MAGKATABI KAMI ♥

226 2 0
                                    

"Mama, pasok na po ako sa school." Paalam ko sabay halik sa kanyang pisngi.

"Sige anak magiingat ka, umiwas sa gulo ha?" Pagaalala ni Mama, kasi alam naman nya na lumalaban ako kapag nilalait ng ibang tao.

"Opo." Malumanay kong sagot.

"Sigurado ka bang hindi mo na isusuot ang mga piluka mo?"

"Opo Mama, kasi mas lalo lang akong nakakantyawan pag naka-wig kaya mas mabuti pa yung ganito atleast komportable ulo ko."

"O sige anak magingat ka."

"Okey po!"

FIRST DAY OF SCHOOL

FINALLY nandito na rin ako sa school at graduating na, first day ito at ngayon lang nila makikita ang tunay na buhok kong parang natipus.

Pero bat ganun? Bigla akong nahiya sa pagpasok. Parang gusto kong bumalik sa bahay at magsuot ng wig.

Pero hindi na pwede dahil maleleyt ako sa unang subject at unang araw ng pasukan. Baka mapagalitan pa ako ni teacher.

Wala akong nagawa kundi ang pumasok sa room ng pinagpapawisan.

Pagpasok ko sa room namin ay inayos ko muna ang aking sarili, pinusod ang napakanipis kong buhok at pumasok sa room, at umupo sa pinaka likuran at sulok na upuan.

Pagupo ko ay narinig ko ang tawanan ng grupo ng mga babae at tila papalapit na sa pwesto ko. 6 na mga maaarteng babae nga ang ngayo'y nakatayo sa harap ko.

Isa sa kanila ang mortal na anak ni Lucifer, si Jennica. Ang long time classmate ko. Since Kindergarten magkaklase na kami at hanggang ngayon na gagradweyt na kami sa High School ay hindi talaga kami magkasundo.

"Sa wakas inilabas mo rin ang tunay mong anyo. Atleast hindi ka na mukhang clown sa kakasuot mo ng wig." Aniya sabay tawa ng malakas kasama ang limang babaeng maaarte.

"Oo nga e." Sarkastikong sagot ko. "Partida na yan Jennica, pero bakit maganda pa rin ako sayo?" Natatawa tawang sambit ko.

"Wow! Kinumpara mo talaga sarili mo sakin no? Kapal naman ng mukha mo Alien!" Iritableng anito.

"Oo naman! bakit maganda ka ba ha Jennica? Uwi ka nga muna baka naiwan sa bahay nyo yung ganda mo!" Sarkastikong sagot ko.

Pagkasabi ko nito ay malakas na nagtawanan ang limang babaeng kasama nya.

"Shut up!" Mataray na sigaw nya sa limang babaeng kasama nya. "At ikaw Alien bakit hindi ka manalamin para makita mo kung gaano ka kapanget!"

"Ay hindi ko na kailangang manalamin! Kasi nakikita ko naman ang ichura ko sayo e. Ahahahaha!"

"Grrr!!! Nakakainis ka talagang Alien ka! Sa tuwing nakikita kita pumapangit ang araw ko!"

"Don't worry girl, the feeling is mutual!"

"Kung ganun! Huwag kang humahara......"

Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya dahil biglang naglabasan at nagkagulo sa labas ng room ang mga klasmeyt namin. Karamihan ng lumabas ay mga babae at beki.

"Wiiii!!!! Si Lucas Marasigan nasa labas ng room natin! Tara puntahan natin dali!" Kinikilig na wika ng isa sa mga kasama ni Jennica.

"Hindi pa tayo tapos Alien!"

Ngumiti na lang ako at hindi na kumibo, lagi ko naman syang nababara sa pikunan e.

Sa puntong iyon ay, nilabas ko ang aking cellfone at naglaro na lang ako ng flappy bird.

Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon