FIRST DAY of pictorial namin ni Arnold sa Hunger, kaya maaga pa lamang sa itinakdang oras ay naroon na kami.
Halong kaba at excitement ang nararamdaman namin pareho ni Arnold.
"This is it Abigail! We are now a real model!" Masayang ani Arnold.
"Yes it is!" Kinakabahang aniko sabay hawak sa kamay nya.
"Bakit?" Nagaalalang tanong niya.
"Wala, basta wag kang lalayo sa tabi ko." Kinakabahan pa ding sagot ko.
"Nyek! Paano kung hiwalay tayong kukuhanan ni Direk?"
Hindi ako nakasagot sa tanong nya. Mas lalo tuloy humigpit ang hawak ko sa kamay nya.
"Huwag kang magalala, susuportahan kita kapag hiwalay tayong kinuhanan." Lambing na wika ni Arnold.
"Sabi mo yan ah? Salamat."
Matapos ang ilang oras na paghahanda ay dumirecho na kami sa loob ng studio.
Mahigpit pa din ang hawak ko kay Arnold. Kasi naman ayaw mawala ng kabog ng dibdib ko.
"Hi guys! I'm Drew and I would be your Director for today. So wag na nating patagalin 'to, let's start!"
Hala! Nagmamadali naman masyado si Direk. Bigla nanaman lumakas ang kaba sa dibdib ko nang pumosisyon na si Direk sa pwesto nya at inakay na kami muli ng mga staff para magpalit ng suot.
"Ow! My! Eto ang isusuot ko?" Pabigla kong tanong sa babaeng nagbigay sakin ng two piece.
"Bakit? Hindi ka ba aware? Hello! Pangalan pa lang ng company alam mo nang iyan ang product dito!" Pataray na sambit sakin ng babaeng maganda pero malaki ang tiyan, buntis e.
"Sensya na po nabigla lang." Pagpapakumbaba ko.
Buti na lang buntis sya dahil kung hindi baka pinatulan ko sya. Ganun naman talaga kasi pag buntis, nagkakaroon ng tinatawag na "mood swing"
Ano kayang posisyon nya dito? Hindi naman sya mukhang staff. Hindi din mukhang crew. Hindi din sya naka-uniform kaya nakakaintriga sya.
Matapos kong makapagpalit ng suot ay hiyang hiya talaga akong lumabas dahil masyadong revealing ang top na suot ko.
Mabilis na tinungo ko ang studio nang nakayuko. At dahil nga nakayuko ako ay nabangga ako sa likod ng lalaking mala pader sa tigas ang likod.
"Okey ka lang?" Seryosong boses ng lalaking nabangga ko.
"Opo okey lang ako, pasensya na po hindi ko kayo napansin." Sagot ko habang nakayuko pa rin. Aktong
papasok na ako sa loob nang bigla nya akong hawakan sa braso.
"Sigurado ka bff okey ka lang? Bakit namumutla ka?" Tanong nya ulit na may halong concern.
This time ay unti-unti akong nag-angat ng mukha upang harapin ang lalaking may hawak sa kamay ko.
"Sabi nang okey lang ak...."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil mabilis na kinabig ako ni Lucas palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.
"Miss na miss na kita bff, tandaan mo 'tong sasabihin ko. Kapag kinabahan ka hawakan mo lang ang kamay ko."
Pagkasabi nya nito ay hindi ko namalayang nakayakap pala ako sa kanya.
"Namiss ko rin yang yakap mo bff." Natatawa-tawang sabi pa ni Lucas.
Kaya sa kabiglaan ko ay naitulak ko sya at lalo akong pinamulahan ng mukha ng makita kong naka underwear lang sya at bakat yung tuuuttt nya. O.O
"Bakit bff? Galit kapa din ba sakin?"
"Magdamit ka nga! Nakakahiya ka!" Wala sa sariling sambit ko sabay pasok sa loob ng studio.
Pagpasok ko sa loob ay pina pwesto na kaming tatlo ni Direk. Hindi pa man nagsisimula ay napahawak na ako sa kamay ni Lucas.
Hinawakan din niya ang kamay ko ng mahigpit, na ang kahulugan ay wag akong kabahan.
At dahil ramdam ko pa din ang kabog ng dibdib ko ay humawak din ako sa kamay ni Arnold at ganun din ang ginawa nya, hinawakan din ako ng mahigpit upang iparamdam na wag akong kabahan.
1st shoot, si Lucas sa aking kanan, ako sa gitna, at si Arnold sa aking kaliwa.
2nd shoot, magkaharap kami ni Lucas habang hawak nya ang pisngi ko, si Arnold ang nasa likod ko pero magkawak kamay.
At marami pang pinagawa si Direk sa amin.
Habang tumatagal ang pictorial ay nagugustuhan ko na ang aming ginagawa.
Salamat sa aking dalawang gwapong leading man. Leading man daw oh? Ahehehe. Salamat sa pagiging supportive nila sa akin.
Kung hindi dahil sa kanilang dalawa baka hindi ko nagawa ng maayos ito. Well, all I can say is I love the pictorial much! ♥
BINABASA MO ANG
Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!
Teen FictionSabi nila ang High School ang may pinakamasayang antas ng pagaaral. Sabi lang nila yun, kasi hindi ko masyadong ma enjoy ang pagaaral ko ngayon. Unfair talaga ang buhay, bakit pag kakaiba ang ichura mo ay ginagawa kang katawatawan ng iba at pag hi...