"OMG! Hindi ako makapaniwala! Ako ba talaga 'to?" Sabi ko sa sarili habang nakatingin sa salamin ng aking banyo.
Oo nga pala nakalimutan ko, nagpatattoo nga pala ako ng kilay kay Calayan at nagpawig ako kay Ignacio.
Medyo hawig kami ng style ng buhok ni Vice Ganda. Medyo manipis na talaga kasi ang buhok ko sa left side ng ulo ko kaya ni-razor ito at saka ako tinahian sa anit ng mahaba at makapal na wig.
Grabe walang halong eksaherasyon. Kamukha ko na si Sandara. Oo totoo kamukhang kamukha ko na sya.
Kaya nga hindi ako makapaniwala hanggang ngayon na nakatitig pa din ako sa salamin ng aking banyo.
"Anak tapos ka na bang maligo? mahuhuli ka na sa klase mo." Istorbo ni nanay sa labas ng banyo ko.
"Opo Mama magbibihis na lang ako."
This is it! Humanda silang lahat sa pagbabalik ko. Hindi na ako magpapalipat ng section.
Gusto ko kasing makita ang reaksyon ni Jennica at Lucas kapag nakita nila ang bagong ichura ko.
Let the Battle Begin!
Pagpasok ko sa loob ng school ay napansin ko agad ang mga tingin ng mga nakakasalubong ko sa hallway.
Tingin na namamangha, tingin ng NAGAGANDAHAN. ^^
At narinig ko pa nga ang bulungan ng dalawang babae.
"Artista yan di ba? Kilala ko yan e. Pamilyar sya e, pero bakit kalahati na ng taon saka pa sya pumasok?"
Yan lang naman ang narinig kong usapan nila. Grabe naman! Lumalaki tuloy ulo ko e. ahehehehe
Partida wala pa kong makeup nyan pero arstistahin na pala ang tingin nila sakin. Bawal ang makeup sa school.
Paano naman kaya kung sina Lucas at Jennica ang makakita sa akin? Hmmm.
Bago ako pumasok sa loob ng class room ay inayos ko muna ang aking sarili at taas noong dumirecho sa aking pwesto.
Gulat ang lahat ng mga kaklase ko. At lahat ng kalalakihan, take note! LAHAT ng kalalakihan ay nakatitig sa akin. Nganga ang peg nila.
Lalo na ang lalaking katabi ko. Oo si Lucas, nganga at nakatulala sa akin ng dumaan ako sa harapan nya para makaupo sa pwesto ko.
"BFF? Ikaw na ba yan?" Bulong nya sa akin.
Pero kunyari hindi ko sya narinig. Nilabas ko ang cp ko at naglaro ng flappy bird. Deadma lang tayo syempre. Baka akala nya BFF pa kami. Hindi na noh!
"BFF??" Bulong nya ulit.
Pero hindi ko pa din sya pinansin, kunyari abala ako sa paglalaro.
"Omg! Alien is that you? In fairness bagay sayo ang new look mo." Magiliw na bati nya sakin. Si Jennica na kararating lang din.
Himala! Ang ganda ng mood nya. At talagang hindi sarkastiko ang pagkakasabi niyang bagay sakin ang new look ko. Ano kayang nakain nya?
"Thank you girl." Sagot ko na lang sa kanya at nagpatuloy ako sa paglalaro ng flappy bird.
"Anyway, hindi mo ba kami iko-congratulate ni Lucas? Kami ang Prom King and Queen." Aniya habang nakahawak pa ang kamay niya sa braso ni Lucas.
"Wow! Congrats ah." Bati ko nang hindi tumitingin sa kanila. Busy kasi ko sa paglalaro ng flappy bird e.
"You're welcome Alien!" Aniya sabay talikod na sa amin.
"BFF? Pansinin mo naman ako. ."
Bulong ulit nya sa tenga ko pero hindi ko pa din sya pinansin. Feeling close sya pagkatapos nya kong deadmahin sa Prom.
Iniisip ko na lang na he's not existing. Tsaka sino ba sya? Hindi ko na sya kilala kaya. Ahehehe.
Nabigla na lang ako ng kunin nya ang cp ko.
"Ano ba? Akin na iyan! Bring my gadget back!"
"O! edi napansin mo rin ako." Pa-cute na sabi nya habang iniiwas nya na makuha ko sa kamay nya ang cp ko.
"Ibalik mo na sakin yan!" Iritableng sigaw ko.
"Ano ba yan ang ingay nyo!" Reklamo ni Jennica.
"Magiingay ako hanggat hindi ibinibigay neto yung cp ko!"
"Ibalik mo na nga kay Alien yung cp nya babe." Lambing ni Jennica kay Lucas.
Ano daw? Babe? Ibig bang sabihin nito sila na? Magjowa na sila? hmmm.
Bakit nang marinig ko sa bibig ni Jennica ang mga katagang yun ay lalong uminit ang ulo ko.
"Ibabalik mo ba yang cp ko o tatadyakan kita dyan?"
"Hindi ko ibabalik sayo to hanggang. . ."
Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya dahil nagulat sya nang hilahin mismo ni Jennica sa kamay nya ang cp ko at iabot sakin.
"O ayan na Alien, masaya ka na? Siguro naman ititikom mo na yang bibig mo!" Naiiritang sabi nito.
"Bakit ka ba nangingialam Jennica? Papansin ka masyado!" Iritableng sabi naman ni Lucas kay Jennica.
"Ginawa ko yun dahil si Ms. Torres kanina pa kayo tinitingnan dalawa."
Ayt! Hindi namin namalayang andyan na si Ms. Torres. Nakakahiya kasi para kaming nagbabasketball na pinipilit kong agawin ang bola sa kamay ni Lucas.
"Kung gusto nyong maglaro dun kayo sa labas h'wag dito sa klase ko!"
"Sorry po Ma'am." Sambit ni Lucas.
"No problem Mr. Marasigan, basta h'wag nyo nang uulitin." Lambing na sagot ni Ms. Torres.
Langyang teacher to, pumi PBB Teens ang peg.
Pero mabalik tayo sa dalawa. Babe kaya ang CallSign nila? Nakakaselos naman kahit papaano.
Kaya pala pinili ni Lucas si Jennica kasi magjowa na sila. Pero bakit jojowa na lang sya, sa mortal na kaaway ko pa?
Pero ngayon wala na kong pakialam sa kanila, dahil maganda na ako at gaya nga ng sinabi ko sa labas ng hallway noon, na kapag ako gumanda, who you ka sakin.
Naguumpisa pa lang ako, Lucas! Naguumpisa pa lang!
BINABASA MO ANG
Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!
Teen FictionSabi nila ang High School ang may pinakamasayang antas ng pagaaral. Sabi lang nila yun, kasi hindi ko masyadong ma enjoy ang pagaaral ko ngayon. Unfair talaga ang buhay, bakit pag kakaiba ang ichura mo ay ginagawa kang katawatawan ng iba at pag hi...