Chapter 5

17.5K 475 15
                                    





Cybil's POV

Sex slave.

Hating gabi na pero yan parin ang naririnig ko na nagpapaulit ulit magsalita sa isipan ko. Hinatid niya ako pauwi dito sa bahay namin matapos niyang sabihing, "I'll wait for your decision... tomorrow." mamayang umaga na talaga niya malalaman kung ano ang magiging desisyon ko. At inutos niya talaga ng hindi man lang tinanong kung okay lang ba sa'kin o ikaw ang bahalang magdesisyon.

Hay. Ni hindi ko man lang kilala ang babaeng yon alam kong ganon din siya sakin. Bakit niya kaya ginagawa yun sa'kin?

Pinagsawalang bahala ko nalang yun tsaka pinikit ko nalang ang mata ko para matulog. Nagising ako ng alas singko kaya mga nasa tatlong oras lang akong nakatulog.

Umupo ako sa papag na kama ko at bumaba patungo sa kusina para makapaghanda ng pagkain ng mga kapatid ko. Wala silang pasok dahil suspendido ang klase dahil sa bagyo.

Kumain ako ng sakto lang sa tyan ko bago kinuha ang towel sa sampayan dito sa loob tsaka pumasok sa banyo dito sa may kusina namin at nagsimula ng maligo.

Pumunta ako kaagad sa taas ng nakatapis at pumasok sa kuwarto ko. Nagbihis ako ng maluwag na t-shirt tsaka yung shorts ko na hanggang hita lang. Bababa na sana ako para ayusin ang mga mineral water na nasa baba nang maalala ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan kaya binalikan ko muna.

"Ulyanin ka na, Cybil." Sabi ko sa sarili ko habang bumababa ng hagdan. Kinuha ko ang plastic ng mga mineral water tsaka nilapag ito sa lamesa para ilagay sa container na may yelo na.

Habang nag-aayos ako ng tubig, biglang tumunog ang phone ko kaya napatalon pa ako sa gulat. Tinignan ko yung caller pero number lang ang nakalagay kaya hindi ko nalang ito pinansin.

Kinuha ko ang sumbrero ko at sinuot ito bago lumabas ng bahay namin para pumunta sa istasyon ng bus. Napagpasyahan kong mag-pedicab dahil umuulan. Hindi pa naman ako pwedeng hindi bumenta ngayon dahil malapit na ang pagbayad sa tuitions ng mga kapatid ko, walong daan pa naman yun.

"Salamat, kuya." Sabay abot ng bayad ko sa driver ng pedicab na sinakyan ko tsaka bumaba at pinuntahan si Paco na nandoon na habang may sigarilyo sa bibig. "Paco, ang aga-aga niyan ah."

Bumuga muna siya ng usok tskaa inalok sakin ang hawak niya. "Inggit ka lang eh, oh."

Ngumiwi ako. "Wag na, alam mo namang hindi ako naninigarilyo inaalok mo pa 'ko." Tanggi ko dito tsaka nilayo ang kamay niya. "Aga mo ah." Sabay upo sa tabi niya.

"May sakit si tatay kaya kailangang kumayod." May bahid ng lungkot sa boses na sabi nito.

"Kumayod eh nakaupo ka lang dyan at hindi inaalok ang mga customers na bumili sa paninda mo." Sabay irap ko dito. Tumayo ako tsaka nagsimula ng magbenta.

Alas syete palang ng umaga nang makaramdam ako ulit ng gutom at pagod dahil sa pagtitinda ng mineral water. Buti nalang at uhaw na uhaw yung mga taong kadarating lang dito sa stasyon at nakarami ako ng benta, kalahati na nga lang kaya siguradong mapapa-aga ako ng uwi.

Umuwi ako dahil nakalimutan ko yung payong na sira ni Natalia at ipapagawa ko kay Paco dahil malapit sa bahay nila yung gumagawa ng payong.

Umuulan parin kaya hirap na hirap si manong na magpadyak ng bisikleta, may konting baha kasi dito sa lugar na dinadaanan namin.

Yulo Halverson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon