SA WAKAS AAMIN NA SI LUCAS!

112 2 0
                                    

NAGDAAN ang oras, araw at bwan! Nagbunga ang pinaghirapan namin nina Lucas at Arnold.

Kung noon ay tinatangkilik ang produkto ng Hunger dahil kay Lucas, ngayon  ay mas tinangkilik ito nang ilabas nila ang billboard naming tatlo sa kung saan saang lugar.

At dahil dito ay nagkaroon kami ng Victory Party at nagkayayaang maginuman ang lahat sa condo ni Lucas.

Oo sa condo ni Lucas, kahit anong tanggi ko hindi daw pwedeng wala ako dun sabi ni Direk. Kaya wala akong nagawa kundi ang pumunta sa condo.

Wala kasi silang alam sa pinagdadaanan namin ni Lucas, at ayokong malaman nila na hindi kami magkasundo baka maapektuhan ang trabaho namin.

Pagpasok ko doon ay nabungaraan ko agad si direk na medyo nakainum na. Namumula na yung mukha nya e.

"Hello Abi my dear!" Bati ni direk sabay halik sa aking pisngi. "Akala ko hindi ka darating e, nakahanda na yung talak ko sayo bukas kung di ka nagpunta e."

"Actually yun nga po ang dahilan kaya nagpunta ako dito, ayokong matalakan mo ko sa next collaboration natin. Ahehehe."

"Mabuti naman kung ganun! Pumunta kana sa kusina and get your drink nandun sina Lucas at Arnold nagba-bonding."

Huh? Ang pagkakaalam ko hindi sila close, pero bakit ngayon nagba-bonding sila? hmmmm.

Dahan-dahan kong tinungo ang kusina at malayo pa lang ay naririnig ko na ang tawanan ng dalawang barako. Tila nasa comedy bar kung tumawa ang dalawa.

Sumilip ako sa pintuan ng kusina at napansin agad ako ni Lucas.

"Hey! Andyan kana pala tara join with us." Masayang akig ni Lucas.

Agad naman akong pumasok at kahit may isa pang upuan sa tabi ni Lucas ay dumirecho ako sa tabi ni Arnold at sumiksik.

"O bat sumisiksik ka d'yan? Eto yung upuan oh!" Natatawa-tawang sabi ni Lucas.

"Oo nga Abigail para hindi ka mahirapan sa pagkakaupo." Natatawa na ring ani-Arnold.

Sa puntong iyon ay nakaisip ako ng ideya kung paano ko aasarin si Lucas. Ipapakita ko kung gaano ako ka-sweet sa kaibigan.

"Eeee, ayaw gusto ko sa tabi mo lang."

"Wow! Ang sweet!" Pambubuyo ni Lucas.

"Oo Bro sweet talaga 'tong kaibigan natin e." Sambit ni Arnold.

"Sweet ba? Sa akin kasi hindi sya ganyan ka-swee..."

"Saan ba nakalagay yung ladies drink mo Lucas? Can you get one for me?" Sabat ko agad para hindi na matuloy ni Lucas ang sasabihin nya.

Alam ko na kasi kung anong pupuntahan ng usapan nila e. Ako ang malalagay sa alanganin.

Tsk! Wrong moved ako, bat kasi nag-sweet sweet-an pa ako kay Arnold e. Awkward much kung sakaling natuloy ni Lucas yun.

Agad namang tumungo si Lucas sa kanyang ref at naglabas ng ladies drink.

Lumapit sya sa harapan ko at iniabot ang hawak na bote ng alak sa akin at bumalik na sya sa upuan nya.

Para namang may dumaang anghel sa harapan namin. Bakit kamo? Aba biglang tumahimik ang kapaligiran e.

Kung kanina maririnig mo ang malulutong na tawanan ng dalawa, ngayon parang kabaligtaran kasi pareho na silang nakatahimik at nakatingin lang sakin.

"O bakit nakatingin kayo sakin? May pangit ba sa suot ko? O sa makeup ko?" Nagtatakang tanong ko.

"Ah wala naman, natutuwa lang kami sayo." Sabay na sambit nila.

