HINDI NA KO NAGPAKIPOT, MAHAL KO SYA E! ♥

141 2 0
                                    

Hala! Naguguluhan ako, Gusto ko syang yakapin, halikan at sabihang "OO GAWIN MO KONG GF MO!" Pero may kunsensyang nagsasabing huwag dahil disgrasyado na sya.

Haist! Anong gagawin ko? Sasagutin ko na ba sya? 0.o

"Ano Bff? Pwede ba kitang maging GF? Masakit na tuhod ko sa pagkakaluhod."

Hindi pa din ako sumagot, bagkus ay tumitig ako sa kanyang mga mata upang alamin kung seryoso ba sya sa mga sinasabi nya.

Direcho din ang mga tingin nya sa akin at nakita ko nga ang sinseridad sa kanyang mga mata.

"Bff ano na?" Muling akig ni Lucas.

"Bakit ako? Bakit hindi yung nabuntis mo ang ligawan mo?"

"Hindi ko sya mahal, ikaw ang mahal ko!"

"Bakit mo binuntis kung hindi mo mahal?"

"Aksidente ang nangyare at hindi namin parehong ginusto yun."

"Pero bakit ako? Bakit? Dahil ba maganda na ako ngayon kaya gusto mo akong jowain?"

"Hindi naman sa ganun Bff."

"Nakoo! Kilala na kita Lucas, kung ibabalik ko ba ang kapangitan ko, mamahalin mo pa din ako?"

"Sige aaminin ko Bff, marami akong tagahanga ang kumakantyaw sa akin mula ng makita nilang magkasama tayo palagi. Sa dami daw ng magagandang babae sa school bakit ikaw pa daw ang napili kong pakisamahan. May nagtatanong pa nga kung anong real score sa ating dalawa at kung nililigawan daw ba kita?"

"Anong sinabi mo?" Curious na tanong ko.

" Edi sabi ko Bff kita at hindi kita nililigawan."

"Oh kita mo na, lumabas din ang totoo, nililigawan mo ko ngayon kasi maganda na ko."

"Makinig ka muna kasi Abi!" Asar na sabi nya.

Natahimik naman ako bigla, ngayon ko lang ulit sya nakitang ganito kaseryoso at tinawag na nya ako sa pangalan ko. So, patapusin na nga natin syang magpaliwanag.

"Okey sige makikinig ako." Aniko sa mababang tono.

"Oo, sinasabi ng isip ko at ng katawan kong huwag mahulog sayo dahil unang  una pangit ka noon."

"Wow! Ang pogi mo ha!" Bwisit na ganti ko. Walang preno bunganga nya e.

"Wait lang patapusin mo ko." Seryosong aniya.

"Go ahead!" Bwisit pa ring sagot ko.

"Okey, pangalawa baka bumagsak ang career ko kapag nalaman nilang nililigawan kita, at pangatlo baka isipin mong pinagtitripan lang kita kung niligiwan kita noong panahong iyon. Pero nang sipatin ko ang puso ko, wala itong ibang sinasabi kundi ang mahalin ka."

"Wow! nagsasalita pala ang puso nya?" Sabi ko pero sa isip ko lang.

"Oo pangit ka sa paningin nila pero sa akin nung mga oras na yun, maganda ka lalo na nung maglaro tayo ng basket ball sa gym tinanong kita kung may gusto ka sa akin, kung umamin ka lang noong panahong yun, baka umamin din akong may gusto ko sayo." Mahabang paliwanag ni Lucas.

"Parang hindi naman kapani-paniwala yang mga sinasabi mo." Pangaasar ko,  medyo kinikilig kasi ako sa mga revealing statement nya. Revealing statement daw oh! Ahehehe.

Pagkasabi ko nito ay tumayo sya mula sa pagkakaluhod sa harapan ko, kumalas ang kamay nya sa kamay ko,  hinigit ang aking likuran at masuyong inangkin ang aking mga labi.

Nabigla ako sa ginawa nya, napatitig ako sa kanya nakita kong nakapikit ang kanyang mga mata at sa higpit na pagkakayakap nya ay naramdaman ko ang tibok ng puso nya.

Sa galing ng pag-angkin niya sa aking labi ay hindi ko napigilan ang mapapikit at hindi ko namalayang nakayakap na rin ako sa kanya.

Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong feeling. Feeling na para bang nasa alapaap ako. Siguro naman alam nyo kung bakit ganito ang pakiramdam ko, first time kong may makahalikang lalaki e. Sya ang first kiss ko.

Dahan dahang kumalas ang labi nya sa labi ko at halos sabay din kaming nagmulat ng mata. Napakagwapo talaga ni Lucas, ewan ko ba kung bakit hindi ako nagsasawang titigan sya.

"Ano? Naniniwala ka na bang mahal kita?"

Bigla akong pinamulahan ng mukha, oo ramdam ko yun kasi nagiinit ang magkabila kong pisngi. At para hindi nya mapansin ay yumuko ako saka tumango bilang sagot sa tanong nya.

"So, ngayon Bff uulitin ko ang tanong, pwede ba kitang maging GF ko?"

Haist! Bagamat pilit ang isip ko sa pagtangging mahalin si Lucas ay malakas ang tibok ng puso at buong katawan ko na sagutin si Lucas. Kaya wala akong ibang sagot kundi ang tumango.

"So, ibig sabihin GF na kita?"

Hindi na ako nagsalita kasi umurong yata ang dila ko sa sobrang kilig. Basta tumango na lang ako ng tumango, senyales na pumapayag na akong maging gf nya.

"Yes! Yes! Yes! I love you Abigail" Masayang sigaw niya habang pinupug ako ng pinupog ng halik sa pisngi.

"Teka nga muna Lucas, amoy laway na mukha ko." Natatawang awat ko sa kanya.

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ayaw ko, pero paano na nga pala yung nabuntis mo?"

"Ah, wag kang magalala kay Nikka may ibang gusto na yun!"

"Haaaaa! Si Nikka ang nabuntis mo?

"Oo si Nikka, hindi mo lang siguro alam na si Nikka yung nagaasikaso sa iyo sa dressing room everytime na may pictorial tayong tatlo."

"Ah, sya pala yung cute na babaeng malaki ang tyan."

"Oo sya nga, at sya din ang pinopormahan ngayon ni Arnold."

"Huh? Ang buong pagaakala ko, ako lang ang pinopormahan ni Arnold."

"Yun ang akala mo."

"Huh? Bakit Lucas?"

"Simula kasi nang magkasama-sama tayong tatlo sa pictorial, kinausap ko ng man-to-man si Arnold na kung pwede iba na lang ang ligawan nya at huwag ikaw. Mamamatay kasi ako kapag hindi ka naging akin."

"Loko ka sinabi mo talaga kay Arnold yun?"

"Oo tanungin mo pa sya! Kaya nga nung makita nya si Nikka agad na pinakilala ko sya at tinamaan sya agad, sweet at maalaga kasing tao si Nikka."

"Pero okey lang kay Arnold na nabuntis mo si Nikka?"

"Oo naman, Napaka open minded nyang tao, at sobrang nagpapasalamat ako kay Arnold dahil nagpaubaya sya para maging tayo."

"Bakit sinabi ko bang tayo na?" Pagbibiro ko sa kanya.

"Hala! Tumango ka nga kanina e."

"Tumango lang ako pero hindi pa ko umo-oo."

"Abigail naman e. Tamang trip amp. Ano ba? Gf na kita diba?" Paglalambing ni Lucas habang yakap yakap nya ako.

"Oo na pogi GF mo na ang babaeng Alien ng school natin." Lambing na sagot ko sabay yakap ng mahigpit at halik sa labi nya.

Hindi na ko nagpaligaw baka kasi magsawa sya at humanap pa ng ibang bubuntisin kaya sinagot ko na sya agad agad.

Hindi na rin ako nag pakipot, mahal ko sya e! ♥

Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon