Chapter 7

17.4K 462 14
                                    





Cybil's POV

Nakatingin lang ako sa papel na ibinigay sa'kin ni Yulo kanina. Hanggang ngayon hindi ko parin ito napipirmahan dahil gusto kong i-discuss niya muna ito sa'kin bago ako magsulat dito. Ibang discussion kasi ang ginawa niya kanina.

Tinabi ko muna yon sa lamesa namin tsaka lumabas at tinuloy ang paglalaba ko. Ang ibabang parte ng katawan ko mahapdi parin, binigla ba naman ako!

Nagustuhan mo rin naman. Tuya ng isipan ko.

Why not? Halatang expert siya at napaligaya niya ako kahit nakatayo lang kam— aish! Bakit yun ang iniisip ko diba dapat nagagalit ako dahil kinuha niya virginity ko?

Worth it naman eh. Ugh. Brain.

Pinagpatuloy ko nalang ang paglalaba ko hanggang sa natapos ako at sinasampay na ang nilabhan ko. Tapos naglinis ako ng bahay katulong si Natalia at Levi kaya mabilis kaming natapos at hapon na.

"Ate, may butas na po yung bubong ng kuwarto ko, tumutulo po don yung tubig mula sa ulan." Sabi ni Levi habang nakaupo kaming tatlo dito sa supa.

"Lagyan mo nalang muna ng timba kung saan yung tumutulo, Levi. Wala pang pera panggawa si ate dahil kakabili ko lang ng mga pagkain natin diba?" Tumango naman siya. "Sa kuwarto ko nalang ikaw matulog kung gusto mo." Suggest ko.

"Hay nako, ate. Hindi yan papayag na tumabi sa atin dahil big boy na daw siya." Komento ni Natalia habang nakasimangot. "Hindi ko na nga ma-baby eh." Tapos ngumuso pa.

Napangiti ako at ginulo ang buhok niya. "Ikaw din naman hindi ko na ma-baby eh. Karga karga palang kita noong anim na taong gulang palang ako, ngayon hindi na." Ang bilis lang talaga nilang lumaki.

"Ay si ate oh, naglalambing." Tukso niya kaya napangiti ako tapos yumakap siya sa'kin. "Magka-anak na kasi kayo ng girlfriend niyo ate para may baby ka ng binubuhat."

Kumunot noo ko. "Girlfriend?"

"Oo, ate. Si ate Yulo, sabi niya girlfriend mo daw siya at lagi mo daw siyang inaaayang mag-ano para magka-baby kayo."

Anak ng... bakit pati sa kapatid ko sinasabi niya yung kalokohan niya? At ako pa talaga yung binibintang niyang mag-ano kami para magka-baby?

Nako naman...

"W-wag niyo nalang pansinin yung sinabi ni Yulo, Natalia." Sagot ko.

"Tao po!? Tao po!"

Tumayo ako. "Maghanda ka na ng meryenda natin, Natalia. Ako na magbubukas ng pinto." Sabi ko dito na sinunod naman niya. Lumabas ako tsaka tinignan kung sino ang sumisigaw dito.

"Hello, Miss Francisco." Si Miss Green pala. Kumunot ang noo ko at nagtatanong ang mata kung bakit siya nandito. "I'm here to visit you." She said na parang nabasa ang isipan ko.

Binuksan ko yung gate at pinapasok siya. "Bakit? Wala naman akong sakit ah." I said particularly not being rude.

"Hmm, masama bang dalawin ang ate ng estudyante ko?" She asked.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Depende kung ano ang kailangan mo sakin." Sagot ko. "Tsaka hindi naman tayo magkaibigan bakit mo ako dinadalaw?" Sabi ko. "Hindi rin naman ako patay." Dagdag ko.

"Miss Francisco, kaya ako pumunta dito para pormal na magpakilala sayo at maging magkaibigan tayo." Kalmadong sagot niya.

Kumunot noo ko. "Bakit?"

"Because I want to?" Sagot niya. "C'mon, Miss Francis--"

"Cybil nalang, at Green nalang rin ang tawag ko sayo. Masyadong pormal kapag mini-miss mo pa 'ko." At umirap pa.

Yulo Halverson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon