Pagbukas ni Sal ng pinto ay makikita ang isang binatang nakahiga sa magarang kama. Nakahiga na parang nakabalumbon si Oleon, nakatalikod sa kanya ngunit hindi maitatanggi ang haba ng mga biyas. Sa paraan niya ng pagtulog maiisip na parang ito lamang ang pagkakataon niya para gawin ito. Pumayat siya.
Dali- dali siyang tinabihan ni Sal at makikita na nakakunot ang mga kilay ng kapatid kahit na natutulog ito. Ibang- iba siya sa batang maliit na kilala niya.
Sinilip ni Sal ang pinto para masigurong nanatili doon si Ren bago maalala na nakakandado nga pala ang pinto para ilihim ang presensya niya doon. Mag- isa lamang silang dalawang magkapatid. Makikilala ba niya sya? Kagagalitan ba sya nito dahil sa pagdating nya?Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba siyang napag-iiwanan?
Saglit niyang kinurot ang mga pisngi nito bago naisip na buksan ang mga bintana. Nakakasilaw ang liwanag ng araw pero binuksan pa rin niya ang mga kapis na bintana. Mahinang nagreklamo si Oleon bago tumalikod muli sa bintana. Pasaglit na lumapit si Sal at itinuro ang daliri sa tabi ni Oleon kaya't nang igilid nito ang mukha ay natusok naman ang pisngi nito dahil sa ate. Ngumiti lamang si Sal habang hinintay na makilala siya ng kapatid.
Nagmulat lamang siya ng mata sa pagkalito pero mariin at hindi maganda ang ekspresyon sa mukha nito.Hindi na siguro siya dapat nagpakita. May kumatok nang mahina ng tatlong beses sa pinto. Senyales iyon ni Ren. Aalis sana siya nang may humigit sa kamay niya. Si Oleon. Hawak nito ang kamay niya. Nang mapansin niya ito ay madali siyang bumitaw.
" Dito na lang ako mananatili. Ayaw ko sa Paaralan." Mahina at halos nanginginig ang boses nito. Kitang-kita ang bahagyang paghabol nito ng hininga.
Natigilan si Sal. Anong maisasagot niya? Wala. Tila anumang isasagot niya ay muhi ang isasalubong dito ngunit pinilit niyang magsalita. Nahagip ng tingin ang isang maliit na sulat sa lamesitang katabi ng kama.
" Bakit kailangan mong umalis?" tanong niya.
Kumunot muli ang mga kilay niya at umupo. Nakatingin lamang siya ngayon sa puno ng mangga sa labas ng Casa nila. Parang kailan lang noong magtatakbo at mag- iiiyak ang batang ito sa pag- aalala sa tuwing aakyatin ni Sal ang punong iyon. Naalala pa ba niya ito?
" Ang Signor Cuore." Bulong nito.
Pagbukas ni Sal ng pinto ay makikita ang isang binatang nakahiga sa magarang kama. Nakahiga na parang nakabalumbon si Oleon, nakatalikod sa kanya ngunit hindi maitatanggi ang haba ng mga biyas. Sa paraan niya ng pagtulog maiisip na parang ito lamang ang pagkakataon niya para gawin ito. Pumayat siya.
Dali- dali siyang tinabihan ni Sal at makikita na nakakunot ang mga kilay ng kapatid kahit na natutulog ito. Ibang- iba siya sa batang maliit na kilala niya.
Sinilip ni Sal ang pinto para masigurong nanatili doon si Ren bago maalala na nakakandado nga pala ang pinto para ilihim ang presensya niya doon. Mag- isa lamang silang dalawang magkapatid. Makikilala ba niya sya? Kagagalitan ba sya nito dahil sa pagdating nya?Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba siyang napag-iiwanan?
Saglit niyang kinurot ang mga pisngi nito bago naisip na buksan ang mga bintana. Nakakasilaw ang liwanag ng araw pero binuksan pa rin niya ang mga kapis na bintana. Mahinang nagreklamo si Oleon bago tumalikod muli sa bintana. Pasaglit na lumapit si Sal at itinuro ang daliri sa tabi ni Oleon kaya't nang igilid nito ang mukha ay natusok naman ang pisngi nito dahil sa ate. Ngumiti lamang si Sal habang hinintay na makilala siya ng kapatid.
Nagmulat lamang siya ng mata sa pagkalito pero mariin at hindi maganda ang ekspresyon sa mukha nito.Hindi na siguro siya dapat nagpakita. May kumatok nang mahina ng tatlong beses sa pinto. Senyales iyon ni Ren. Aalis sana siya nang may humigit sa kamay niya. Si Oleon. Hawak nito ang kamay niya. Nang mapansin niya ito ay madali siyang bumitaw.
