Chapter 41

11.6K 373 7
                                    


Yulo's POV

Inayos ko ang damit ko tsaka kunot noo parin na nakatingin sa kanila. Para akong nananaginip, parang hindi totoo. Pakisampal nga ako!

"Yulo." Natatawang sambit ni Cybil sa pangalan ko.

I gritted my teeth. "Get dressed." Bulong ko. Aaminin ko, medyo nagalit ako sa ginawa niya dahil halos patayin niya na ako sa nerbyos.

But she just kissed my cheeks. "Love you." Sabay kindat sakin tsaka umalis.

"Put that down, Galey." Inis na sabi ko kay Galey dahil patuloy parin siya sa pag-film sakin. "Ibababa mo yan o sisirain ko yan?" Banta ko.

Agad naman niya itong tinago sa lalagyanan niya. "Mah bad."

"Anak." Lumapit sa akin ang mga magulang ko at mga kaibigan ko na may nakakatawang ngiti sa labi. Mukhang pati sila may kinalaman sa lahat ng 'to.

I groaned. "C'mon, mom. Bakit niyo po ginawa sakin 'to?"

Ngumiti ng malaki si momma Lori. "Hindi ako ang may gawa ng lahat ng 'to, Yulo."

"Sino?"

Tinuro nilang lahat yung pwesto ni Kariz na across sa pwesto ko. Her face is like grimacing or smirking. Pero alam kong magkasama ang dalawang yon sa bibig niya.

"Bitch!" Galit na sambit ko kay Kariz at akmang susugudin na siya nang pinigilan ako nila Winter. "Bitiwan niyo 'ko! Dudukutin ko utak niyang babaeng yan!" Pagpupumiglas ko.

"Chill ka lang, best friend—"

"Wag mo muna akong tatawagin na best friend, Kariz! Kapag ikaw talaga nakalapit ka sakin nako!" Nanggigigil na sigaw ko.

"Yulo!" Natigil lang kami nang tinawag ni Cybil ang pangalan ko. Nakabihis na siya at hindi niya na suot ang hospital gown niya. Lumapit siya sakin pagkatapos. "Hayaan mo na si Kariz. Tsaka ako talaga yung may kasalanan dito dahil pumayag ako."

"Ginawa niyo akong tanga." Sambit ko. Binitawan na nila Galey ang braso ko.

"Sorry. Para sa party mo kasi ito eh—"

"Well it's a stupid party!" Napapitlag siya nang sumigaw ako. Natahimik silang lahat at hinarap ko sila isa isa. "Hindi niyo alam kung gaano ako nag-alala sa kanya!" Sambit ko bago nagsimulang maglakad papasok ng bahay at pumasok sa kuwarto ko.

"Yulo!" Hindi ko napansin na sumunod pala papasok si Cybil sakin.

Tumiim ang bagang ko tsaka siya hinarap. "Now what, Cybil? Masaya na kayo? Na nakita niyo nanaman ang isang Yulo Halverson na umiyak? At lahat ng tao nakakita pa non? Pinagmukha niyo akong tanga sa loob ng dalawang linggo. Nagdadasal ako nasa sana gumaling ka, na sana walang mangyari sayo, na sana ako nalang ang nakahiga doon at lumalaban." Pina-sarkatisko ko ang huling salita.

Napayuko siya. "Sorry. Akala ko matutuwa ka—"

"Matutuwa pa ako kung sinabi mo kaagad na prank lang ito. Pero gumawa ka pa ng eksena na ikina-nerbyos ko!"

Sobra ang prank na ginawa nila sakin. Hindi naman ako yung sobrang galit talaga. Ayoko lang yung kalokohan na ginawa nila sakin dahil ngayon lang ako napagtripan ng sobra.

Yulo Halverson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon