LUCAS' POV

151 2 0
                                    

SA LOOB ng Auditorium ay mas pinili kong magtago sa likod ng stage. Pagpasok ko kasi kanina ay hindi mapigilan ng mga guard ang mga kamag-aral ko na nagkakagulong lumapit sa akin, nakalmot pa nga ako sa leeg nung isang babae na gustong yakapin ako.

Isa pa ayokong makita si Abigail. Bakit? Dahil may masamang balak gawin ang grupo ni Jennica kapag nakita nilang kasama ko si Abigail. May pang blackmail sakin si Jennica.

"Kapag nanalo ka sa Prom King, ako ang piliin mo bilang Prom Queen mo. Dahil kung hindi, isisiwalat ko sa lahat ang lihim mo. . . . Na nabuntis mo ang personal assistant mo. At ipapahiya ko sa mismong event si Abigail kapag sya ang pinili mo...."

Paulit ulit na sumasagi sa isipan ko ang mga katagang ito ni Jennica. Sinabi nya sakin ito noong nasa canteen kami ni Abigail at hilahin ako sa labas para kausapin.

Nalaman nya ang sikreto ko dahil kaibigan ng kapatid ni Jennica ang P.A. ko. Kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa gusto ni Jennica.

Ayokong masira ang career ko. 4 months nang buntis si Nikka at pareho naming hindi ginusto ang nangyari.

Noon pa man alam ko nang may gusto si Nikka sa akin pero hindi ko sya pinapansin kasi malayo ang agwat ng edad namin, parang ate ko na lang sya.

15 lang ako at sya ay 22 years old na. Pero wala sa ichura nya ang edad nya. Mukha pa rin syang bata.

Maganda naman sya pero wala sa kanya ang tipo kong babae at alangan sya sa height ko kaya di ko sya type. Suplado na kung suplado pero ayoko sa kanya.

Pero nangyari ang hindi inaasahan noong victory party ng Hunger Underwear. Nalasing ako at nalasing din sya.

Hindi ko alam kung paano sya nakapasok sa kwarto ko at hindi ko alam kung ano na ang nangyari kagabi.

Nagising na lamang ako na nakayakap sya sa akin, at pareho kaming walang saplot sa katawan.

Hindi nya daw ginusto ang nangyari. Aba! Mas lalo naman ako. Dahil napaka bata ko pa para gawin ang ganitong bagay.

Hindi ako makapaniwala na kaya kong gawin 'to. Dahil nakakahiya mang aminin pero virgin pa ko, at kung sakali sya ang nakauna sa akin.

Sa sobrang inis ko ay pinalabas ko sya ng kwarto ko. Mabilis na nagbihis ako nun, dahil sobrang late na ako.

Pag labas ko ng kwarto ay sinesante ko na si Nikka. Pero lumuhod sya sa harapan ko at nagmakaawa dahil kailangan nya ring matustusan ang pagaaral nya sa College.

Nangako naman sya na hindi sya gagawa ng anumang ikasisira ko. Naawa naman ako sa kanya kaya hindi ko na sya sinesante.

At eto na nga ang kinatakutan ko dahil nagbunga ang nangyari samin nung gabing nalasing kami.

Wala na akong nagawa kundi ang akuin ang responsibilidad bilang batang ama.

Pero mariin kong sinabi sa kanya na hindi ko sya pakakasalan dahil hindi ko sya gusto at hindi ko ginusto ang nangyari samin.

Buti na lang din at naiinitindihan ako ni Nikka. Okey na sa kanya na sustentuhan ko na lang ang anak nya, I mean anak namin pala.

Nasa ganun akong pagiisip ng lumapit sa akin ang emcee at sinabing magsisimula na ang game program.

"Haist! Maintindihan mo sana ako BFF! Para sa ating dalawa ito. I love you BFF." Bulong ko sa sarili habang umaakyat sa stage kasama ang dalawa pang katunggali ko.

Kapag ako gumanda! Who you ka sakin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon