nakarinig ako ng maraming palakpak kaya napatingin ako saan nanggaling ang tunog. Meron sila sa ibabaw ng isang talampas. Akala ko kung ano na ang nagawa ko sa kanila.

Napaupo naman ako at napaluha.

Agad naman silang tumakbo sa akin. Tinanong ako kung ok lang ba ako. Tumango naman ako.

"Akala ko ano nang nagawa sa inyo," naluluha kong sabi.

Niyakap naman ako ni Light at pinapatahan ako.

"Kailan pa napunta si propesor Shadow rito," natatawa kong sabi.

Natawa naman sila lahat dahil sa sinabi ko maliban kay Alexander na hindi alam kung sino si propesor Shadow.

"Kailan kayo nagka-clone?" tanong ko.

"Nawalan ka ng malay nang natapos ang Metafora. Paggising mo clone na namin ang kaharap mo noon. Natuto si Alexander sa paggawa ng clone sapagkat ang matandang nakapasok rito ay isang Clone mage at Space mage," paliwanag ni Light sa akin.

"Sa nakitang laban namin, handa ka na Moon. Handa ka nang harapin si Verbeas," seryusong sabi ni Alexander.

Moon VermillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon