Kabanata 4 : Babala Tungkol sa Liwanag

6 0 0
                                    

Sabado at walang pasok kaya tumambay naman kami ngayon sa isa pang tambayan namin. Tinatawag itong Guild. Sa guild, diyan tumatambay ang mga mage na humahanap ng trabahong kung saan nababagay ang kanilang mga kapangyarihan. O kaya'y ang mage na tumatambay lang at walang ginagawa kundi nakikipagkwentuhan sa ibang mage. Sa mga mage na ginagamit ang kanilang mga kapangyarihan sa paghahanap-buhay, makakita mo sila dito sa guild. Meron din kasing mga mage na kung saan mas pinipili 'yung pangpropisyunal na trabaho na kailangan ng lipunan. Isa na ang mga magulang namin.

Ang ama ko ay si Frost Vermillion, isang Ice mage. Isa siyang civil engineer. Ang ina ko naman ay si Lynra Vermillion, isa namang Weather mage. Nagtatrabaho siya sa isang kompanya na tagapaglathala ng mga libro. Noong mga tinedyer pa sila, nagpupunta din sila dito sa guild at naghahanapbuhay upang makapera at makabili ng mga gusto nila. Dahil kahit na anong edad ay pwede sa guild, nakatambay kami ngayon dito. Dito sa guild, may mga klase-klaseng pagkain ang inihahain. Meron ding parte dito kung saan ito'y arkada. May klase-klaseng malalaro rito. Meron din kung saan ang mga labing-walo at pataas ang pwede lang makakapasok. Sabi ni mama, mga alak at iba pang mga hindi pwede sa mga minor de edad ang mga inihahain. Nakapikit sa malaking dingding ang mga trabahong pwede mong gawin. Hindi pa kami pwedeng magsagawa ng mga trabaho dahil hindi pa kami nakatungtong sa saktong edad.

Kailangan mo nga palang magpatatak sa emblem ng guild upang makapasok ka sa iba't-ibang parte ng guild. Kung wala kang tatak sa emblem ng guild, parang isa lang itong ordinaryong restaurant na humahain ng klase-klaseng pagkain.

Ang lahat ng may emblem ay dapat mong ituring na pamilya. Nakadugtong na simbolo ng Alpha at Beta ang desinyo ng emblem. 1" X 0.5" ang laki nito. Nakatatak sa aking kanang parte ng leeg malapit sa buhok ko ang emblem. Kay Light naman, gaya sa akin ngunit nasa kaliwa lang. Kay Summer ay nasa ibabaw ng kanyang kanang kamay malapit sa hinlalaki. Kay Rigel, nasa ibabaw ng kanyang kaliwang parte ng likod. Kay Night, nasa kanang balikat niya.

Meron nga rin palang malaking silid-aklatan dito sa guild. At nandito kami ngayon sapagkat tahimik dito at sa labas ay napakaingay. Nag-aya kasi si Summer na magbasa raw kami kaya sinamahan namin siya ni Light. Mahilig din naman kami magbasa kaya nandito kami ngayon at nagkanya-kanyang basa ng libro. Nang malaman naman nilang Night at Rigel na nandito kami sa guild, sumunod naman sila agad. Pagdating nila, kumuha din sila ng kanilang mga librong babasahin at tumabi na sa amin at nagsimula na ring magbasa.

Nakalimutan ko nga pala na may pangalan ang guild namin. Sa emblem pa lang, ito ay Alpha Beta. May iba ring guild sa ibang lugar. Dito sa bayan ng Byun, may tatlong guild, ang Alpha Beta, Gamma Chi, at Psi Omega. Sa buong Gorland, may higit isang libong guild.

Nang nagutom na kami, lumabas muna kami at nagtungo sa bulwagan at kumuha ng pagkain.

Habang kumakain kami, bumukas ng napakalakas ang pintuan ng guild at may taong napapalibutan ng liwanag ang kanyang katawan.

"Magandang araw sa inyong lahat. Ako po ang tinuturing na Diyos ng liwanag sa aming mundo," ani nito.

Namangha naman kaming lahat kaya tahimik lang kaming nakatingin sa kanya.

"Ako po si Baekhyun. Naririto po ako sa inyong mundo sapagkat bibigyan ko kayo ng babala. Ang liwanag sa inyong mundo ay muling mawawala sapagkat malapit ng maglalabing-walo ang nakatakdang tumigil sa kaisa-isang kalaban ng mundo ninyo," babala niya saka ngumiti at biglang naglaho.

Nagtaka naman kami dahil dito. Ngunit paglipas ng ilang minuto, binalewala na ng iba ang babala at ginawa na ang kanilang mga dating ginagawa.

Sa alam ko, higit limang daang taon na ang nakalipas, nagkagulo ang Gorland. Nawala ang liwanag at ang dilim ang nagdaig. Dahil daw ito sa isang mage na gustong makuha ang lahat ng kapangyarihan sa mundo. Ngunit, mayroong mage na kanyang nakalaban kung saan ito'y may apat na kapangyarihan, isang Quatmaho.

Moon VermillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon