Chapter 12

15.1K 393 7
                                    




Cybil's POV

Si idol nandito!

Yung mata niyang kulay green at mala-modelo parin ang katawan. Yung idol ko noong sampung taong gulang pa lamang ako, yung magaling na chef. Si chef Yumi Halve—

Halverson? Alam ko na! Kaya pala medyo pamilyar sakin yung apilido ng katabi ko sa kanya eh nanay niya pala yung idol ko. At hindi ko rin alam na dito pala talaga sila nakatira dahil noong bata ako, sa Manila pa nagluluto si idol Yumi o kaya sa Laguna. Wala na kasi kaming T.V dahil nabenta na dahil nga sa hirap ng buhay at yung gastos ko pa noong namatay ang mga magulang ko.

"Ehem." Tumikhim ang tiyak kong asawa ni idol, Lori Halverson. "What's goin' on here?" She asked again.

Lihim kong kinurot si Yulo sa tagiliran. "Aray." Mahinang daing nito. "Ahh. Momma, wala po." Momma pala tawag niya kay Mrs. Lori.

"Kayo po ba si Yumi Reyes Halverson?" Supalpal ko habang nakatingin kay Mrs. Yumi.

Ngumiti siya. "Yes ija." Tugon niya.

Nakagat ko ang labi ko dahil totoong siya nga! "Pwede pong payakap?" May tagong excitement na sabi ko.

Nagkangitian muna sila ng asawa niya tapos tumingin sakin. She spread her arms. "Sure." Pagpayag niya. Nanlaki ang mata ko at tumili ng kaunti bago tumakbo dito at yinakap siya kaagad.

"No. 1 fan niyo po ako Mrs. Yumi!" Tsaka kumalas din ng yakap. Nakakahiya na eh. "Napapanood ko po kayo sa T.V noong bata ako. Kaso hind--" napairap ako sa isipan ko nang sumupalpal si Yulo.

"Akala ko ba wala kang kilalang mga Halvers--" lumingon ako sa kanya at pinanlakihan siya ng mata.

"Wala akong sinabing ganun ah." Maang maangan ko at lumingon ulit kay Mrs. Yumi tapos ngumiti.

"Who's with you, Yulo?" Napatayo ako ng diretso dahil sa boses ni Mrs. Lori. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tapos lumingon sa anak niya tsaka ngumiti. "Girl--"

"No, mom!" Agad na sagot ni Yulo ng hindi man lang pinapatapos magsalita ang mama niya. "She's not my girlfriend. She's my maid."

Maid? Baka slave. Minamaltrato niya po ako Mrs. Halverson!

"Maid?" Confused na tanong ng momma niya. "At that age of yours kailangan mo pa ng maid??"

Oo nga. Ganyan din ang tanong ni Kariz sa kanya pero hindi niya sinagot. Bakit kaya kung kailan matanda nasiya doon pa niya kinailangan ng slave? Kaya niya namang-- oo nga pala. Sex slave niya ako. Malamang kailangan niya ako para sa ano niya.

"Personal maid, momma."

"How about Lindon?" Yung butler niya siguro yun.

"I fired him, mom. Not exactly fired him. But it's just he's one call away for me... you know."

Tumango ang momma niya. "Nakahanda na ba kayo?" Tanong niya.

"I'm ready!" Rinig kong sabi ng isang babae sa likod nila at si Lacey pala iyon. Kasunod niya si Kariz na may dalang maleta.

Kinuha ni Yulo ang kamay ko at nilagay ako sa likod niya. "Sa likod lang kita dapat." Utos niya.

Hmp. Hanggang mamayan niyan kasa-kasama ko pa 'to.

"Let's go!" Excited na sabi ng dalawa at pumasok sa isang van na puti. Sumunod ang mag asawa kaya naiwan na kami dito ni Yulo.

"Ang ganda parin ng nanay mo, Yulo." Parang nananaginip parin na sabi ko.

Pero binigyan niya ako ng masungit na mukha. "I thought you didn't know about Halveson's" ang sungit talaga ng babaeng ito kahit kailan.

"Malay ko bang ikaw ang anak niya. Ang alam ko kasi nasa ibang bansa pa yung anak niya at doon na tumira." Tugon ko. Hindi ko kasi nakita ang mga anak noon ng mga Halverson dahil hindi sila pinakita sa media. "Ang layo kasi ng ugali mo sa kanila eh."

Yulo Halverson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon