NAKAKAASAR naman kung kelan periodical test namin at saka pa ako naleyt.
Pano na ba 'to. Kahit takbuhin ko pa ang hallway papunta sa room. Leyt pa din ako at baka kalahati na ng exam pagdating ko sa room.
Bahala na, kaya tumakbo pa din ako ng mabilis patungo sa room ko. At pagpasok ko ay todo hingi ako ng tawad kay Ms. Torres.
"It's okey Ms. Yang, hindi pa naman nagsisimula ang exam. Kasi nagdiscuss ako about JS Prom. Pumunta ka na sa upuan mo."
Pagkasabi ni Ms. Torres ay agad naman akong umupo. Buti na lang at may discussion ekek pa si Ms. Torres kaya nakaabot ako sa exam.
Wala naman akong pakialam sa JS Prom. Hindi din naman ako um-attend last year e.
Baka kasi laitin lang ako dun, although naiingit ako sa mga kaklase ko kapag pinaguusapan nila ang about sa prom.
"Bakit ka leyt BFF?" Bulong nito pagkaupo ko sa tabi nya.
"Napasarap tulog ko e."
"Ako ata napanaginipan mo kaya napasarap tulog mo e." Biro nito.
"Ahahaha. Kahit napagod ako kaka-review? Ewan ko sayo Lucas!" Natatawang sabi ko.
"Ahehehe. Pakopya ako BFF ah!"
"Ano ka sineswerte?"
"Joke lang! Nagreview din ako kala mo dyan."
"Yun naman pala e, ako na lang pakopyahin mo."
"Belat! Manigas ka dyan!"
"Pataasan na lang ng score sa exam oh?" Pagyayabang ko pa.
"Osige, pag nanalo ako lahat ng gusto kong ipagawa sayo, gagawin mo ha?."
"Hala parang ang hirap naman nun! Tsaka pano kung ayaw ko yung ipapagawa mo?"
"In just one day lang naman yun BFF, pag ikaw naman ang nanalo, ipagawa mo din sakin yung gusto mong gawin ko."
"Osige na nga in just one day lang naman."
Ilang sandali lang ay nagsimula na ang aming exam. Hindi kami pwedeng magkopyahan ni Lucas dahil magkaiba ang test paper namin. Set A ako at Set B naman sya.
Kinakabahan tuloy ako sa pustahan namin, paano kung mas madali pala ang set ng exam niya?
Haist! Bahala na nga. Bigla naman akong kinabahan pagbuklat ko ng test paper. Wala sa reviewer ko ang first 10 questions na nakasaad sa test paper.
Kesa maubos ang oras ko sa kakaisip ng sagot dito, ay linagtawan ko muna at ang sumunod na pahina ang sinagot ko.
SCHOOL CANTEEN
"O marami ka bang naisagot sa exam BFF?" Tanong ni Lucas habang kumakain kami ng tapsilog.
"Sakto lang BFF, yung iba kasi hinulaan ko."
"Ay bakit? Akala ko ba nagreview ka?"
"Oo nga nagreview ako, kaso yung ibang question na lumabas sa exam e hindi ko nareview."
"Ah. . Okey. . Maghanda ka na BFF dahil mukhang ako ang mananalo sa exam."
"Yabang mo!" Natatawang sabi ko. "Nga pala BFF ano yung tungkol sa JS Prom? Bakit kelangan idiscuss pa ni Ms. Torres?"
"Ah! Yun? Sabi kasi ni Ms. Torres magkakaroon daw ng game sa prom."
"Anong game?"
"Kung sino daw ang magiging Prom King sa event, sya mismo ang pipili ng tatlong babae para sa game."
"Ano nga yung game?"
"Parang blind date questions! Magbibigay ng ilang katanungan si Prom King na sasagutin ng tatlong babae. Sa tatlong yun isa lang ang pipiliin ni Prom King."
"Wow! Interesting naman yun!" Kinikilig na sabi ko. Habang iniimagine na kasali ako sa game.
"Kaya ipanalangin mo na ako ang tanghaling Prom King, para isa ka sa tatlong pipiliin ko." Pa-cute na wika nito.
"Nako BFF ayoko, isa pa hindi naman ako umaattend sa mga ganyan."
"Bakit?"
"Tinatanong pa ba yun? Tingnan mo nga ichura ko kung bagay sa Prom?"
"Alam mo masyado mong minamaliit sarili mo BFF."
"Hindi naman sa ganon, ayoko lang mapagtawanan ako ng mga kaklase natin."
"Kung tutuusin BFF, total make over lang ang kulang sayo, matangkad ka at maputi, Pag inayusan ka maganda ka."
Ayiiiii!!! Maganda daw ako sabi nya. So ano ibig sabihin nito? Hmmmm. Ayokong bigyan ng meaning. Ahehehe
"O ano pupunta ka na ba?" Seryoso at simpatikong tanong nya sakin.
"Hindi talaga BFF ayoko."
Sa puntong iyon ay hinawakan nya ang kamay ko. Seryosong tumingin sa akin at sinabi...
"BFF umattend ka na please?, pangako isasayaw kita sa prom."
O.O
O.O
O.O
Natulala naman ako sa sinabi nya. Isasayaw nya daw ako sa prom???
"Ano na BFF? Tulala ka na dyan!" Untag ni Lucas.
"Ah. . Ehh. ."
"Anong Ah. . Eh. . Aattend ka na ba sa prom?"
"Sige na nga! Basta wag mo kong iiwan ah. Pag iniwan mo ko uuwi ako agad."
"Oo pramis! Hindi kita iiwan. Magsasayaw tayo magdamag."
"Magdamag talaga? Ahehehe."
"Oo naman! BFF kita e. ."
"Excuse me lang ha, Lucas pwede ba kitang makausap?"
Mataray na pangiistorbo ni Jennica sa aming table.
"Tungkol saan?" Ganting tanong ni Lucas.
"Pwede sa labas tayo magusap?" Sabi ni Jennica at hinila na palabas si Lucas.
"Saglit lang BFF, babalikan kita dyan."
"Okey." Nakangiting sagot ko.
Pagkalabas nila ng canteen ay hindi na napalis ang ngiti sa labi ko. Kasi naman para kong tumama sa lotto.
Akalain mo bang yayayain ka ng crush mo na umattend sa JS Prom at isasayaw ka pa nya magdamag. Take note, MAGDAMAG! ♥♥♥
Ayiiiiiiii!!!!! Hindi tuloy ako makapag hintay na dumating ang araw na 'yun! ♥♥♥
Pero maiba tayo, ano naman kayang problema ni Jennica? Bakit kelangan pang magusap sila in private ni Jennica?
Nahihiwagaan tuloy ako.
BINABASA MO ANG
Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!
Teen FictionSabi nila ang High School ang may pinakamasayang antas ng pagaaral. Sabi lang nila yun, kasi hindi ko masyadong ma enjoy ang pagaaral ko ngayon. Unfair talaga ang buhay, bakit pag kakaiba ang ichura mo ay ginagawa kang katawatawan ng iba at pag hi...