Cybil's POV"Sino ba yung lalaking yon?"
"Bakit mo kinuha yung puting rosas na yon?"
"Wag ka ng magpapakita doon ah!"
Napakamot nalang ako sa noo dahil sa dami ng tanong niya na hindi ko pa nasasagot ni isa sa kanila. Nandito kami ngayon sa kotse niya habang pinapakinggan lang siyang magtanong ng kung ano ano sa'kin.
"Bakit ka nagpapaligaw sa—"
Huminga ako ng malalim at hinarap siya. "Teka lang! Kanina ka pa nagsasalita dito ni hindi mo man lang ako pinayagang magsalita." Sabay irap ko dito at sumandal ng kotse. Nakaka-stress din minsan ang ugali ng babaeng ito eh, pabago bago.
"Hey, don't you ever roll your eyes on me again, young woman. You don't know how your attitude affects on me whenever you do that."
I snorted. "Pake ko sa damdamin mo." Bulong ko.
"I heard that, young woman."
Tinaasan ko siya ng kilay. "So?" Narinig ko nanaman siyang nagmura. "Wag ka ngang magmura sa harapan ko, nakakainis."
"Then don't give me that bad attitude of yours if you don't want to hear or see mine. Kahapon ka pa eh, hindi mo ako kilala at bakit nga ba?"
Nilayo ko ang paningin ko sa kanya. "Sinagot mo na yung tanong mo kaya wag kang tanga." Masungit na sagot ko sa kanya. Napansin kong hindi ito umimik, hanggang sa na-realize ko ang nasabi ko sa kanya.
Dahan dahan akong humarap sa pwesto niya at nang magtama ang mga mata namin, she's mad. Halatang galit siya ngayon dahil sa panga niyang humihigpit sa kapit at yung titig niyang animo'y lumiliyab na na parang sasabog sa galit.
Uh-oh.
"Hop. Out." May diin na salitang sabi nito sa akin. Hindi makapaniwalang tinignan ko lang siya. Hello, nasa free way po kami. "Hop. Out!" Sigaw niya na ikinagitla ko.
Walang imik na bumaba ako at sinunod ang utos niya. Ang lamig. Matapos kong maisara ang pinto, mabilis niyang pinasibad ang kotse niya paalis at iniwan nga talaga ako dito mag-isa sa free way. May mga multo pa naman dito at walang masyadong dumadaan na sasakyan.
Napahawak ako sa braso ko dahil sa lamig na tumatama sa balat ko. Kakatapos lang kasi ng ulan kaninang hapon nang sunduin ako nito mula sa bus station dahil sinabi niyang hihintayin niya daw akong matapos magbenta. Well hindi naman niya talaga sinabing hihintayin, basta nakita ko lang yung kotse niya na nakaparada sa parkingan ng kotse.
Yung nangyari sa kanila ni Jael, ayun. Umuwing talunan yung lalaki dahil sa sinabi ba naman ng boss ko na girlfriend niya 'ko. Pero hindi daw susuko si boy at patuloy lang sa panliligaw sa'kin at sa bahay ko na daw siya pupunta sa susunod. Kaloka.
Naglalakad ako ditong mag-isa ng bumahing ako. Haist. Kanina pa ito nung maulanan ako eh. Medyo masakit pa naman yung ulo ko.
Bumahing nanaman ako at suminghot tapos umubo. Wala pa akong nakikitang sasakyan na dumadaan dito para matulungan ako.
May naririnig akong bumubulong sa may likod ko pero hindi ko ito pinansin at naglakad ng mabilis. Rinig ko ang yapak ng sino mang yon dahil sa basa ng tubig. Pero papatakbo palang sana ako nang bigla niya akong binuhat.
"Bitiwan—!!"
"Subukan mong magsalita iiwan kita ulit dito." Alam ko kung sino 'to. Bakit bumalik pa siya?
Pinasok niya ako sa passenger's seat at umikot siya papunta sa driver's seat. Narinig ko siyang huminga ng malalim at tumingin sa'kin tapos sa likod ng kotse niya. May kinuha siya doon at binigay sa'kin ang blanket niyang mkapal.
BINABASA MO ANG
Yulo Halverson
Romance"I'd like to wrap your legs around my head and eat you like a feed bag." - Yulo Halverson. She's Yulo Halverson. She has a naughty but grumpy attitude to everyone, except for her special people in her life. She's a traveler kaya halos lahat ng mga...