Cybil's POVHawak niya ngayon ang kamay ko. Hawak ni Yulo ang kamay ko! Hindi ko alam ang gagawin ko dahil alam kong galit na siya ngayon lalo na't nandito ako sa mismong pamamahay niya.
Nandito ako sa ibaba ng kama para magtago nang kumatok si Yulo sa pinto. Wala akong mapagtaguan kaya pinilit ko nalang itong sarili ko sa ibaba ng kama ni Natalia.
"Get out."
Narinig ko ang malamig na utos ni Yulo at alam ko na ako ang kausap niya. Kinakabahan ako dahil baka pagsasalitaan niya nanaman ako ng masama.
"Cybil!" Muntikan na akong mauntog nang mapapitlag ako sa sigaw ni Yulo.
Wala na akong ginawa kundi ilabas ang katawan ko mula sa ibaba ng kama. Naabutan ko ang mga bata sa gilid ng gama at parang natakot sa sigaw ni Yulo.
"Lumabas muna—"
"Stay there, kids." Putol ni Yulo sa sasabihin ko sa mga bata. "Kami ang lalabas." Sabay lingon sakin. "Let's go."
"Ate..." tumingin ako kay Natalia na may takot sa mga mata.
Ngumiti lang ako ng malungkot at hinalikan ang noo nila. "Wag kayong mag-alala. Kaya ni ate 'to." Paninigurado ko sa kanila bago lumabas ng kuwarto.
Nagulat ako nang biglang hinawakan ng mahigpit ni Yulo sa siko at dinala ako sa kuwarto niya. Pabalang niyang binitawan ang siko ko dahilan ng paghawak ko ng siko ko. Ang sakit!
"What are you doing here?" Tanong niya.
Kinagat ko ang labi ko. "Nandito lang naman ako para bisitahin yung mga bata." Malumanay na sagot ko.
"Hindi mo man lang ba tinanong kung pinapayagan kitang makapasok sa pamamahay ko?"
"Yung mga bata—"
"You still! Didn't ask for my permission!" Napangiwi ako nang tumaas ang boses niya. "And now you're crying." Tinuro niya pa ako. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Huminga ako ng malalim para ipunin ang gusto kong sabihin sa harapan niya kaya dahan dahan akong lumuhod sa harapan niya.
"Yulo." Hinawakan ko ang kamay niya pero nilayo niya lang ito sakin. Nadismaya ako. "I'm so sorry. Dapat hindi ko nalang sinamaham si Jael sa park at pinaniwalaan ang sinabi niya."
"Cybil..."
"Yulo pakinggan mo muna ako."
"Cybil get up—" pilit na nito akong itayo pero hindi ako nagpatinag.
"Yulo!" Yinakap ko ang hita niya. "Sorry na! Ayoko ng magkakaganito pa tayo. Isang linggo na kitang hindi nakikita pati ang mga kapatid ko at hindi ko na alam ang gagawin ko sa bahay ni Green! Nakakulong lang ako doon ng anim na araw at iniisip ko parin kung ano ng nangayayri sainyo dito."
"So sa bahay ka muna ni Green tumira?" She asked. I nodded. "Get up."
Tumayo ako at pilit na niyakap siya pero iniwas niya ang katawan niya sakin. "Yulo..." nahihirapang sambit ko. "Sorry na. Sorry—"
"Hindi mo rin ba naisip na ganyan din ang iniisip ko matapos mong umalis sa bahay ko?" Malumanay na tanong niya. Hindi ako sumagot kaya yinakap niya ako pagkatapos. "Nagaalala din ako. Tama na."
Yumakap ako pabalik. "Hayaan mo muna akong magpaliwanag oh. Para naman mabawasan yung galit mo sakin." Pakiusap ko habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya. "Please, Yulo."
"Shh. Di mo na kailangang magpaliwanag." Pagtahan nito habang hinahagod ang likod ko. "Stop crying, Cybil. You're hurtin' me."
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya kaya kumalas ako sa yakap at nag-angat ng tingin sa kanya. "Sorry."
BINABASA MO ANG
Yulo Halverson
Romance"I'd like to wrap your legs around my head and eat you like a feed bag." - Yulo Halverson. She's Yulo Halverson. She has a naughty but grumpy attitude to everyone, except for her special people in her life. She's a traveler kaya halos lahat ng mga...