MASAKIT pala talaga kapag niloko ka ng taong pinagkakatiwalaan mo. Mas matatanggap ko pa yung mga lait ni Jennica sa akin. Pero itong ginawa ni Lucas? Hindi ko matatanggap.
Pinagmukha nya kong tanga at ni hindi nya man lang ako pinagaksayahan ng panahong hanapin sa loob ng auditorium.
Sabi ko na kaya ayokong umattend sa ganitong event dahil hindi ako magiging masaya.
Mukha naman kasi talaga akong Alien. Walang kilay at sobrang nipis ng buhok. Kaya sino ang magkakainteres na isayaw ako sa prom.
Ambisyosa din kasi ako at uto-uto. Napaniwala ako ni Lucas na pipiliin nya ko para maging Prom Queen at isasayaw sa dance floor.
Hindi naman pala totoo yung napapanood ko sa T.V. na kahit gaano kapangit ang bida maganda o gwapo ang nakakatuluyan nila.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay napansin agad ni Mama na namumula ang mata ko.
"Oh bakit ang aga mong umuwi? Tsaka umiyak ka ba anak? Namumula mata mo." Sunud-sunod na urirat ni Mama.
"Wala to Mama, sumakit mata ko sa contac lens, naiwan ko yung pamatak dito sa bahay." Pagsisinungaling ko.
"Ganun ba? O kamusta ang JS Prom?"
"Ah. . Eh. . O-Okey naman po Ma. Sumakit lang yung mata ko kaya nagpasya akong umuwi." Pagsisinungaling ko ulit.
"Hinatid ka ba dito ni Lucas?"
"S-Si.. Lucas? Hindi po kasi nasa stage sya magdamag napili kasi syang prom king. Pasok na ko sa kwarto ko Ma, masaki na talaga mata ko."
"O sige, patawag na lang kita kay inday pag kakain na tayo."
"Sige po."
Mabilis na tumungo ako sa aking kwarto at dito na nga bumuhos ang aking luha na pinipigilan kong tumulo nung kaharap ko si Mama.
Binuksan ko ang radyo at nagpatugtog ng malakas. Humiga sa kama at tumingin sa kisame.
Ngayon ay iniisip ko pa rin ang eksenang naganap kanina sa JS Prom. Bakit hindi nya ko pinili as his Prom Queen? At bakit hindi nya ako isinayaw sa gitna? Sya ang nangako nito, pero napako.
May nagawa ba akong bagay na ikinagalit nya sakin? Wala naman akong matandaan? O sadyang pinaglaruan nya lang ako?
At bakit mas pinili nya si Jennica? Alam naman nyang mortal na kaaway ko yun? Hindi kaya . . .
Hindi kaya matagal nang magkaibigan ang dalawang ito, at balak lang akong pagtripan. Gaya nitong ginawa nila sakin ngayon sa Event, pinagmukha nila kkng tanga.
Pero hindi maaring maging magkaibigan sila ni Jennica, dahil nung araw na pinagtilungan akong banatan ng barkada ni Jennica, ay to the rescue sa akin si Lucas.
Haist! Kung anuman ang dahilan nya, wala na akong pakialam! Basta sa lunes magpapalipat na ako ng section.
Ayokong maging tampulan ng tukso. At alam ko naman na hindi titigil si Jennica sa pangaasar sakin. Lalo na at umuwi ako ng maaga.
Nasa ganun akong kalagayan, nang maaliw ako sa pinakikinggan ko sa radyo. Ang "Payong Pagibig! Tonight with Papaketchup."
"Papaketchup anong gagawin ko para mapansin ako ng crush ko? Ilang beses na kasi akong nagpapapansin sa kanya pero dedma lang sya."
"Kung gusto mong mapansin ni crush, magpaganda ka. Kung ano ang kulang sa ichura mo edi punan mo. Malawak na ang kaalaman ng siyensya dito sa Pilipinas, baka napagiiwanan ka na. Magpaganda ka para mapansin ka ni crush, malay mo kapag gumanda ka ligawan ka ni crush."
Sa puntong iyon ay naka-relate ako sa pinaguusapan sa radyo. Kaya tumayo ako sa harapan ng salamin. Sinipat ang sarili at tiningnan ang kakulangan sa akin.
Tama si Papaketchup, Bakit hindi ko punan ang kakulangan sa akin. Agad naman akong nagpalit ng damit. Magpapasama ako kay Mama.
Pupunta ako sa Calayan Medical Clinic para magpa-tattoo ng kilay. Tapos ay didirecho ako kay Arnel Ignacio para magpatahi ng wig sa anit ko.
Salamat talaga sa radyong napakinggan ko, at nagkaroon ako ng ideya. Dyusko! Can afford ko naman magpaganda pero ngayon ko lang naisip.
Siguro dahil ngayon lang naman ako napagtripan ng ganito sa tanang kapangitan ko. Kaya humanda silang lahat. Lalo ka na Lucas!
Dahil kapag ako gumanda! Who you ka sakin!
Calayan and Ignacio! Here I come!
BINABASA MO ANG
Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!
Teen FictionSabi nila ang High School ang may pinakamasayang antas ng pagaaral. Sabi lang nila yun, kasi hindi ko masyadong ma enjoy ang pagaaral ko ngayon. Unfair talaga ang buhay, bakit pag kakaiba ang ichura mo ay ginagawa kang katawatawan ng iba at pag hi...