1873 Nobiembre - Tanawa

69 6 0
                                    



Wala na nga sigurong mas papayapa pa sa gabing ito. Tanging mga ingay ng gabi ang maririnig sa isang pribadong ampunan sa distrito ng Tanawa. Tahimik na marahil dahil tulog na ang mga tao sapagkat malalim nga naman ang gabi. At sa ganoong oras, ayaw nang mang- istorbo ng isang binatang papasok sa tarangkahan nito. Kulay ng lupa ang balat at kupasin ang unipormeng pangkonstable ang suot nito. Hindi niya napansin ang dalagitang may esmeraldang mata na tahimik na nagtatangkang tumakas sa ampunan. Malas nga naman at sa ganoong oras pa nagpakita ang konstable. Ang hirap pa man din magtago dahil maliwanag ang buwan.Nakakarindi nga naman ang mabibigat na tapak ng konstable, nakakaladkad ang panyapak nito sa lupa. Sa pag- aakalang hindi na siya matatanaw ng tinataguan, mabilis na tumakbo ang dalagita kaya't huli na nang makita niyang napansin din siya ng tinataguan.

"Lea, Maari mo namang gamitin ang pinto.  " Bumuntong- hininga ang binata. Panigurado na mamomroblema na naman ang tagapangalaga ng ampunan kung magkandagalos- galos na naman ito sa pagtakas ito.

" Wala ka kasing nalalaman sa lugar na ito, Zei," bulong ng dalagita.

" Nauunawaan ko naman ang dahilan mo ngunit kailangan pa rin nating sumunod sa mga batas. Para mapanitili ang kaayusan, hindi ba?" Ang gaan pa rin ng boses ni Zei kahit na dapat ay nag- aalala ang tono nito. " At saka, mas mabuti nang nandito ka kaysa sa kumakain sa mga basurahan sa pantalan."

Sinamaan siya ng tingin ni Lea. Oo nga pala, nakalimutan na naman niyang sensitibo nga pala siya sa ganoon.  "Kung ganon, paumanhin."

" Akala ko dati ay maiintindihan mo ako dahil magkapareho tayo," sabi ni Lea. Sa dilim ng gabi, naaninag pa rin niya ang kulay ng balat at ang kulot na buhok ni Zei. "Hindi ka rin naman kasi makikinig." Wala pa ring binigay na pagpansin si Lea sa binata. Maglalakad na siya palayo nang maramdaman niyang hawakan siya nito sa pulsuhan.

" Inaaresto kita!" bulalas ni Zei. Madali rin naman siya nitong binitiwan at bahagyang ngumiti. " O, sige, heto at makikinig ako." Sabay turo nito sa tainga.

" Inaaresto ako ng isang Piede Konstable." May diin ang pagkakasabi sa Piede.

" Isa pa ring Konstable."

" Pinakamababang opisyal." Hayan at diniin na naman ni Lea ang salitang pinakamababa. Nangiwi na nang tuluyan si Zei. " Tinanggap sa posisyon dahil sa awa. Iniwan ng mga kasamahan. Iyon kaya ang dahilan kaya nandito ka kaysa sa nagpapatrol sa kabayanan?"

Sa bawat pangungusap, lumiit na ang mukha ni Zei na parang tumikim ng kalamansi. " Ang talas naman po ng dila natin diyan, binibini." Nang makakuha ng buwelo ay dumepensa ang binata. " Ayon sa mga nakatataas na opisyal ay mahalaga daw ang misyon ngayong gabi kaya iilan lamang ang kanilang isinama."

Umirap lamang si Lea. " Ewan ko at naniniwala ka pa rin sa kanila pagkatapos mamatay ni Kuya." Iniwan nitong nakaanga ang binata. Hindi rin naman ito kumibo dahil 'di rin naman niya maipipilit na maniwala ito sa okupasyon niya. Susuko na ba ito sa kagustuhan ni Lea na tumakas? Naghintay lamang ito sa puwesto at tiningnan kong babalik ito. Tumalikod siya, kunwari iiwan na rin si Lea sa gusto niya kahit na pamaya't- maya ang lingon ng binata sa pinto kung magdadalawang- isip man lang ito.

Bigla na lang may sumigaw. Boses iyon ni Lea. Mabilis na tinakbo ng binata ang direksyon ng tunog. Mga ilang metro ang layo nito sa kaniya, malapit sa mga makakapal na puno ng kawayan sa labas ng ampunan.

Nakita niyang nakatayo si Lea, nabato at nakatakip ang kamay sa bibig. Sa harap niya ay may isang bulto. Sa ngayon, hindi niya mahinuha kung ano ang laman niyon. Basta isang pigura na nababalutan ng puting kumot ang palagay niyang nakahiga sa lupa. Pero kaya lamang naman sisigaw si Lea marahil ay inakala niyang bangkay ang kanyang nakikita.

" Kumalma ka lang, " sabi niya kay Lea. Lumuhod siya sa tabi ng bulto at walang alinlangang binuksan ang tela na bumabalot dito. Isang babae,  tila bata pa, mahaba ang buhok at tila walang malay. Tuluyan niyang tinanggal ang tela. Sa pagkakataong ito ay iniwas na niya ang tingin sapagkat panloob lamang ang suot nito. Bumuntong- hininga si Lea,siya naman ang lumuhod para inspeksyunin ito.

Walang malay ang babae pero walang sugat na makikita sa kanya. Kahit na kinakabahan, ikinanlong niya ang babae sa mga hita at dinampi ang daliri sa may leeg nito. Nawala ang sikip ng dibdib nya ng makumpirmang mainit ito.

" Buhay pa siya. " Naunahan naman ni Zei si Lea sa pagdeklara. Umaasa na kakalma na ang kausap.

" Ngunit palagay ko ay mamamatay siya kung hindi maagapan." Putol ni Lea. " Kung wala siyang malay dahil sa sugat, marahil dahil ito sa lason." Puna nito ng maramdaman ang tuyong likido sa gilid ng labi ng babae. Mainit ang katawan. Tila nanunuyo rin ang balat. Ilang beses nang nakakita ng ganito si Lea kaya madali niyang nahinuha na lason, isang napakapamilyar na lason, ang nagpapahirap dito.

Walang pag- aalinlangan na binuhat ni Zei ang babae pabalik sa ampunan habang nakaalalay si Lea. Dahil sa liwanag ng lampara sa pintuan ng ampunan, malinaw na namasdan ni Lea ang mukha nito. Walang pagkakamali, malaki ang pagkakahawig niya at ng babaeng ito.

Ang Mutya ng SalaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon