Ruel Panlilio
Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!
May 3, 2014
ruelpanlilio@yahoo.com
------------
ANG SARAP pala kapag maraming humahanga at nagagandahan sayo. Ang sarap maging sikat! ♥♥♥
Ang daming nagpapa autograph sayo, pinagkakaguluhan kapag nakikita sa labas o sa mall.
Haist! Salamat sa Boyfriend kong modelo, dahil sa kanya kaya ako sikat ngayon.
Pero paano ko ba naging Boyfriend si Lucas Marasigan? Hindi ko na rin matandaan e. Ahehehehe. Joke lang.
Ganito kasi yan. . Balikan natin ANG NAKARAAN....
Notre Dame of Greater Manila
High School pa lang kami ni Lucas ay sikat na sya sa campus. Sikat na modelo ng Hunger Underwear kasi e. Oo underwear, at that early age ay mukha na syang binata.
15 yrs old lang kami pareho.
Matangkad sya, Katamtaman ang laki ng katawan, maputi at makinis ang balat, at higit sa lahat chinito. ♥♥♥
Marami ang humahanga sa kanya, mapa-babae o beki ay talagang tulo laway sa pagpapapansin sa kanya.
Pero ako, never kong ginawa yun sa kanya. Bakit? Nahihiya kasi ako sa ichura ko baka okrayin nya lang ako at ng ibang fans nya pag nakigulo pa ako sa kanila.
Kaya mas gusto kong ilihim na lang ang pagka crush ko kay Lucas kesa tularan yung mga babaeng dikit ng dikit sa kanya. Nagmumukha tuloy silang cheap sa paningin ko. Cheap talaga! ahahaha
Ang totoo talaga nyan, naiinggit ako sa mga babae na yun. At sa tuwing nakikita kong tinititilian at nilalapitan si Lucas ng mga babae ay parang umiinit ang ulo ko sa kanila. Ewan parang selos yata 'to.
Wala namang dapat ikaselos dahil, una hindi naman kami magkasinatahn, pangalawa hindi naman nya papatulan ang mga babaeng yan ang lalandi e, at pangatlo mukhang hindi din nya ko papatulan. Kapal ko no? ahahahaha
Talaga naman kasing nakakalaglag panty si Lucas sa titig pa lang niya tila dinadala ka na nya sa langit.
"Hoy Alien, anong drama mo dyan? Titig na titig ka na naman kay Lucas!"
Boses mula sa likuran ko ang nagsalita. Kaklase ko palang anak ni lucifer. Epal sa lahat 'tong babaeng 'to e.
"Ano naman kung titig na titig ako kay Lucas? Apektado ka ba?" Mataray na sagot ko.
"Alam mo concern lang ako sa'yo Alien, baka kasi himatayin sya pag nakita kang nakatitig sa kanya."
"Oh thanks for the concern girl, but I'm not like you na naglalandi kapag nandyan si Lucas! I know my limitation and I know where to stand."
"Aba! Antipatika kang . ."
Akmang sasampalin nya ko pero nahawakan ko ang kamay nya.
"Subukan mong sampalin ako! Nang isumpa kitang maging kamukha ko!" Sabi ko habang hawak ng mahigpit ang braso nya.
"Aray!! Nasasaktan ako, bitawan mo ako!"
"Bibitawan kita pero huwag na huwag ka nang lalapit sa akin. Oras na asarin mo pa ko ulit isusumpa talaga kita!" Pagbabanta ko.
Sa puntong iyon ay nakita ko sa mukha nya ang takot, kaya imbis na sagutin nya ako ay tumango na lamang sya.
"Osige na, umalis na kayo sa harapan ko, kung ayaw nyong maging kamukha ako!" Pagtataray ko.
"Eewww! Kadiri ka talagang Alien ka!" Aniya habang mabilis na naglakad palayo sa harapan ko.
Natawa naman ako sa ichura nila. Naniwala talaga silang totoo ang sumpa. ahehehe.
By the way magpapakilala muna ko sa inyo, ako si Abigail Yang, half Korean, half Filipino. Dito ako ipinanganak sa Pilipinas at lumaki ng hindi nakagisnan ang ama.
Maagang nabyuda si Mama. Naiwan ang negosyo ni Papa sa amin at patuloy na pinalalago ni mama.
Marangya ang aming pamumuhay, at dahil nagiisa lang naman akong anak ay sunod ako palagi sa luho.
Halos nasa akin na nga ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang sakit ang dumapo sa akin, dahilan upang makatikim ako ng lait at alipusta sa aking mga kamag-aral. Pero lumalaban ako at hindi nagpapakabog.
Gaya nga ng nangyari kanina, ang isa sa pinaka bully sa klase namin ang napahinto ko sa pangaasar sakin.
Kung tutuusin, mas maganda pa nga ako sa lahat ng mga babae sa school, oo sa maniwala kayo at sa hindi. Kung hindi lang ako dinapuan ng sakit baka sikat din ako tulad ni Lucas. Ang sakit na ito ang nagpabago ng buhay ko. :(
Dinapuan ako ng sakit na kung tawagin ay Alopecia Areata . :'(
Alopecia areata is a type of hair loss that occurs when your immune system mistakenly attacks hair follicles, which is where hair growth begins. The damage to the follicle is usually not permanent. Experts do not know why the immune system attacks the follicles. Alopecia areata is most common in people younger than 20, but children and adults of any age may be affected. Women and men are affected equally.
Alopecia areata usually begins when clumps of hair fall out, resulting in totally smooth, round hairless patches on the scalp. In some cases the hair may become thinner without noticeable patches of baldness, or it may grow and break off, leaving short stubs (called "exclamation point" hair). In rare cases, complete loss of scalp hair and body hair occurs. The hair loss often comes and goes-hair will grow back over several months in one area but will fall out in another area.
Ang sakit na ito ang dahilan upang maging matatag ako sa buhay. Imbis na ikahiya ko ito ay mas lalo ko pang ipinangangalandakan na ito ako. kahit kamukha ko na ang buhok ni tweety bird ay hindi ako nahihiya. Sabi nga ng iba ANG TUNAY NA MAGANDA HINDI GUMAGAMIT NG RETRICA! AHAHAHAHA
At isa pa, buhok lang naman ang kinulang sakin, makinis ang balat ko at matangkad ako kaya wala silang mapipintas sa akin kundi ang pagkanipis ng buhok ko na parang exam, 1 seat apart. nawala rin ang kilay ko matapos akong dapuan ng sakit na ito.
Kaya nang tumuntong na ako sa High School, medyo kabado ako pero nilabanan ko yun kasi mas importante sa akin ang mag-aral kesa naman habambuhay kong ikahiya itong sakit na ito. This is it pancit! Kaya pasukan festival na. :))))))))))))))))))))
---------
Hi guys! ^^
kamusta naman dyan?
muli nagpapasalamat po ako sa mga nagbasa at sumuporta sa una kong likha ang Ako nalang kase ;)
---------
Eto na po ang pangalawa sa aking likha. Ang Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!
Godbless us! :)
- papaketchup21-
BINABASA MO ANG
Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!
Teen FictionSabi nila ang High School ang may pinakamasayang antas ng pagaaral. Sabi lang nila yun, kasi hindi ko masyadong ma enjoy ang pagaaral ko ngayon. Unfair talaga ang buhay, bakit pag kakaiba ang ichura mo ay ginagawa kang katawatawan ng iba at pag hi...