BFF NA KAMI ♥

157 3 0
                                    

HAIST! Ang bilis ng oras. Uwian na agad, nabitin ako sa kwentuhan namin ni Lucas.

"O pano Abigail mauna na ko sayo. Ingat ka." Paalam ni Lucas sa akin.

"Sige, ingat ka din sa pag uwi." Nakangiting sabi ko.

Grabeeeee! Kinikilig ako! Buti na lang talaga at isinumbong ko si Jennica kay Ms. Torres.

Kung hindi ko pala ginawa yun, hindi ko makakatabi si Lucas. Tadhana na rin siguro ang tawag dun. Echos! ahahaha. ^^

"O ano masaya ka ba Alien at finally nakatabi mo na ang crush mo?"

Si Jennica pala ang ngayo'y nakaharang sa daraanan ko at nakataas pa ang kilay na nakatingin sa akin kasama ang mga galamay nya.

"O well, hindi lang ako masaya. . Kundi, masayang masayang masaya! Naiinggit ka ba Jennica?"

"Bakit naman ako maiinggit sayo Alien? E katabi mo lang naman sya. At wag kang assuming na kaya mabait sya sayo ay dahil crush ka nya."

"Sorry girl, hindi ko inisip na may crush sya sakin. Ikaw lang ang nagiisip ng ganyan! Palibhasa trash can yang utak mo, madumi!"

"Oo, madumi ang utak ko Alien! Kasing dumi ng pagkatao mo!"

"Wow! Look who's talking? Malinis ka ba Jennica? Kasi sa pagkakaalam ko mas madumi ang pagkatao mo!"

"At talagang matabil ang dila mo ha! Girls!"

Pagkasabi ni Jennica nito ay hinawakan ako ng dalawang babaeng kasama nya sa magkabilang braso ko. At saka sinampal sampal at sinabunutan ang napakanipis kong buhok.

Ano man ang gawin kong piglas ay hindi ako makawala sa dalawang babaeng nakahawak sa akin.

Buti na lang at mahaba ang biyas ko kaya pagtadyak ko ay sapul sa sikmura niya si Jennica at napaluhod sya sa sakit.

Maya maya'y ang dalawang babae na nakahawak sa akin ang ngayo'y sumasabunot na rin sa akin.

"Tigilan nyo yan!" Sigaw ng lalaking papalapit sa amin.

Agad nyang itinulak ang dalawang babae upang makawala ako sa pagkakasabunot nila.

"Binabalaan ko kayo! Oras na saktan nyo pa ulit ang BFF ko ipakukuyog ko kayo sa mga tagahanga ko."

Si Lucas pala ang lalaking ito. Natatakpan kasi ng buhok ko ang mata ko kanina nung lumapit sya at umalalay sa akin.

Pagkasabi ni Lucas na ipapabugbog nya sina Jennica ay agad na kumaripas ng takbo ang mga ito.

Haist! Buti na lang dumating sya. Kung hindi baka nalamog na ko ng mga yun.

"Ayos ka lang ba BFF?" Nagaalalang anito.

Anong sabi nya? BFF? As in Best Friend Forever? Wiiiii! Ano ba yan kinikilig na naman ako.

"B-BFF ba kamo?" Nahihiyang sambit ko.

"Oo BFF! Bakit ayaw mo ba?" Pa-Cute na anito.

"Hindi naman, Medyo naiilang lang ako. Never kasi akong nagkaroon ng friend dito, ikaw lang."

"Ako din naman e, wala akong naging kaibigan dito sa school, ikaw lang."

Hala! Totoo ba 'to? O.o Parang hindi naman totoong wala syang kaibigan dito sa school.

"Weh? Sinungaling! Sa gwapo mong yan wala kang naging kaibigan?"

"Gwapo lang ako pero hindi ako sinungaling."

"Ahahaha! At talagang nagbuhat ka ng sarili mong bangko ha?"

"Sa totoo lang tayo syempre!"

"Ahahaha! Sige na nga!"

"So ano BFF na tayo?" Pa-cute na sabi nito sabay lahad ng kamay sa harapan ko.

Saglit na natigilan ako. Ngayon ko lang kasi sya natitigan ng malapitan.

Napaka gwapo nya nga! Pantay at mapuputi ang ngipin, mapula ang labi, matangos ang ilong at Chinito.

Bagay na bagay kami ni Lucas! Chinita din kasi ako e. Echos lang! Ahahaha. Pagbigyan nyo na ko kahit sa imahinasyon lang.

Alam ko namang hindi ako papatulan ni Lucas e. Sa ichura ko pa lang malayung malayo na ligawan ako nito.

"Uy! Natulala ka na dyan!" Natatawang anito.

"Ah. . Eh. . Sorry! Ganito kasi ako minsan natutulala." Palusot ko.

"So ano nga? Nangangawit na ko e. Tinatanggap mo na ba ko bilang BFF mo?"

"Opo! Tinatanggap ko BFF!" Sabay abot sa kamay niyang kanina pa nakalahad sa harapan ko.

"Yes! Finally may BFF na ako sa school!" Masayang sambit nito.

"Teka nga pala BFF akala ko nakauwi ka na?"

"Oo, dapat uuwi na talaga ko. Kaso nakalimutan ko yung isang notebook ko sa room natin. E nakita ko pinagtutulungan ka ng grupo ni Jennica kaya sumugod ako."

"Salamat ah!"

"Wala yun, maliit na bagay. At dahil ipinagtanggol kita samahan mo kong kunin yung notebook sa room natin."

"At talagang may kapalit ang pagtulong mo sakin ha?" Natatawang sabi ko.

Pagkakuha nya ng notebook ay patakbo kaming lumabas sa gate ng school. Dami kasing humahabol kay Lucas para magpakuha ng litrato. At yung iba naman ay gustong maka chansing sa kanya.

"Grabe! Ibang klase talaga ang kagwapuhan mo, pinagkakaguluhan."

"Hindi lang pinagkakaguluhan BFF, tinitilian pa. Ahehehe"

"Ahahaha! Edi ikaw na talaga Lucas Marasigan!"

"O tara sakay ka na sa kotche ko, ihahatid na kita sa inyo BFF."

"Nako hindi pwede BFF susunduin ako ng driver namin."

"Itext mo na lang! Tara na." Sabi nito sabay akay sa akin papasok sa sasakyan nya.

Wala na akong nagawa kundi itext ang driver namin na huwag na akong sunduin. Dahil Ihahatid na ako pauwi ng BFF ko. ♥♥♥

Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon