BONDING SA LOOB NG GYM ♥

151 3 0
                                    

MABILIS na lumipas ang araw at isang linggo ko na palang kasama at kakulitan si Lucas. Ang aking BFF.

Lunes na naman pero bakit wala pa sya sa room? Maleleyt ba sya? O aabsent?

Teka nga at itetext ko sya.

ME : BFF asan ka na? Papasok ka ba?

LUCAS : Anong BFF? Sino ka ba?

Bigla akong natigilan. Bakit ganun ang reply nya? Anong ibig nyang palabasin? Na hindi nya ni-save yung number ko at tama bang itanong sakin kung anong BFF! Ahhh. . Siguro ginu goodtime nya lang ko.

ME : Lucas ano ka ba si Abigail 'to. Asan ka na maleleyt ka na sa klase natin.

LUCAS : Ah . . ok . . hindi ako si Lucas , Abigail. Ako si Nikka Girlfriend nya. Naiwan nya kasi yung cp nya sakin.

Amp! Girlfriend? 0.o Bakit parang hindi nya naikwento sakin na may Girlfriend sya? Nakakainis naman!

Magrereply na sana ako kaso dumating na si Ms. Torres kaya wala akong nagawa kundi itago ang cp ko.

Humahangos namang kasunod ni Ms. Torres ang lalaking hinihintay ko kanina pa. . . . Si Lucas.

"Oh! Bakit humahangos ka Mr. Marasigan" Pagaalalang tanong ni Ms. Torres.

"Baka kasi maleyt ako sa klase nyo Ms. Torres kung hindi ako tatakbo." Hinihingal namang sagot ni Lucas.

"Buti naman kung ganon! On time ka ngayon, sige umupo ka na at nang makapagumpisa na tayo ng lesson."

Agad naman syang tumungo papunta sa aming pwesto. At nang bumaling ang tingin nya sakin ay nginitian niya ako na may kasamang kindat.

Sa ginawang yun ni Lucas ay hindi ito nakawala sa paningin ni Jennica, kaya napadako sya sa akin at inirapan ako ng matalim.

Hindi ko na pinatulan ang irap ni Jennica, ang mahalaga sa akin ngayon ay pumasok si Lucas.

"Bakit leyt ka BFF?" Pambungad na tanong ko ng makaupo na sya sa tabi ko.

"Galing kasi ako sa pictorial ng Hunger Underwear, may new arrival na naman sila kaya eto pinalipad ng driver ko yung kotche para di ako maleyt."

"Ahhh. . Kaya pala. ."

"Next week ikakalat na yung billboard ko, makikita mo dun kung gaano ako kagwapo." Nangingiti ngiting sabi nito.

"Edi ikaw na gwapo!" Medyo pataray na sambit ko.

"Hala! Bakit mukang masungit ka? Meron ka ba? ahehehe"

"Wala! Makinig muna tayo kay Ms. Torres baka tayo naman ang paghiwalayin."

"Wow, sa sinasabi mong yan parang ayaw mo talagang mahiwalay ako sayo no?"

"Kapal mo!"

"La! Ang sungit mo talaga ngayon. May problema ba BFF?"

"Wala!" Walang ganang sagot ko.

"Panong wala e halata namang may kinaiinisan ka. Sino?" Paguurirat ni Lucas.

Haist! Makulit din pala 'tong mokong na 'to gaya ko. Hindi titigil hanggat hindi nakukuha ang sagot sa tanong.

Kapag sinabi ko bang naiinis ako dahil hindi nya sinabi sa akin na may gf na sya e magsosori sya sakin? Hindi naman diba? Baka nga sabihan nya pa ako ng BAKIT?

At sino ba naman ako para panghimasukan ang lovelife nya? Kaibigan lang naman niya ako. Kaibigan lang.

"Wala nga e. Wag kang makulit!"

Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon