JS PROM! My unforgettable experienced

208 2 0
                                    

PAGPASOK ko sa loob ng Auditorium ay hindi ko mapiligan ang mamangha sa ganda ng dekorasyon sa stage. at sa mga nakasabit na ilaw sa palibot ng Auditorium.

Ang gaganda ng mga kasuotang-pormal ng aking mga kamag-aral. Pero syempre hindi ako magpapakabog sa red long gown ko na may konting cleavage exposure.

Buti na lang at napapayag ko si Mama na magpatahi ako ng gown kay Francis Libiran. Sobrang mahal kasi pero sulit naman kasi pinagtitinginan ako ngayon ng mga nakakasalubong ko.

For sure kaya ako pinagtitinginan hindi dahil sa ichura ko, kundi sa gown na suot ko. Mas minabuti ko nang huwag magsuot ng wig para hindi ako masyadong malait ng mga kamag-aral ko. Pinusod ko nalang ang napakanipis na buhok ko.

Kinakabahan na nga ako e, kasi kanina ko pa kinokontak sa cellphone si Lucas pero hindi nya sinasagot.

Paano na kaya ako nito. Wala naman akong ka-close e. Nako! Lucas pag di mo ko sinipot, sasakalin kita. >.<

At dahil marami nang tao sa loob ay medyo nahirapan akong humanap ng mauupuan.

Buti na lang at may lalaking nagpaunlak ng upuan sa akin. Naawa yata, pero saglit lang ay umalis sya sa mesa at iniwan akong magisa.

"Haist! Asan ka na ba Lucas? Kapag wala ka pa rin within 30minutes uuwi na lang ako." Bulong ko sa sarili. Naboboring na kasi ako e.

"Hello everyone, nais ko lamang pong sabihin sa inyo na ilang minuto na lang ay magsisimula na ang ating game program." Panimulang bati ng emcee. "For now, the dance floor is now open, please feel free to have your partner."

Patay na! Inechos lang kaya ako ni Lucas? Pero hindi e, seryoso sya at nakita ko sa mga mata nya ang sinseridad na pupunta sya sa event na ito at isasayaw nya ako.

"Alien! Ikaw ba yan? Infairness ang ganda mo ngayon." Sarkastikong sambit ni Jennica.

"Wow! Thank you naman, ikaw din ang ganda mo ngayon." Ganting bati ko sa kanya.

"Sino hinihintay mo? Hindi ka na sisiputin nun! Ahahaha"

"Ahahaha. Pano mo nalaman? Yung totoo si Jennica ka ba talaga o si Madam Auring? "

"Ah ewan ko sayo Alien! Nako tara na nga girls at magsayaw na lang tayo sa dance floor." Pikon na wika nito sabay lakad palayo sa harapan ko.

Si Jennica talaga kahit kelan hindi nanalo sakin sa pikunan.

Hay nako nakakahiya naman kung uuwi pa ako, nakita na ako ni Jennica. Malamang pag nalaman nyang umuwi ako todong pangaasar na naman ang gagawin sakin nito.

Kaya wala akong magagawa kundi ang magmukmok magisa dito sa pwesto ko.

Ilang oras na ang nakalilipas at tila nabutas ko na yata ang bangko. Magdamag na kasi akong naka upo.

Medyo masakit na rin ang mata ko kakapanood sa mga kaklase kong nagsasayaw sa dance floor.

Naiinggit talaga ko sa mga 'to, may kapartner at kasayawan. Pero ako nganga! Kaya kumain na lang ako ng kumain sa pwesto ko para malibang.

"Okey! Sorry for the interruption guys, pero ngayon ay magsisimula na ang ating programa. So seat back, relax and enjoy the game program."

At nagsimula na nga ang programa para tawagin ang maglalaban laban para sa PROM KING.

"May we call on to come up on stage, Mr. Arnold Perez, Mr. Marvin Arevalo and Mr. Lucas Marasigan."

Biglang umingay ang paligid ko. Dahil yun sa tilian at hiyawan ng mga babae at beki na siguro ay tagahanga at supporters ng tatlong kalahok. Pero nagulat ako sa pangatlong kalahok.

O.O

O.o

o.O

Si Lucas marasigan? Umaakyat sa stage kasama ang dalawang lalaking kalahok. Kanina pa kaya sya nandito? O kakarating nya lang? Pero bakit hindi nya ako kinontak para makasama sya?

"Okey guys, kayo po ang pipili kung sino sa kanilang tatlo ang dapat na maging Prom King sa pamamagitan ng inyong palakpak na may kasamang hiyawan."   Excited na paglalahad ng emcee. "Pumalakpak at humiyaw ang pabor para kay Mr. Arnold Perez!"

Infairness gwapo si Arnold kaya napapalakpak ako. ahehehe.

"Medyo malakas ang laban ni Arnold ha, so ngayon naman ay ang pabor kay Mr. Marvin Arevalo."

Marami ring pumalakpak kay Marvin pero mas marami ang kay Arnold.

"Infairness kinulang lang sa hiyawan ng fans si Marvin. So standby lang Arnold dahil may isa pang kalahok. Sino naman ang pabor kay Mr. Lucas Marasigan?"

Bigla akong nagulat dahil halos lahat ng nasa crowd ay pumalakpak at humiyaw pabor kay Lucas. Grabe ang karisma ni BFF pang barangay ang peg nya!

"So, alam na kung sino ang Prom King! Walang iba kundi si Mr. Lucas Marasigan." Masayang paglalahad ng emcee. "Ngayon ay dadako na tayo sa ating game. Ikaw Mr. Lucas ang pumili ng tatlong babae dito sa crowd at sa kanilang tatlo isa lang ang pipiliin mo para maging Prom Queen."

Ipinasa na ng emcee ang mic kay Lucas, at seryoso nyang tinawag isa-isa ang tatlong babaeng napili nya.

Hmmm. Bigla naman akong kinabahan kasi diba sabi nya pag nanalo sya isa ako sa pipiliin nya.

Hala! Pinagpawisan ako ng malapot. Pati kilikili ko nabasa na rin ng pawis sa sobrang nerbyos.

Pero bigla akong napahinto sa pagiisip ng marinig ko ang mga pangalan ng tinawag nya.

"Please come up on stage, Ms. Merry Baldez, Jinky Zulueta, and Jennica Marquez." Seryoso at walang makikitang ngiti sa labi nya pagkatapos nyang sabihin ito.

</3 Bakit wala ako sa tatlong babaeng pinili nya? Bakit? Bakit? Pinaglaruan nya lang ako.

Nakita ko ang labis na tuwa sa mukha ni Jennica, halatang type na type nyang maging Prom Queen lalo na't siguradong makakasama nya magdamag si Licas pag nanalo sya.

Bigla namang uminit ang aking mukha at mabilis na tumulo ang luha sa aking mga mata.

Hindi ko matanggap ang sitwasyon ngayon. Nasaan ang pangako nyang isasayaw ako? Nasaan ang pangako nyang pipiliin nya akong maging kalahok sa Prom Queen?

Lahat ng yun ay hindi nagkatotoo. Lahat ay isang malaking echos lang! Bakit kasi naniwala pa ako sa sinabi ni Lucas. Eto ako ngayon, mukhang tanga na nanonood sa kanila.

Pero mas lalo akong nasaktan nang piliin nyang maging Prom Queen ay si Jennica.

Sa puntong yun ay hindi ko na kinaya ang sakit na nararamdaman ko. Halong inggit, yamot at lungkot ang nararamdaman ko.

Patakbo akong lumabas ng Auditorium upang hindi makita ng mga kamagaral ko na basa na ng luha ang mukha ko.

"Salamat sa unforgettable experience na ito Lucas marasigan. Dahil sa ginawa mo mas pinapatatag mo ang loob ko at minulat ang mata ko na hindi ako dapat magtiwala kahit na kanino, at kahit sayo." Bulong ko sa sarili ng makarating na ako sa labas ng school.

"Tandaan mo 'to! Kapag ako gumanda who you ka sakin!" Pasigaw na sabi ko sa labas habang umiiyak.

Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon