OMG! BAKIT KASALI AKO? 0.o

152 2 0
                                    

MATAPOS na kumain kaming dalawa ni Arnold sa canteen ay napukaw ang aming atensyon sa umpukan at kaguluhan ng mga estudyanteng nasa harap ng bulletin board.

Dahil sa kuryosidad kaya agad kaming pumunta sa lugar nila at naki-usyoso.

"Anong meron?" Tanong ko sa babaeng nasa harapan ko.

"Magkakaroon nang audition for girls and boys ang Hunger Underwear dito sa campus natin. Mamayang 5:00pm ang start, si Lucas ang Judge."

"Wow! Ang galing naman, Arnold sumali ka mamaya ah? Patunayan mo kay Lucas na mas magaling ka at mas gwapo sa kanya!" Pagmamalaking kayag ko.

"Ahehehe. Wala sana akong balak sumali e, pero dahil sinabi mo sige sasali ako."

"Talaga?"

"Yup!"

"Yahoo!" Masayang sambit ko.

Balak ko kasing ipakita kay Lucas kung gaano ko sinusuportahan ang isang kaibigan gaya ni Arnold.

Gusto kong manghinayang sya sa isang tulad ko na daig pa ang kapatid kung magmahal sa kaibigan.

HUNGER UNDERWEAR AUDITION

"Bigla naman akong kinabahan Abigail."

"Bakit?"

"Wala lang baka kasi hindi ako manalo e."

"Nyek! Ano ka ba? Nakalimutan mo na bang isa ka sa mga tinitilian dito sa campus? Negative naman agad ang nasa utak mo. Tiwala lang mananalo ka. Tsaka isipin mo na lang na kunyari sumali ka ulit sa Prom King."

Ilang saglit lang ay nagsimula na ang audition. Isa-isang tinawag ni Lucas ang mga sumali sa audition.

Nagsimulang pinarampa sa runway ang mga lalaki wearing casual.

Mahigit sa labing lima ang mga kalahok kabilang si Arnold. At talaga namang dumadagundong ang auditorium sa tilian at palakpakan ng mga kababaihan at kabadingan.

Malaki ang lamang ni Arnold sa mga kalaban nya dahil halos lahat ng mga tao sa auditorium ay pangalan nya ang isinisigaw.

Matapos ang rampahan ay isa-isa na nagpakilala ang mga kalahok. At nang si Arnold na ang magpapakilala ay talagang sumigaw ako ng malakas kasabay ang iba pang tao sa auditorium.

"Go! Arnold! You're the best!" Malakas na sigaw ko sa harap ng entablado.

Sa puntong yun ay nginitian ako ni Arnold at kinindatan. Bigla naman akong nailang sa ginawa nya kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Pero sa pagiwas ko kay Arnold ay nagtama naman ang paningin namin ni Lucas na nakaupo sa gitna ng Auditorium.

Matalim ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Ano kayang problema nya? Lakas tama ang peg.

Siguro naiinggit sya dahil sa ginawa kong pag cheer kay Arnold. Well, ibig sabihin gumagana ang mga plano ko. Apektado sya sa ginagawa ko. ahehehe.

Mamaya naman ipapakita ko sa kanya kung gaano ako mag-care kay Arnold.

Matapos ang pagpapakilala ay sumunod ang pagrampa nila wearing underwear provided by Hunger Underwear.

Lalong lumakas ang ingay at tilian sa loob ng auditorium. At sa puntong ito ay wala na akong ibang naririnig na isinisigaw na pangalan kundi Arnold! Arnold! Arnold!

Grabe! Ang swerte ko naman pala at isa ako sa mga kaibigan nya. Imagine yung iba pinapangarap lang sya pero ako nakakausap at nakakasama ko pa araw araw. ♥♥♥

Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon