ISANG ANGHEL ANG NAGPAKILALA SAKIN! ♥

140 3 1
                                    

NASA loob ako ng library ngayon at kasalukuyang nagrereview. May oral recitation kasi kami kay Ms. Torres kaya ayokong maboljak sa klase.

Isa pa, paborito akong tawagin ni Ms. Torres sa klase nya para magrecite. Ewan ko ba, pero parang hindi mabubuo ang araw ni Ms. Torres kapag hindi ako tinawag sa klase nya.

Buti na lang at tyempong nasasagot ko ang mga tanong nya everytime na natatawag nya ko sa klase nya.

Pero minsan ang istorbo hindi mo talaga aasahang dumating. Isipin mo ba namang nagrereview ako biglang may kakalabit sa likod ko.

"Excuse me Miss pwedeng magtanong?" Sambit ng lalaking nakatayo sa likod ko.

Agad naman akong lumingon upang harapin ang lalaking umistorbo sa akin.

Kaso imbis na magsalita ako kung anong kailangan nya sakin e natulala na lang ako at napanganga.

Ang lalaking umistorbo pala sa akin ay isang anghel na bumaba sa lupa! Oo gwapong anghel ang nakaharap ngayon sa akin.

Isang gwapong nilalang na sa tagal ko nang nagaaral dito ay ngayon ko lang nakaharap ng malapitan.

"Hello Miss? Okey ka lang?" Anito habang niyuyugyog ang aking balikat.

OMG! Nakakahiya, nakita nya ang reaksyon ko. Tsk! Bakit naman kasi sa twing nakakakita ako ng gwapo ay hindi ko mapigilan ang matulala.

"Ah. . Oo okey lang ako. Ano nga pala kailangan mo sakin?" Sabi ko habang kinocompose ang sarili ko sa harap ni Arnold Perez.

Oo kung hindi nyo natatandaan, si Arnold ang isa sa nakalaban ni Lucas sa Prom. Isa pa nga ako sa pumalakpak sa kanya nung araw na yun e.

"Itatanong ko lang kung may nakita kang card reader dyan sa mesa mo? D'yan kasi ako nakaupo sa pwesto mo kanina kaya naisip ko baka naiwan ko d'yan."

"Ah. . Wala akong nakitang card reader dito e. Pagupo ko dito malinis na ang lugar e."

"Ganun ba? Sige salamat ah, by the way you look familiar. You're Abigail right?"

0.o

o.0

0.o

OMG! Kilala nya ko? Nakakaloka how did he know me?

"Kilala mo ako? Pero paano?" Takang tanong ko.

"Ahehehe. Ayan oh! Nabasa ko name mo sa I.D. mo." Natatawang sambit nito habang turo turo ang I.D. ko.

Saglit akong natigilan, nahiya ako kasi naman ang pagaakala ko ay kilala nya talaga ako. Pero natawa na rin ako kasi hindi ko naisip na naka I.D. kami kaya nabasa nya pangalan ko.

"By the way I'm Arnold Perez." Magiliw na pagpapakilala nya sabay lahad ng kamay sa harapan ko.

"I'm Abigail Yang." Aniko sabay abot ng kamay nya.

Grabeeee!!!! Ang lambot ng kamay nya. Parang kamay ng babae. Parang ayoko nang bitiwan ang kamay nya. ^^

Grabe! Kung ganito naman kagwapo ang iistorbo sa araw ko ay okey lang. Kahit hindi na ako makapag review at bumagsak kay Ms. Torres. ♥

Joke lang syempre. At dahil nakapagreview na naman ako edi i-entertain na natin ang isang anghel na bumaba sa lupa upang istorbohin ako.

"Nice meeting you Abigail Yang." Nakangiting anito sabay bawi ng kamay nya. "By the way what time ang out mo?" Dugtong na tanong nya.

"5:00 ng hapon, bakit?" Nagtatakang sabi ko.

"Sakto! Pareho tayo ng out. Yayayain sana kitang kumain sa labas."

OMG! Totoo ba ito? Sa tanang buhay ko, ngayon lang may nagyaya sa aking kumain sa labas.

Natutulala nanaman ako sa harap nya. Ang pogi nya lalo na pag ngumingiti sya.

"Hey! Ano? Okey lang ba? Sana pumayag kang kumaen tayo sa labas."

"Of course! Sige sige kaen tayo sa labas, basta treat mo ah? " Pagbibiro ko sa kanya.

"Oo naman syempre! Ako nga ang nagyayaya sayo e."

"Ahehehe. Osige payag ako." Walang halong pakipot na sabi ko.

"Osige! Sunduin kita sa class room nyo ha?"

"Sige sige."

"Okey see you later Abigail." Aniya sabay lakad palabas ng library.

Wiiiii! Unexpected itong araw na 'to. Isang anghel ang nagpakilala sa akin. At ngayon ay niyayaya pa akong lumabas.

Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon