INAKBAYAN NIYA AKO ♥

185 2 0
                                    

MATAPOS ang pagtuturo ni Ms. Torres ay magkakasunod na naglabasan ang aking mga kaklase.

Break time kasi ang sunod ng klase ni Ms. Torres. At dahil hindi naman ako nagpupunta sa canteen ay pinili ko na lang maiwan dito sa class room.

"Hoy Alien! Tandaan mo 'tong ginawa mo, gaganti ako!" Gigil na sambit ni Jennica.

"I'm always ready girl!"

At paismid na tumalikod palayo sa akin ang grupo ni Jennica.

Ang totoo nyan, wala akong naging kaibigan simula nung magaral ako dito. Hindi naman sa pinandidirihan ako. Kundi, ayoko lang din makisalamuha sa kanila.

Nakatatak na kasi sa utak ko na ang mga estudyante dito ay maaarte at nakadikit na ang lait sa bunganga. Gaya na nga lang ng grupo ni Jennica.

Buti na nga lang rin at mayaman ang Papa ko. paano na lang kung mahirap ako? at sa public ako nagaral? Malamang hindi lang lait ang mangyari sakin baka may kasamang pamimisikal pa.

Sa puntong yun nakaramdam na ako ng gutom, kaya nilabas ko ang clubhaus sandwich na ginawa mismo ni Mama.

Expert kasi si Mama sa paggawa ng clubhaus kaya lagi akong nagpapagawa sa kanya para baunin ko.

"Mukhang masarap yang kinakain mo ha?"

Hala! O.0 Nawala sa isip ko nasa eksena pa pala si Lucas. Hindi pa din sya lumalabas ng class room.

"Ah. . Eh. . Amm.. Want some?" Nahihiyang alok ko sa kanya.

"No Thanks, busog pa ko. Nga pala bakit dito ka kumakain?"

"Wala lang, mas komportable kasi ako dito kesa sa canteen, baka makantyawan lang ako."

"Sabagay, may mga tao talagang hindi buo ang araw kapag walang naaasar na tao."

"Gaya ni Jennica."

"Oo nga pansin ko parang hindi kayo magkasundo."

"Talagang hindi! Simula nung kinder pa lang kami may rival na between us."

"Talaga?"

"Oo kinaiinisan na namin talaga ang isa't isa. Pero teka, bakit ikaw nandito ka? Wala ka bang balak kumain?" Takang tanong ko.

"Kakasabi ko lang diba? Busog pa ko."

"Ah. . Okey. . So ibig sabihin tambay ka rin ng room gaya ko?"

"Obvious ba?" Natatawang anito.

"Sabi ko nga tambay ka din e." Sarkastikong sabi ko.

"Tambay talaga ko ng classroom pag break time Abigail, kasi mas nakakapagrelax ako, hindi tulad sa labas sobrang gulo nung mga school mates natin pag nakikita ako."

"Sabagay atleast dito sa class room walang makakakita sayo, ako lang. Ahehehe."

"Tama!" Nakangiting aniya.

Grabe, ang sarap kausap ni Lucas. Para talaga akong nananaginip, hindi ako makapaniwala na ang dating sinusulyapan ko noon ay kaharap at kaututang dila ko na ngayon.

Marami rami na rin ang aming napagkwentuhan, kahit corny na nga yung ibang kwento nya e sinasakyan ko na lang.

Hellooo. . Aarte pa ba ko? Sikat na modelo ang kausap ko, gwapo at tinitilian ng kababaihan at kabaklaan. Higit sa lahat crush ko sya kaya lahat ng kakornihan nya sasakyan ko. Ahehehehe

Nasa ganoon kami ng klase ng kwentuhan ng hindi dinasadyang tumunog ang tyan niya. Tunog ng nagugutom.

"O akala ko ba hindi ka gutom? Ayan tuloy nagwawala si tummy mo." Natatawang sambit ko.

"Kanina yun, pero ngayon gutom na talaga ko. Tara samahan mo ko sa canteen." Aniya sabay akbay sa akin.

Wiiiiiii!!!! Inakbayan nya ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko. Mukhang pinamulahan na yata ako ng mukha.

"Ano? Tara samahan mo na ko."

"S-Sige Tara!" Nahihiyang sambit ko.

Tatanggihan ko sana sya pero ayaw ng isip at katawan ko. Sabagay, mahirap tanggihan ang taong mabait at gwapong nagyayaya sayo.

Pero hindi ko talaga makakalimutan itong araw na ito. Inakbayan nya ko. ♥♥♥

Pagdating namin sa canteen ay marami na namang babae ang lumapit sa kanya at nagpakuha ng litrato.

Yung isa naman naitulak na ako palayo kay Lucas. Grabeng mga babae 'to parang ngayon lang nakakita ng gwapo.

"Wag kayong magulo, hindi ako magpapakuha ng litrato sa inyo pag ganyan kayo kagulo." Mahinahon pero supladong sabi nito sa mga babae.

Bigla namang tumahimik ang umpukan ng mga babae sa kanya.

"Babalikan ko kayo guys, but give us space muna para kumain. Gutom na kami ng kaibigan ko." Nakangiting sabi nya sa mga babaeng humahabol habol sa kanya, sabay akbay muli sa akin.

Sa puntong iyon ay nakita ko ang kanilang mga reaksyon. At narinig ang mga bulungan nila.

Paano daw ako naging kaibigan ni Lucas. Baka daw kinulam ko kaya ganun. Blah! Blah! Blah!

"Okey ka lang Abigail? Nakita kasi kitang tumalsik nung balyahin ka nung babaeng mataba." Pagaalala nya.

"Oo okey lang ako hindi naman masakit."

"Sure ka?"

"Yup!" Confident na sagot ko.

"Tara punta na tayo sa canteen." Nakangiting sabi nya sabay akbay sa balikat ko.

Grabe ang sarap sa pakiramdam na may taong nagaalala sayo at nakakatuwa dahil hindi sya nahihiyang kasama ako at KAAKBAY PA!

Makikita mo ang mga tao sa paligid na nakatingin sa amin. Inggit na inggit ang peg nila. Ahehehe.

Akbayan ka ba naman ng pinakasikat at gwapong lalaki sa school hindi ka matutuwa?

Thank You Lord! ♥♥♥

Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon