Chapter 17

14.8K 371 7
                                    




Yulo's POV

"Figure it out by yourself if you don't wanna lose your job."

Magkasalubong na kilay na banta ko sa isa sa empleyado ng kompanya ko. Araw ng Biyernes at kasalukuyan akong nandito sa opisina ko dahil tinawagan ako ng sekretarya ko kaninang umaga dahil nagka-problema ang computer systems namin, hindi ko alam kung paano nangyari yon kaya pinatawag ko ang analysts na kasalukuyang nakayuko dahil pinagalitan ko lang naman.

"We'll fix it as soon as—" pinutol ko ang kung ano mang sasabihin niya.

"Don't say as soon as possible in front of my face. Fix it—" I leaned over my table. "Right now." Madiin na bigkas ko at bumalik sa pagkaka-sandal. "Now go."

Humingi pa siya ng sorry sakin bago lumabas ng pinto. I stressfully sigh at napahilot sa sintido ko.

Retarded workers. I mumbled to myself.

"Okay ka lang?" Napatingin ako sa pintuan kong bumukas at nandoon si Cybil na may dalang plastic bag na kulay puti. She's wearing a black shirt na may nakalagay na bad girl.

"No." I honestly replied then pumikit. "I'm pissed because of my workers." Sabi ko. Pasalamat sila't hindi ko sila masyadong sinisigawan.

"Hey," naramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko. "Wag kang papa-stress masyado." Hinilot niya ang sentido ko kaya medyo nag-relax ang ulo ko. "Magkaka-wrinkles ka niyan kaagad sige ka." Biro niya.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Why are you here?" I asked.

"Pinandala kita ng almusal mo, hindi ka kasi kumain kaninang umalis ka eh." Now she's being sweet.

"Duty?" I asked meaningfully.

Lumaki ang ngiti niya at umiling. "Hindi naman, parang... kusa?" Tapos kinindatan niya ako.

What happened to the old Cybil?

Ah! I get it. She promised me na hindi niya na ako palaging aawayin. But who knows? Baka mamaya magtata-talak nanaman siya.

"Ito oh." Nag-angat ako ng tingin at nakalahad sa kamay niya ang tupperware na may lamang sandwich. "Para lumakas ka naman kahit kaunti."

"No need." Sagot ko na ikinataka niya. Hinila ko siya at pinaupo sa lap ko. "Ikaw lang makita ko malakas na 'ko." I grinned then kinindatan siya.

Pabiro niyang pinalo ang balikat ko. "Bolera." Kinuha niya yung tupperware at kinuha ang sandwich. "Kainin mo na 'to." Sinubo niya sakin yung piraso ng sandwich, tuna sandwich.

"Hapon uuwi sina lolo." I said after I swallowed my food. I refused as she tried to give me another piece of sandwich. "Ganyan ka lang ba?" Tukoy ko sa damit niyang may nakasulat na bad girl.

"Ganito? Hindi ah! Magda-damit ako ng maayos para hindi naman ako pagdudahan ng mga lola mo na katulog mo lang ako."

Kinagat ko ang balikat niya. "OA mo naman. But bibili tayo ng damit mo bago kita mapakilala sa lola's ko." Sabi ko.

"Sakit ah." Tumayo siya mula sa hita ko at sumandal sa lamesa ko paharap sakin. "Bibili nanaman? Diba kakabili mo palang ng damit para sakin? Hindi ko pa nga sila nasusuot lahat eh."

Yulo Halverson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon