Chapter 1

31K 619 39
                                    





Cybil's POV

"Tubeg! Tubeg! Tubeg kayo dyan oh! Tubeg!"

Yan ang sinasabi ko sa tuwing madaling araw na papasok ako sa aking business. Sinisigaw ko ang salitang yan lalo na dito sa stasyon ng bus.

"Miss, bili na po kayo ng tubig. Pampa-relax kumbaga." Sabi ko sa babaeng may dala dalang mga gamit.

Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Kayo?"

"Opo, miss. Kayo." Sagot ko.

Tumingin ito kaliwa't kanan. "Neng, mag isa lang ako."

Kumunot noo ko tapos tinignan ko siya ng mabuti. Napakamot ako sa ulo, "Miss. Pasensya na, dalawang tao kasi ang nakikita ko oh."

Nameywang siya matapos kong sinabi yon. "Ah ganon? Pinapahiwatig mo ba sa'kin na mataba ako??"

Tumango ako. "Ganun na nga, miss."

"Aba't talagang... kaya walang bumibili sayo dahil nilalait mo yung mga tao dito eh! Di porket sexy ka't maganda, pwede mo na kaming laitin!" Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. "Che! Makaalis na nga!" Inis na sabi nila at umalis na sa harapan ko.

"Kaya ka hindi kumikita, Cybil ginaganyan mo yung mga customers mo eh."

Liningon ko si Paco na nakaupo habang nagtitinda ng sigarilyo. Lumapit ako dito at umupo sa tabi niya.

"Nagsasabi naman ako ng totoo, Paco eh. Dalawa talaga siya na nakikita ko." Depensa ko.

"Ang sabihin mo, mataba siya."

"Hmp. Hindi ko kasi mapigilan yung bibig ko minsan."

"Ikaw talaga, paano na yung mga kapatid mo ay?"

"Kaya ko silang buhayin kahit maliit lang ang perang nakukuha ko sa pagbebenta ng tubig."

Napasandal ako sa dingding dito tsaka pinikit ang mata ko para magpahinga dahil kanina pa ako nakatayo at nagaabang ng bus para makabenta pero sampu palang ang nabebenta kong tubig at isang daan palang ang nasa bag ko.

"Hi, Cybil."

Minulat ko ang mata ko dahil sa pamilyar na boses. Bumungad sa'kin ang mukha ni Jael. Anak siya ng mayor dito sa Quezon at dalawang taon ng nanliligaw sa'kin.

"Hello." Tipid na sagot ko tsaka pinikit muli ang mata ko. Wala akong panahon magpaligaw sa kanya kahit anak siya ng mayor sa lugar namin at pamangkin siya ng chairman namin sa barangay.

"Cybil, kailan mo ako sasagutin?" Tanong nito at naramdaman kong tumabi ito sa'kin.

Umusod ako papalayo sa kanya. Sa totoo lang, gwapo si Jael. Ang dami ngang babaeng nagkakagusto sa kaniya na mas maganda pa sa'kin. At ang dami ding naiinggit dahil ako ang pinili niyang ligawan.

"Hay nako, Jael. Alam mo na ngang basted ka na sa'kin tinatanong mo pa kung kailan kita sasagutin." Prangkang sabi ko. "Iba nalang ligawan mo dahil sinasayang mo lang yung oras mo sa'kin."

"Kasi nga mahal kita, Cybil."

Napabuntong hininga ako tsaka ko siya hinarap. "Jael. Iba nalang mahalin mo, hindi ikaw yung mahal ko eh." Tsaka kinuha ko ang kupya ko dahil sumisilip na si haring araw. "Pasensya na." Yun lang tsaka tumalikod ako dito at nagsimulang mag-benta ng tubig.

Pagod na pagod akong umuwi sa bahay ko na iniwan sa'minng nanay at tatay bago sila pumanaw dahil sa sakit.

"Oh, ate. Nandito ka na pala." Sabi ni Natalia na galing sa kusina.

Yulo Halverson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon