MARAMI ang nagulat nang makita nila sa labas ng class room si Arnold. Lalong lalo na si Jennica na halata sa mukha ang inggit.
"Sinong hinihintay ni Arnold ditong lumabas? Swerte naman ng taong yun! Isa sa mga sikat dito sa campus ang naghihintay sa kanya." Manghang tanong ni Jennica.
"Baka si Lucas, natalo kasi yan sa Prom diba?." Pagbibiro ng katabi ni Jennica.
"Uy! Hindi ako ang hinihintay nyan, kundi si Abigail." Seryoso at walang kangiti-ngiting sambit ni Lucas.
Agad naman akong pinamulahan ng mukha. Paano nalaman ni Lucas na ako ang hinihintay ni Arnold?
"Wow! Totoo ba yun Alien? Swerte mo naman, after mo kay Lucas si Arnold naman ngayon. Ano bang gayuma gamit mo? Penge naman!" Inggit na pangaasar ni Jennica sa akin.
Pero imbis na patulan ko pa sya ay dumirecho na ako ng lakad palabas at tinalikuran ko na sila ni Lucas.
"Yabang mo na Alien ha! Sorry, pero mas gwapo pa rin si Lucas ko dyan no." Aniya sabay tawa ng malakas.
Kapal ng mukha nitong babaeng 'to. Akala mo talaga kanyang kanya si Lucas. Eh ayaw nga syang ligawan ng mga lalaki dito dahil alam na makiri sya masyado. Si Lucas pa kaya papatulan sya. Duh!!!!!
"Ingat ka sa lakad nyo BFF ah." Pahabol na sambit ni Lucas.
Tumango na lang ako ng hindi lumilingon sa pwesto nila. Infairness ramdam ko ang concern nya, pero hindi ibig sabihin nun napatawad ko na sya sa ginawa nya.
ARMY NAVY
"So, ituloy natin ang kwentuhan kanina." Nakangiting sabi ni Arnold.
"Anong topic na nga ba tayo?" Nangingiting tanong ko.
"About sayo pa rin. Masyado ka kasing mahiwaga sa akin."
"Mahiwaga? What do you mean?" Takang tanong ko.
"Kasi sa tagal ko nang nagaaral sa school natin pero ngayon lang kita nakita. Transferee ka ba?"
"Hindi ako transferee, hindi mo lang ako mamukhaan kasi may kilay na ako at makapal na ang buhok ko dahil sa wig."
"What do you mean?" Takang tanong nito.
Hindi na ako nagpaliwanag. Kinuha ko na lang ang aking wallet at inilabas ang picture ko na kalbo at walang kilay at iniabot ko sa kanya.
Pagkakita nya sa picture ko ay nanlaki ang kanyang mga mata sa kabiglaan.
"Sabi ko na ikaw yun e."
"Anong ako?"
"Ikaw yun!"
"Ano ngang ako?"
"Ikaw yung malakas pumalakpak sa akin nung lumaban ako sa Prom King."
Hala! Napansin nya ako nun? Nakakahiya naman.
"Oo ako nga yun! Kasi naman ang gwapo mo nung araw na yun."
"Aray ko! Ibig sabihin hindi na ako gwapo ngayon?" Pagbibirong anito.
"Ay! What I mean is, gwapo ka talaga. Mas pumogi ka pa nung lumaban ka sa prom."
"Oh I see, pero bakit bigla kang nawala nung araw na yun?"
"Umuwi ako agad nun e. Bakit?"
"Hinanap kasi kita nun para isayaw."
O.O
O.O
O.O
Anong sabi nya? Hinanap nya ako nun para isayaw? Nakakawalang ulirat naman yung sinasabi nya.
"Hey! Okey ka lang?" Sabi nya habang hawak ang balikat ko.
"Ah. . Eh.. Oo okey lang ako. Ano na nga bang sabi mo?"
"Sabi ko balak sana kitang isayaw nung mga araw na yun, kaso bigla kang nawala."
"Bakit mo naman ako balak isayaw? Ang pangit ko nga nung time na yun e."
"Kung sa tingin mo pangit ka, pwes para sa akin maganda ka."
"Hmp! May pagka bolero ka naman pala Arnold."
"Uy! Hindi ako bolero no! Actually may ipagtatapat ako sayo."
"Ano yun?"
"Malamang hindi ka maniniwala, pero first year pa lang tayo lagi kitang nakikitang nakatambay sa bench magisa, minsan sa room. Gusto ko sanang lumapit para makipagkaibigan at ah. . Pano ko ba sasabihin ito." Medyo kabadong sabi nito.
"Go ahead sige nakikinig ako." Seryosong sagot ko.
"Gusto kitang ligawan noon pa, pero torpe akong tao kaya kahit paglapit sayo ay hindi ko man lang nagawa."
"Totoo ba yang sinasabi mo?" Seryoso pa ring sambit ko.
"Oo totoo yung sinasabi ko, kaya nga nung makita kita sa prom at sumuporta sa akin ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na puntahan ka para kausapin at para maisayaw na rin, kaso bigla ka namang nawala."
Hindi ko nanaman napigilan ang matulala. At sa puntong iyon ay nagiimagine akong kasayaw si Arnold sa gitna ng mga schoolmates namin. Masaya kaming naguusap habang magkayakap na nagsasayaw.
"Hey! Abigail? Sure ka bang okey ka lang talaga?" Pagaalala ni Arnold.
"Ah... Oh! . . Oo okey lang ako pasensya na ha, kulang lang sa bakuna kaya nagkakaganito ako." Pagbibiro ko na lang para hindi nya maisip na natutulala ako sa kanya at sa kwento nya. ^^
"Ahahaha, ganun ba? O sya kumain na tayo. Hindi masarap ang pasta at burger pag malamig na."
"Sige na nga kainin na natin 'to." Sabi ko sabay kagat sa burger.
"You know what?"
"What?"
"This is my best day ever!" Seryoso at pa-cute na sabi ni Arnold.
"Bakit naman?"
"Kasi, finally naka-date din kita!"
OMG!♥♥♥ Kinikilig ako. At ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.
"Tara kain na tayo." Pagiiba ko ng kwento. Masyado na kasi akong kinikilig e. ^^
Kung para sa kanya this is his best day ever. For me dating him is ♥
Ayiiiii!!!!! Kilig much!^^
BINABASA MO ANG
Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!
Teen FictionSabi nila ang High School ang may pinakamasayang antas ng pagaaral. Sabi lang nila yun, kasi hindi ko masyadong ma enjoy ang pagaaral ko ngayon. Unfair talaga ang buhay, bakit pag kakaiba ang ichura mo ay ginagawa kang katawatawan ng iba at pag hi...