II: pagsilip

258 19 25
                                    


Sumilip ang dalagita sa gabuhok na espasyo sa pagitan ng mga bintana. Nasa bakuran pa rin ang Signor, naghihintay sa karwahe na magsasakay sa kaniya. Sinara niya ang mga bintana.

Walang pasabi ang Signor sa kaniyang pag-alis o sa kaniyang pagdating. Tanging mga utos lamang ang maririnig sa kaniya. Lalakas lamang ng kaunti sa bulong ang kaniang boses, kabaligtaran ng mga katulad niyang Mercantile na lagi nilang bisita sa Casa. Malalaki ang kanilang bunganga at malalakas ang boses.

Ilang sandal na lang ay maririnig na ang kalatok ng tungkod ng Signor. Nangangahulugan iyon na malapit na siya sa tarangkahan. Pagpailanlang ng tunog, binate siya sa kaniyang pag-alis ng tahimik na payuko ng dalawa o tatlong tagapagsilbi. Binuksan ng kanti ni Sal ang mga bintana. Tanging ang papaalis na karwahe lamang ang makikita.

Pagkatapos, tila naisipan ng mga paa ni Sal na magkaroon ng sariling isip at tumalon siya sa kaniyang kama. Malaya siya ulit, lumilipad. Hinagis niya sa ere ang kaniyang belo.

Sa isang araw na kaniya lamang, sasayaw siya ayon sa nais ng puso niya. Magsasalita siya sa kaniyang sariling boses at makikita ng mundo ang kaniyang mukha.

Ngunit siguradong hindi iyon mangyayari. Uutusan ang kaniyang tagapagsilbi na bantayan siya upang hindi siya Makita ng iba.

Nahiga si Sal sa kama at itinaas ang sampung mga daliri sa ere. Magkadikit ang mga pulsuan at nakalatag ang mga daliri na tila mga daliri ng orasan. Nagbibilang siya sa bawat Segundo na lilipas. Iikli ang mga Segundo hanggang sa magugulat na lamang siya sa katok ng tagapagsilbi. Walang masama kung matututo siyang umasa.

Lumipas ang ilang minute, ang sampu ay nagging dalawampu, tapos ay apatnapu. Kakaiba ito. Senyales ang ganitong katahimikan na umalis na lahat.

Napatayo si Sal sa biglang hiyaw ng mga kabayo. May dumating. Naghintay siya. Panigurado na hindi ang Signor ang dumating dahil maingay, masiglang ingay.

Isang oras ang lumipas at nanatiling mag- isa si Sal. Maya't- maya ay may paindap-paindap na tunog ng kaldero at kubyertos. Hindi ganito ang mga tagapagsilbi sa presensya ng Signor.

Isinuot ni Sal ang belo at kumatok sa pinto ng sariling silid. Walang sagot. Binuksan niya ito. Walang tao.

" Buon die?" bati niya sa wikang Caligarian.

"Une, die, tre," bumulong siya. Nagbilang sa bawat hakbang niya palabas ng silid. Napakakipot ngunit napakalawak pa rin ng daanan papunta sa bulwagan ng Casa.

" diez"

Sampu.

Hinigpitan ni Sal ang hawak sa naninilaw na telang nakapatong sa kanyang ulo. Kahit na nakatakip ang talukbong sa kanyang ulo, makikita ang kalakihan ng kanilang Casa, ang mga bintana, and liwanag ng araw, ang mga pader na hindi nagkukulong. Isa itong kalabisan.

Idinampi ni Sal ang daliri sa mukha upang kapain ang umano'y pilat. Sa halip, tanging balat, ilong, labi, at mga mata lamang ang nandoon.

Hinila niya ang talukbong mula sa ulo. Unti- unti, nalaglag ang tela sa kanyang mga maliliit na kamay na parang ahas na nahihimbing. Mas maliit, mumunti kaysa sa inakala niya siyam na taon ang nakalipas. Tumingin siya sa paligid.

Marahil, nawawala na nga siya sa kanyang sarili. Ngayon, nag- iisa lamang siya sa loob ng bahay. Hangga't nananatili ang ingay ng mga tao sa labas at ang ingay ng mga kabayo, mag- isa lamang siya. Hinubad niya ang kanyang panyapak para maramdaman ang lamig ng kahoy na sahig sa kanyang mga paa, tapos ay sa kanyang mga daliri hanggang sa humiga na siya dito.


May mga mahihinahong yabag.

Tumayo si Sal. Sa harap niya ay isang kwarto, sa kaliwa ay ang hagdanan at sa kanan ay ang maalaking hagdanan. Kung may darating mang bisita ay manggagaling siya sa kanan, at ang mga tagapagsilbi sa kaliwa.

Tumakbo siya pabalik sa daanan papunta sa kaniyang silid. Tumigil ang mga yabag. Pumikit siya.

" Shh, ako lang ito."

Malumanay na boses ng isang binata ang kumausap sa kanya habang mabagal na dumantay ang kamay nito sa balikat niya. Nakaluhod din ito sa harap niya. Ang ngiti niya ay napakainit. Si Duren iyon mula sa familia ng Lidelse. Hindi. Siya si Ren, ang kanyang Ren, ang lalaking nakatakda sa kanyang ipakasal. Tanging siya lamang ang lalaking buong puso niyang sasalubungin ng tingin. Ang mukha niya ay otoridad ng isang ama at lumanay ng isang ina.


" Tayo lang ba ang nandito?" namula si Sal.

Malumanay na tinanggal ni Ren ang mga kamay ni Sal na nakatakip sa sariling mukha at inipit ang ligaw na hibla ng buhok nito sa likod ng tainga. Tinakpan ng dalagita muli ang mukha Lumapit lamang si Ren at tumititig sa kanya na may sobrang intensidad. Nakakalusaw. Hindi rin siya nakatiis si Sal at ginawa nito ang nais niya, ipakita ang kanyang mukha.

" Hindi," sagot niya.

Kaya siguro nagkakaingay ngayon sa Casa.

"Kararating lang ni Oleon. Nasa kaliwang bahagi siya ng Casa kasama ang ilang tagapagsilbi."

Napatungo siya. Kabalintunaan ito. Isang kahihiyan. Ang hindi man lamang makita ang kapatid niya samantalang nabisita na siya ng iba?

" Hindi ka ba galit sa akin?" pinilipit ni Sal ang mga daliri. Ilang sandali na lamang at papasok na ang mga tao mula sa labas at masusumpungan na nila ang sinumpa ng mga Cuore. Maghahagis ng mga insulto. Mandidiri ang kanyang kapatid at ang Signor- Ikukulong siya sa bodega. Muli.

" Itigil mo iyan." Matigas ang ekspresyon sa mukha ni Ren.

" Matapang itong ginawa mo." Sumaglit ang kanyang tingin sa belo sa kamay niya." Iyon lamang ay sapat na." Patuloy nito. Kinuha niya ang naninilaw na tela. " Ang nakikita lamang nila ay ang sinumpa ng Cuore, ngunit hindi nila nakikilala si Sal."

Naalala ni Sal ang agnos niya na may salamin sa loob. Sa ganitong mga pagkakataon ay tumitingin siya dito.

" Makikita ko si Oleon ngayon." Nang- uutos ang tono ni Sal. Isa itong deklarasyon. Tiningnan niya si Ren at tumango ito bilang pagsagot.

Pumasok ang mga tao. Nagkaingay. Ngunit hindi ito alintana ni Sal sapagkat kasama niya si Ren.


Feline's note:

 So far wala pang movement or twist this chap pero in accordance sa slice-of-life feel at almost slow-pace ng mga Historical fiction, pinutol ko yung original Chapter 1 na nasa English into Three chaps.

Ang Mutya ng SalaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon