SASAGUTIN KO NA BA SYA?

135 2 0
                                    

"NAKABUNTIS AKO!" Sigaw nya sa harapan ko.

Sa sobrang kabiglaan ko ay nabitawan ko ang bote ng alak na hawak ko. Nabasag ito at kumalat ang bubog sa sahig.

Para akong binuhusan ng kumukulong tubig sa mga katagang narinig ko mula sa bibig nya.

Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako, wala namang dapat ikasama ng loob sa sinabi nya pero bakit apektadong apektado ang utak ko. . . lalo na ang puso ko.

So nakabuntis pala sya at yun ang pinang blackmail ni Jennica upang pasakitan ako, pagmukaing tanga sa Prom at magisang nagbubutas ng bangko.

Aktong tutulo na ang luha ko ay saglit akong tumalikod at pinunasan ko agad para di mapansin ni Lucas. Oo aaminin ko masakit para sa akin na malaman ang kanyang sikreto. Pilitin ko mang sabihing natuturuan ang puso, pero si Lucas pa din ang tinitibok ng puso ko.

Paano na ko ngayon? Paniguradong papakasalan nya yun, dahil nabuntis nya. Kaso paano nga pala nya papakasalan yun, kinse anyos palang sya?

Ahhhhhh. Parang gustong sumabog ng puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok.  Tibok ng naghihinanakit. Tibok na hindi matanggap ang narinig. Tibok na nagsasabing ako na lang sana ang inibig.

"Hindi na pala pwedeng maging tayo!" Wala sa sariling tanong ko. Ewan ko ba para akong naka drugs sa mga panahong ito.

"Anong sabi mo?" Ganting tanong nya.

"Sabi ko sino ang mapalad na babaeng nabuntis mo?" Pagsisinungaling ko.

Hindi sya sumagot, bagkus ay aktong lalapit sa akin kaya umurong din ako. Ngunit sa kasamaang palad ay nakaapak ako ng bubog.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko e. Bakit ka kasi umurong?" Nagaalalang wika ni Lucas.

"E bakit kasi lumalapit ka sakin?"

"Dahil yayayain kita sa kwarto ko."

"Ha? E manyakis ka palang talaga e! Sa tingin mo sasama ako sa kwarto mo? Hindi porket gwapo ka e magpapaangkin ako sayo!"

"Hala! Ganyan na ba ang tingin mo sakin Bff manyakis agad? Hindi ba pwedeng gagamutin ko muna yung sugat sa tuhod mo? mukang natalsikan ng tibo. Ayan dalawa na gagamutin natin pati paa mo nagdudugo na."

Bigla naman akong napahiya sa kanya, malay ko bang may sugat ako sa tuhod. Saka ko na nga lang napansing nagdudugo ang tuhod ko ng buhatin nya ko at ipasok sa loob ng kwarto nya.

"Sandali lang ah, hahanapin ko lang yung first aid kit ko."

Pagkasabi nya nito ay saka ko naman naramdaman ang hapdi ng sugat ko sa paa at sa tuhod.

Pero mas lamang pa din ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Bakit naman kasi kung kailan maganda na ako saka pa sya nakabuntis?

Kung tutuusin kaya nga ako nagpaganda dahil gusto kong mapansin nya ako, at panghinayangan kung bakit hindi nya ko pinahalagahan.

Although pinanindigan ko talaga ang sinabi kong kapag ako gumanda who you na sya sakin, ay hindi pa din nawawala ang pagmamahal ko sa kanya.

Haaaaayyyyyy! What kind of shit I did! Lahat pala ng ginawa kong ito, sa bandang huli ako din pala ang magsa-suffer.

Gusto kong sabunutan ang sarili ko, gusto kong sampalin ang magkabila kong pisngi pero anong gagawin ko? Kapag ba sinaktan ko ang sarili ko makukunan ang babaeng nabuntis ni Lucas? Hindi naman diba?

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay sinapo ko na lang ng dalawang kamay ko ang mukha ko at saka ako umiyak ng malakas.

Bigla namang naalarma si Lucas at halos madulas na sa bilis ng takbo palapit sa akin at nagaalalang sinabi kung bakit daw umiiyak ako.

"Ang sakit sakit! Ang sakit sakit!" Paulit-ulit na sabi ko habang nakatakip pa din ang mga palad ko sa mukha ko.

"Tumahan ka na Bff, gagamutin ko na, eto oh!" Nagaalalang sagot ni Lucas habag mabilis na nilagyan ng alcohol ang piraso ng bulak at banayad na ipinahid sa aking tuhod na may sugat.

Naramdaman ko ang dampi ng bulak sa aking sugat at marahan kong tinanggal ang aking kamay sa mukha ko at bumungad sa akin ang mukha ni Lucas.

Napaka-gwapo talaga nya kahit na tensyonado ang mukha nya habang ginagamot ang sugat ko.

Muli ay hindi ko napigilan ang umiyak, hindi na sya pwedeng maging akin. Hanggang sulyap at titig na lang ang magagawa ko sa kanya.

Pero dahil mahal ko sya ay hindi ko napigilan ang sarili ko na haplusin ang kanyang pisngi. Tumingin sya sa akin at nagpa-cute.

"Ahhmm. Bff may sasabihin sana ako sayo e." Basag nya sa aming katahimikan.

"Ano yun?"

"Tutal nasabi ko na sayo ang sikretong nakabuntis ako, may isa pa akong sikreto na aaminin sayo. Pero bago ko sabihin sagutin mo muna tanong ko."

"Ano nga yun?" Inip na tanong ko.

"Mahal mo ba ako?" Walang kagatul-gatol na tanong niya sa akin.

"Ano ba namang klaseng tanong yan?" Naiilang na tanong ko din.

"Basta may kinalaman ito sa isa ko pang sikreto. Ano mahal mo ba ako?"

"Sa tingin mo? Mahal ba kita?" Ibinalik ko nalang ang tanong sa kanya naiilang talaga ko.

"Hmm. Sige na nga wag mo na sagutin alam ko naman na mahal mo ako e."

"Hala! Assuming ka Lucas ah."

"Anong assuming? E halata namang apektado ka kanina nung sinabi kong nakabuntis ako. At hindi totoong umiyak ka ng malakas kanina dahil sa sugat. Alam ko umiyak ka dahil hindi mo matanggap na may nabuntis ako."

Haist! Nasukol nya ko dun ah! Wala na akong naisagot kaya inusisa ko na lang sya ulit.

"Oo na sige na apektado na kung apektado, e ano pa ba yung isa pang sikreto mo?"

"Ah.. yun ba? Wag na bigla akong nahiya."

"Ano ba yan, nahiya ka pa pagkatapos mong magp......."

"Mahal Kita Bff!"

O.O

O.O

O.O

Natameme ako sa sinabi nya. Hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita ko.

Totoo kaya yung sinabi nya? Mahal nya daw ako?

Maya-maya pa ay itinabi nya ang first aid kit at hinawakan ang aking kamay habang nakaluhod at nagsalita.

"Bff.. .. .. Pwede ba kitang maging GF?"

O.O

O.O

O.O

Nakakaloka! Ano tong pinagsasasabi nya? Natutulala ako!

Pwede daw ba akong maging GF? Eh di ba nakabuntis sya? Bakit hindi yun ang gawin nyang GF?

Hala! Naguguluhan ako, Gusto ko syang yakapin, halikan at sabihang "OO GAWIN MO KONG GF MO!" Pero may kunsensyang nagsasabing huwag dahil disgrasyado na sya.

Haist! Anong gagawin ko? Sasagutin ko na ba sya? 0.o

Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon