Alam kong darating ang araw na ito ngunit nagawa kong limutin lahat ng dahil sa iyo. Sa oras na matanggap mo itong sulat ay lulan na ako ng isang bangkang patungo sa aking lupang sinilangan. Ang bayan ng mga pirata na aking kinamuian ay mananatiling nakakabit sa akin. Kailanman, ang bayan mo ay hindi ko magiging tahanan.
Nais kong tumakas, lumayo. Alam ko na pagkabigo lamang ang naghihintay sa akin parati. Trahedya na iniwan ko sa iyo.
Huwag kang mangulila sa akin. Huwag ka nang maghintay sa Casa sa hilaga. Huwag kang mag- alala para sa aking kaligtasan sapagkat ako ang nagdala sa iyo ng pasakit.
Hindi ko hinihiling na patawarin mo ako dahil nais kitang makalimot. Mabuhay ka na tila hindi mo nakikilala ang aking pangalan.
Bumalik ka sa Limpio kung nasaan ang iyong langit. Mabuhay tayo sa mga kapalarang hindi natin matatakasan. Kung hindi para sa atin ang maging masaya, ang mahalaga ay mabuhay ka. Pakiusap.
Sunugin mo ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/122781099-288-k268643.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Mutya ng Salamin
Ficción General"Upang matagpuan nito ang sarili, kailangan nitong mabasag." Ang apat na sulok ng silid ang tanging mundong kinalakihan ni Sal. Gaya ng isang mayang nasa hawla, ninais rin niya na lumipad at makalaya sa kabila ng mga biyaya at yamang natatanggap bil...