Patuloy na umuulit pa rin sa mga tainga niya ang mga sinabi ni Duren habang hawak pa rin niya ang belo. Pinanood ni Sal mula sa isang maliit na bintana mula sa kanyang silid ang pag- usad ng karwahe na kinalulunan ng mga Lidelse. Parang isang lamay. Sa loob marahil niyon ay ang kasintahan na itinaboy ng kanyang kagagawan.
Sa mga sumunod na araw, tumigil na rin sa pagbisita sa kanya ang guro na nagtuturo sa kanya noon kung paano maging isang mabuting asawa. Piling- pili lamang ang mga tagapagsilibi na pinapalapit sa silid, ni isa ay walang nakakakita sa kanang mukha. ang bawat araw ay isang mapanglaw na kling-klang ng bandeha tapos ay mga mahahabang oras ng paghihintay para sa wala. Wala nang epekto sa ang pagkabagot. Marahil, ito na siguro ang bubuhay sa kanya.
Sa mga sumunod na linggo matapos ang huling pagkikita nila ni Ren, pagkabagot na ang kumakanlong sa kanya. Hindi ang pag- iisa ang kinatatakutan niya. Iyon ay ang boses ng Signor.
Ang tanging presensya lamang niya ay sapat na para magsulok siya sa kanyang silid. Walang salita, ni walang pagsubok na tumingin sa kanya. Ang nararamdaman lang niya ay ang matalim na titig, ang hapdi ng pasa sa kangang pisngi.
Ang kaunting pag- asa na naiiwan sa kanya para kay Ren o maging sa kapatid na si Oleon ay parang dumudulas mula sa kanya sa bawat araw na paparoo't- parito ang mga karwahe na ni isa ay hindi linululan ang Signor.
Hanggang sa dumating ang araw na narinig niyang umingay ang mga kabayo, senyales ng isang karwaheng magsusundo. Sumilip siya sa bintana. Isang matangkad na binata na nakasuot ng pormal na kasuotan, may nakapatong na sumbrero sa ulo at may hawak pang tungkod na tulad ng sa Signor. Hindi kaya iyon na ang Signor? Ngunit nang lumingon ito sa direksyon ng kanyang silid sa ikalawang palapag, tila gumuho na ang kanyang pag- asa.
Si Oleon iyon.
Sasakay siya ng karwahe, pabalik sa paaralan. Hindi na niya ito muli makikita pagkatapos ng ilang taon. Ang sabi pa man din nito ay gugustuhin niyang manatili sa Casa. Kahit man lang para sa kanya, sa ate niya. Sa titig nito, tila nagpapaalam na ito. Sa sandaling iyon, napagtanto niyang kahawig ni Oleon ang Signor.
Naalala muli ni Sal ang maya. Wala na nga siyang ibang sandigan.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya ng Salamin
Aktuelle Literatur"Upang matagpuan nito ang sarili, kailangan nitong mabasag." Ang apat na sulok ng silid ang tanging mundong kinalakihan ni Sal. Gaya ng isang mayang nasa hawla, ninais rin niya na lumipad at makalaya sa kabila ng mga biyaya at yamang natatanggap bil...