" Pakiusap, huwag mo akong paalisin, " sabi niya.
Natigilan si Sal. Anong maisasagot niya? Wala. Tila anumang isasagot niya ay muhi ang isasalubong dito ngunit pinilit niyang magsalita. Nahagip ng tingin ang isang maliit na sulat sa lamesitang katabi ng kama." Oleon, mi Oleon." Bumulong si Sal. Ang kapatid niya ay tila pagod na pagod.
" Kome va?" pangungumusta niya sa wikang Caligarian.
Napakunot ng noo ang kapatid, " Tanging si Papa lang ang nagsasalita ng ganiyan. Doon sa Unibersidad, wikang Halbio ang pinapagamit nila sa amin."
Natahimik na lang si Sal. Mas natural kasi sa dila ang mga salitang Caligarian. Kahit ang mundo sa labas, itinatanggi ang nais na pagsasalita ng Signor. May kaunting panginginig sa monotonong boses ng kapatid nang banggitin nito ang Unibersidad.
" Malaki ba ang Unibersidad?"
Umiling ang kausap at napatingin sa bintana. Tinitigan niya ang puno ng bayabas sa labas. Parang kailan lang noong magtatakbo at mag- iiiyak ang batang ito sa pag- aalala sa tuwing aakyatin ni Sal ang punong iyon. Naalala pa ba niya ito?
" Ang tamlay na ng puno," sabi ni Oleon.
" Puwede tayong lumabas at umakyat sa punong iyan, gaya ng dati. "
Ngumiti lamang ang kapatid at inabot sa kaniya ang isang sulat.
Tatlong mariing katok.
" Nandito ang Signor." Kahit na nagmamadali ang boses ng tagapagsilbi na ihayag ang pagdating nito ay naunahan ito ng pagpasok ng Signor sa loob ng kwarto ni Oleon. Ang Signor ay matangkad, puno ng dignidad at strikto. Ang bawat hakbang niya ay mabigat. Ang tingin niya ay hindi maglalandas sa dako ni Sal.
Nagmadaling yumuko si Oleon at sumubok pa na tumayo sa kinauupuan niya. Dalawang tagapagsilbi ang kasama ng Signor. Kagaya ng kailangang gawin, yumuko rin si Sal. Napuno muli ng katahimikan. Ang Signor ang dapat na maunang magsalita.
" Ikinahihiya ka ng pamilya." Matigas ang tono nito ngunit parang nagiging bulong ang pagsasalita nito. Nakapako si Sal sa kinatatayuan nya na may bagyo sa loob nya. Sinilip niya si Oleon. Halos hindi nagsalita ang Signor pagkatapos noon. Walang ibang makita si Sal ngayon maliban sa tungkod nito na tila isang talim na handang sumugat.Hindi siya mag- aatubili na pagbuhatan ito ng kamay. Nangyari na ito noon, mangyayari ulit.
May kaunting lambing pa bang natitira sa kanya?
Itinaas ni Sal ang tingin para salubungin ang sa Signor. Bagyong dumadaluhong sa bagyo.
" Bakit po ba ninyo sinasabi ang iyan?"
Namumuting buhok na malinis na nakaayos sa mukha na tila mahina para bumagay sa boses na kalupitan lamang ang alam. Sa isang sandali, nakita ni Sal na mag- alangan ang Signor sa tayo nito at kinailangan pa nito ang tungkod para sa suporta. Umiwas ito ng tingin ngunit mariing nagpukol ng titig kay Sal. Para siyang preso na nakaparada.
" Ilabas nyo dito ang taong ito. Hindi ko siya nakikilala."
Binuksan ng mga tagapagsilbi ang pinto at malinaw na nakabantay doon si Ren. Katabi lamang siya ng pinto kaya siguradong narinig nito ang lahat. Hindi na niya dapat ito narinig, maging si Oleon. Ginawa ni Sal ang pinag- uutos. Nang hinatid si Sal pabalik sa kaniyang kuwarto, sumilip siya sa sulat na ibinigay sa kaniya ni Oleon. Itinatakwil na siya ng Unibersidad.
Feline's note: Grabe! Nauubusan ako ng Filipino words T.T Naisipan kong iupdate ito dahil ngayon ko nalaman na may nagbabasa pala nito.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya ng Salamin
Ficção Geral"Upang matagpuan nito ang sarili, kailangan nitong mabasag." Ang apat na sulok ng silid ang tanging mundong kinalakihan ni Sal. Gaya ng isang mayang nasa hawla, ninais rin niya na lumipad at makalaya sa kabila ng mga biyaya at yamang natatanggap bil...