"Bakit?"

"Kasi ang laki na ng transformation mo." Si Lucas ang nagsalita.

"What do you mean?"

"What I mean is, Napakalaki na ng ipinagbago mo."

"Yes! I know, ginawa ko yan para sayo!"

"What??" Sabay na sambit ng dalawang lalaking kasama ko sa loob ng kusina.

Nakakalokang dila naman kasi 'to! Walang preno sa pagtatalak. Nasabi ko tuloy ang dahilan kung bakit ako nag-aksaya ng panahon na magpaayos at magpaganda.

Kundi dahil sa pambabalewala nya sakin nung JS Prom, hindi ko magagawang magpaganda. Salamat na rin dahil sa nangyari samin, naging matatag ako at ito na ako ngayon kapantay nya na kasikatan.

"Ah. . Ee. . Never mind. Tara uminom nalang tayo."

"Hmm. Umiiwas ka lang sakin e. Alam ko galit ka pa din sakin Bff."

Hindi ako sumagot. Bagkus ay tumungga ako ng alak na hawak ko.

"What if maglaro tayo ng spin-a-bottle? Kung kanino matapat ang dulo ng bote mamimili sya either Truth or Dare." Si Arnold ang nagyayaya

"Wow! I like your idea bro, game ako dyan." Excited na sambit ni Lucas.

"Sige sali ako." Kalmado at walang reaksyong sagot ko.

Unang spin ng bottle ay huminto kay Lucas. At ang napili nya ay truth. Syempre ako ang pinagbato ng question ni Arnold sa kanya, ladies first ika nga.

Dahil dyan nakaisip na agad ako ng itatanong kay Lucas. Nakahugot na ako ng paraan para maglabas ng hinanakit. Nakainum na rin naman ako kaya mas madulas na dila ko ngayon.

"Bakit mo ko binalewala sa JS Prom?" Walang kaabog-abog na tanong ko sa kanya.

"Wow! A tough question coming to Abigail bro." Natatawang sambit ni Arnold.

Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Lucas, maging si Arnold ay napansin ang biglang pagkaseryoso sa mukha nito.

"Ow! I smell somethings fishy, Ahmm. Exit muna kaya ako para makapag usap kayo."

Aktong tatayo na si Arnold ay pinigilan ko sya.

"No Arnold dito ka lang, this is only a  game right? Nothing's personal so please answer the question Lucas! Anong totoong rason, bakit mo ako hinayaang magisa sa Prom?"

Napayuko si Lucas at maya-maya ay nagsalita rin sa matigas na paraan. Tila nagpipigil ng emosyon.

"Nagawa ko yun dahil ayokong mapahamak ka!"

"What?" Takang tanong ko.

"May maitim na balak si Jennica sa atin."

"Ano? Naguguluhan ako!" Iritableng sabi ko.

"Mabuti pa lumabas na muna ako, magusap kayong mag-BFF, dito muna ko sa labas kakausapin ko muna si Nikka my crush. ahehehe" Tatawa-tawang sambit ni Arnold.

Hindi ko na pinigilan si Arnold, siguro nga kaya ayaw magsalita ng maayos ni Lucas ay dahil nahihiya ito sa presensya ni Arnold.

"Oh ayan tayong dalawa na lang, speak up!" Seryosong sabi ko.

Humugot ng malalim na hininga si Lucas, kinuha ang boteng pinaglaruan namin at pinaikot nya ulit.

"That time, sinabihan ako ni Jennica na iwasan kita sa Prom at huwag piliin sa game program."

"Bakit?"

"Dahil kapag hindi ko daw sya sinunod, ibubulgar nya ang lihim ko."

"Anong lihim?" Mabilis na tanong ko.

Agad syang napabuntong hininga, muling pinaikot ang boteng walang laman. At mapapansin mong humuhugot sya ng hangin para makabwelo ng sasabihin.

"Ano? Nakakabingi ang katahimikan mo. Ano bang lihim yan at napasunod ka ni Jennica sa maiti..."

"NAKABUNTIS AKO!" Sigaw niya sa harapan ko.

Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon