ANG UNA'T HULING PAGTUTUOS!

147 4 0
                                    

PAGKARINIG ko ng bell ay mabilis kong inayos ang aking gamit upang dumirecho sa canteen.

Yes, tama kayo ng dinig. Sa canteen na ako kakain ngayon. Alam ko kasing tatambay si Lucas dito sa room kaya sa canteen na lang ako kakain at tatambay habang break time.

Ayoko s'yang makasama no! At isa pa, confident na akong ipangalandakan sa labas ang ichura ko.

Aktong lalabas na ako sa loob ng room nang bigla akong hawakan sa braso ni Lucas.

"Pwede ba tayong magusap BFF?" Seryoso at masuyong tanong nya.

"Sorry ha, my Mama told me not to entertain strangers like you." Sarkastikong sabi ko habang nakataas ang kilay.

"Estranghero na ba ako sayo Abigail?" Malungkot na sambit nya

"Well, I didn't mean it. Sorry, but do we know each other?" Ngiting nangaasar na sabi ko.

"Bakit ganyan ka? Ano bang problema mo?" Seryoso at pasigaw na sabi nito.

"H'wag kang sumigaw hindi ako bingi kuya!" Ganting sigaw ko sa kanya.

"Anong kuya? Magkaedad lang tayo. Grrr! Nakakaasar ka na Abigail! Bakit ka ba ganyan sakin? Ano bang ginawa ko?"

"Ayt! Bakit ako tinatanong mo? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?"

"Kaya nga e, pagusapan natin yung problema!"

"Hay nako sinasayang mo lang ang oras ko boy. Nagugutom na ko." Aniko at aktong lalabas na sa room.

"Alam ko masama ang loob mo sakin dahil hindi kita naisayaw sa prom." Sabi niya sa malungkot na boses. "Sana mapatawad mo ako at maintindihan mo kung bakit mas pinili ko si Jennica kesa sayo." Dugtong pa nya sabay hawak sa balikat ko.

Bigla akong natigilan sa paghakbang. Nanginginig ang buo kong katawan sanhi ng pagtitimpi ng galit.

Sa tingin nya mapapatawad ko sya agad? Hello! Sya ang nangako ng mga ganung bagay tapos hindi nya tutuparin. Kaya walang sorry sorry sakin!

Sa puntong iyon ay hinarap ko na sya dahil naisip kong ito na ang aming pagtutuos! Kaya pilit ang mga ngiti ko, sabay sabing. .

"Walang problema sakin kung mas pinili mo sya. At wala na tayong dapat pang pagusapan. Layuan mo ako dahil hindi na kita kaibigan!"

"Iyan ba talaga ang gusto mo?"

"Oo, kaya tigilan mo na ko at huwag mo na kong tatawaging BFF dahil wala kang kwentang kaibigan!"

"Para namang ang laki ng kasalanan ko para magalit ka sa akin ng ganyan! Hindi ko lang nagawang isayaw ka at piliin ka bilang Prom Queen nagkakaganyan ka na."

"Oo ganito talaga ako Lucas!"

"Kung makaasta ka parang girl friend kita ha!"

"Dahil wala kang isang salita Lucas! Alam mo ba yun? Wala kang isang salita!"

Sa puntong iyon ay hindi ko na napigilan pang umiyak. Para sa kanya pala, maliit na bagay lang ang hindi nya pagtupad sa pangako nya.

"Kung para sayo Lucas maliit na bagay lang yung hindi mo pagtupad sa pangako mo, sa akin malaking bagay yun! At hindi ako umaastang daig pa ang girl friend mo dahil ito ang ugali ko sa mga taong walang pagpapahalaga sa kapwa! Kaya magsama kayo ni Jennica!" Madiin at matigas na sambit ko kay Lucas.

"Yan ba ang gusto mo? Sige pagbibigyan kita!" Seryosong sambit nya.

Pagkasabi nya nito ay agad na akong tumalilis patungong canteen. Hindi ko na kasi kaya ang tensyon at damdaming pinipilit kong ikubli.

Pero dahil sa kakulitan nya ayan! Naibuhos ko tuloy ang sama ng loob ko. Pero kulang pa yun dahil nagtitimpi ako.

Oo nagtitimpi pa ako nun dahil nasa class room kami. At alam kong hindi yun ang tamang lugar para awayin sya.

Sana nga tuluyan na syang lumayo sa akin. Dahil kung hindi nya gagawin yun, masusundan ang aming pagtutuos.

Sana ito na ang una't huli naming pagtutuos.

------------

good evening guys! :)

Papaketchup here!

pasensya na kung medyo natagalan ang paga-update ko ah. Naospital kasi papa ko but now okey na sya at makakalabas na sya today. :)

keep on reading guys!

salamat po ♥

Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon