Cybil's POV
"Ngayon na?" Tanong ko.
Tahimik lahat ang mga taong nandidito at hindi makapaniwala sa ginawa ni Yulo sa akin, I mean sa aming lahat. Lahat kaming naririto sa bahay niya, nasa kanya ang atensyon.
Pinaningkitan niya ako ng mata. "Kakasabi mo lang kay Green na sana makasal ka na sakin. Tapos ngayon magi-inarte ka pa?"
I pouted. "Ang sungit." Bulong ko.
"Don't do that." Magkasalubong na kilay na utos niya.
Mas lalo akong napalabi. "Ayaw."
"Officiant! She says I do!" Sabi niya sa wedding officiant.
Nanlaki ang mata ko. "May sinabi ba ako?!" Tumaas ang boses ko.
Ngumisi siya. "Naaalala mo pa ba yung papel na pinirmahan mo?"
Kumunot ang noo ko nung una. Papel? Baka yung papel na inakala kong contract sa isang kasal. Yung pinirmahan ko sa kanya bago ako umarteng nawalan ng malay.
Tumango ako. "Oo. Bakit?"
Umiling siya tapos yinuko niya yung ulo niya. "Alam mo, na-realize ko, the more na pinipigilan ko ang nararamdaman ko sayo, parang mas lalo akong nahuhulog sayo." Nag-angat siya ng ulo at pinakatitigan ako. "Hindi ko inakala na ang sex slave ko lang," napasinghap nanaman ang mga tao dito. "mamahalin ko pala ng lubusan." Bulong niya.
"Uhh."
"Shh." Nilapat niya ang kaliwa niyang hintuturo sa labi ko. "Don't say anything, hindi pa ako tapos." Ang sungit. "Takot ka bang mawala ako?"
Agad akong tumango. "Importante ka na sa buhay ko, Yulo." Sagot ko. "Saan ka ba pupunta?" Tanong ko.
Napatampal siya sa noo. "Pasalamat ka..." bulong niya. "Anyway, I don't want you to be my girlfriend anymore, Cybil."
Lahat sila pati ako napasinghap at nagulat dahil sa sinabi niya. Napaawang ang bibig ko na parang ayaw pumasok sa isipan ko yung binitawan niyang salita. "A-ano?" Bulong ko.
She sighed. "Papakawalan na kita sa kulungan ko."
"Yulo?" Sambit ni tita Lori.
Nilingon niya ang mama niya at nginitian lang ito ng tipid bago bumalik sa akin. "Hahayaan na kita sa gusto mo, wala na akong girlfrie—"
"Yulo!" Pinutol ko ang sasabihin niya. "Ano bang pinagsasabi mo?"
"Why don't you let me finish my sentence?" Nakagat ko ang labi ko dahil sa masungit niyang tanong. "Papakawalan na kita sa kulungan ko dahil gusto ko, malaya ka, malaya kang gawin ang gusto mo lalo na't nasa harapan na tayo ng officiant at ng mga witnesses dito sa bahay ko at hindi na kita papakilala bilang girlfriend ko, papakilala na kita sa kanila bilang asawa ko."
Lahat kami dito hindi makapagsalita. Hindi ko na mapigilang yakapin siya. "Akala ko ayaw mo na sakin."
"Paano kita aayawin kung ikaw yung nagpapabuo ng araw araw ko?"
BINABASA MO ANG
Yulo Halverson
Romance"I'd like to wrap your legs around my head and eat you like a feed bag." - Yulo Halverson. She's Yulo Halverson. She has a naughty but grumpy attitude to everyone, except for her special people in her life. She's a traveler kaya halos lahat ng mga...