SA NGAYON. . . .

117 2 0
                                    

Kahit ayaw naming huminto sa pagaaral nina Lucas at Arnold ay napilitan kaming mag drop dahil kinuha na rin kami ng ilang mga sikat na clothing line companies upang gawing modelo.

Sabi nga ng ilang showbiz artists, ang pagaaral ay hindi mawawala pero ang oportunidad na maging sikat ay   nawawala.

"Baby ko, may isa pa pala akong sikreto sa iyo na hindi ko pa nasasabi." Pang-iistorbo ni lucas sa akin habang nagaayos sa dressing room..

"Ayan Baby ko ah, napakarami mong sikreto ah."

"Hindi Baby ko, huling sikreto na ito at promise wala na, last na itong ire-reveal ko sa iyo."

"Sige, Ano yun?"

"Natatandaan mo yung Audition ng Hunger sa school natin?"

"Oo naman! Memorable sa akin yun, dahil nanalo kami ni Arnold."

"Ako ang nag-fill up ng form mo para makasali ka sa audition."

Oo nga no? Ang tanga ko bakit hindi ko naisip na sya ang salarin kung bakit napasali ako sa Audition? E sya lang naman ang nakakaalam ng buong pangalan ko, edad kapanganakan at  address ko.

Kung matatandaan nyo hinatid niya ako sa bahay noong mapaaway ako sa grupo ni Jennica kaya nalaman nya ang address ko.

Well, ganun pa man nagpapasalamat na rin ako sa boyfriend ko, dahil sa ginawa nya, sikat na ako ngayon!

Nakakatuwa kapag nakikita kami ng mga tao, pinagkakaguluhan kami at talaga namang nakakataba ng puso kapag may nagpapa autograph at nagpapakuha ng picture.

Sa ngayon hindi namin kasama si Arnold dahil bantay sya sa ospital. Oo nasa ospital sya dahil nanganak na si Nikka.

Sa wakas tatay na si Arnold! Este si Lucas! Ay ano ba yan! Ang gulo no? Pero ganun pa man nakakatuwa dahil Magkakaibigan na kami despite na may nabuo sa pagitan nina Lucas at Nikka.^^

Ang importante nag mamahalan kami ni Lucas, at nagmamahalan sina Arnold at Nikka. ^^

I'm proud to say na ang dating Alien na nilalait sa school noon may jowang artistahin na ngayon! ♥♥♥♥♥

-----WAKAS-----

Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon