Naupo si Sal sa ibabaw ng pasamano ng bintana sa kuwarto sa maliit na tore ng ampunan, kung saan malinaw ang tanawin ng damuhan at ng mga puno. May manipis na guhit ng kayumanggi, marahil ay mga gusali, masyadong malayo. Hawak niya ang liham sa mga kamay. Walang nabanggit na lugar kung saan isosoli ang liham, ngunit tila ang nagpadala nito ay nagmula pa sa Pontmari sa bandang hilagang-silangan ng Limpio. Nakita na niya dati ito sa mga mapa. Kailangang sumakay ng tren mula sa Limpio papunta sa probinsya ng Bulaoan. Napakalayo.
Ang lugar na iyon, sabi nila, ay Tanawa, at hindi dumadaan sa distritong ito ang tren. Tila napakaliit lamang ng mundo kung tatanawin lang mula sa mga mapa.
"Oy!"
Kumaway si Sei mula sa ibaba. Bahagyang nagtaas ng kamay si Sal bilang sagot. Madaling pumasok at ang constable at sa ilang sandal ay nasa loob na siya ng bodega sa tore.
" Maalikabok dito, masikip pa. Ayaw mo bang bumaba? Hihikahin ka dito."Tinakpan niya ang bibig niya.
Ibinaling ni Sal ang tingin sa labas.
" Ay, oo nga. Maganda nga ang tanawin sa labas, pinakamaganda na sigurong puwesto ito dito para Makita ang paligid. "
" Iyon ba ang kabayanan?"
"Hindi. Hindi pa, pero para makarating ka doon, maglalakad ka ng isang oras at kalahati bago mo Makita ang kasunod na bahay. Mga ilang minuto siguro ay makakarating ka na sa plaza. Pero syempre, mas mabilis ang biyahe kung sasakay ka ng kabayo." Malikot ang pagpapaliwanag niya.
" Saan ang pinakamalapit na estasyon?"
"Ng tren ba kamo?" sabi ni Sei." Sa totoo lang, eh, hindi pa yata ako nakasakay sa ganoon, pero ang pinakamalapit na estasyon ay doon pa banda sa distrito ng Paisang."
" Paano ako makakarating sa Pontmari?"
Napamulagat si Sei."Sandali lang!" Pinag-ekis niya ang mga braso."Ang biyahe sakay ng kabayo o karwahe ay aabot ng ilang linggo!"
Tila walang narinig si Sal at inilabas niya ang isang piraso ng papel, "Ganoon pa man, nais ko sanang isoli itong liham sa nagpadala."
"Nasa iyo pa pala," Napapalakpak siya sa hangin. "Aywan ko ba kung dapat akong matuwa o hindi. Ano na?"
" Iniisip mo siguro na dapat ko itong ibalik kay Lea."
"Oo, dapat. Pero ayaw ko naman na umalis siyang mag-isa," Napabuntong-hininga si Sei.
"Mahahanap ba natin doon si Dario Lehmann?"
"Pwede namang, makisuyo na lang na ipadala ito. Tulad ko. Ako na ang bahala." Iniunat ni Sei ang kamay para kunin ang liham ngunit pinasadahan lang ito ng tingin ng dalaga.
" Maari ba natin itong dalhin sa Ginoong Lehmann? Makakahanap ba tayo ng kartero na magdadala nito sa kaniya?"
" Ako na ang bahala."
" Sino ba siya?"
Napatigil ang constable sa tanong na iyon at napahilamos na lamang siya ng mukha.
" Ako na nga ang bahala," pamimilit ni Sei.
" Alam ko," sagot ni Sal.
Namagitan ang katahimikan habang tila gulat na nakatayo ang binata.
" Placiere, Il to requaerete yo."
Gaya ng inaasahan, lumukot na naman ang mukha ng kaharap. Inulit ng dalaga ang sinabi at pinagmasdan siya ng diretso. Iilang segundo lang ang lumipas at binaling ni Sei ang ulo sa gilid, umiiwas ba?
BINABASA MO ANG
Ang Mutya ng Salamin
Fiksi Umum"Upang matagpuan nito ang sarili, kailangan nitong mabasag." Ang apat na sulok ng silid ang tanging mundong kinalakihan ni Sal. Gaya ng isang mayang nasa hawla, ninais rin niya na lumipad at makalaya sa kabila ng mga biyaya at yamang natatanggap bil...