Chapter 38

11.6K 332 17
                                    



Cybil's POV

"Get dress, babe. Pupunta na tayo sa bahay niyo."

Napatayo ako sa couch nang marinig ko ang sinabi ni Yulo. Nasa likod siya ng couch kaya lumapit pa ako sa kanya.

"Ngayon na?"

Umirap siya. "Hindi. Next year nalang. Baka hindi ka pa handa at gusto mo pang tumira dito sa pamamahay ko." Masungit na sagot niya.

"Che! Nagtatanong lang." sabi ko at tumalikod dito.

Hinila niya yung kamay ko at niyakap ako kaya kaharap ko nanaman yung dibdib niya. "It was just a joke, Cybil."

Yinakap ko siya pabalik. "Ayusin mo kasi yung joke mo."

Kumalas siya ng yakap at inakbayan ako. "Maligo na tayo." Sabay labas nanaman ang malisyoso niyang ngiti sa labi.

Kinurot ko yung tagiliran niya. "Wag mo akong gawan ng masama, Yulo. Masakit ulo ko ngayon."

Nawala yung ngiti niya. "Bakit? May lagnat ka ba?" Napalitan ito ng pag-aalala.

Umiling ako. "Wala naman. Baka migraine lang 'to." Balewala ko at naunang umakyat sa taas.

"If you feel like you're giddy just tell me, capeesh?"

Tumango ako at nag-okay sign sa kanya. Sabay nga kaming naligo kaya medyo natagalan kami dahil ginawan niya pa ako ng masama.

Nauna siyang lumabas bago ako. Kinuha ko yung bag ko na binili niya noon sakin. Hindi pa ito sira kaya pwede pa. Naabutan ko ang mga kapatid ko at si Yulo na nagha-handshakes sa gilid ng hagdan.

Isa yun sa nagustuhan ko kay Yulo. Masyado siyang malapit sa mga kapatid ko at parang tinuturing niya narin itong mga kapatid. Hindi daw kasi sila masyadong close noon ni Lacey dahil sa nangyari sa kanila nung bata pa sila.

Mahal ko ang mga kapatid ko kaya sila yung inuuna ko bago yung sarili ko. Mas inuuna ko yung kapakanan nila at yung kasiyahan nila bago ko makuha yung sakin. At ngayon nga, dumadgdag si Yulo sa naging kasiyahan ko kaya nagpapasalamat ako sa itaas dahil dumating siya sa buhay ko.

Pero minsan, naiisip ko din na... mahal din kaya ako ni Yulo?

"Hey." Nabalik ako sa ulirat nang nasa tabi ko na pala si Yulo. "You alright?"

I smiled. "Yep."

"Tara na."

Lumabas na kami at pinapasok ko na yung mga kapatid ko sa backseat ng kotse. Nahuling pumasok sa kotse si Yulo.

"You wanna drive?"

Nag angat ang tingin ko sa kanya. "Ha?"

"Gusto mong ikaw ang mag-drive nito?" Tinapik niya pa yung manibela niya.

Natawa ako ng kaunti. "Hindi ako marunong mag-drive ng sasakyan kaya ikaw na. Kaya mo na yan."

Nagkibit balikat siya. "Alright. Sabi mo eh."

Napailing nalang ako. Pinaandar niya na ang kotse niya kaya eto ako, nakatitig na ng malaya sa mukha niya.

Yulo Halverson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon